Press Release
September 19, 2016

PAHAYAG NI SEN. LEILA M. DE LIMA
Setyembre 19, 2016

Umalis po tayo kanina sa session, dahil sa simpleng dahilan: Hindi ko na kailangang pakinggan ang walang basehang pag-akusa sa akin, lalo na ang hayagang pambabastos sa akin.

Tumayo po ako at umalis bilang protesta sa maiitim na planong patahimikin ako at ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan sa likod ng mga nagaganap na patayan sa ngalan ng kampanya laban sa droga.

Simula pa lang, pilit na nilang hinahadlangan ang pagdinig ukol sa extrajudicial killings. Uulitin ko po: Hindi ako ang sumisira sa imahe ng Senado at ng ating bansa; ang tunay na nakakasira dito ay ang patuloy na mga patayang nagaganap dito sa ating bayan. Lalo pa itong lumalala dahil sa mga kilos at salita ng matataas na pinuno na tila naghihikayat na isantabi ang karapatang pantao sa paglaban sa ilegal na droga.

Makakaasa po kayo: Sa harap ng mga panggigipit na ito, patuloy akong maninindigan para sa katotohanan, at patuloy kong gagampanan ang tungkulin ko bilang Senador.

News Latest News Feed