Press Release
September 26, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE's DZMM INTERVIEW
with Ted Failon

TED FAILON: Senator Grace Poe, Good Morning po, Ma'am.

POE: Magandang Umaga po, Manong Ted at sa lahat po ng nakikinig.

FAILON: ...Madam Senator sa Kamara ho mukhang may problema pa sila Ginoong Tugade. I'm sure you read the news already na sa Kamara po binibitin po nila kasi hindi pa ho nakakapaglahad ng detalyadong plano. Ano bang gustong gawin nila Ginoong Tugade atsaka yung sinasabing usapin ng conflict of interest sa kanyang mga gustong i-appoint na mga Undersecretaries. Ma'am in the Senate, kayo po ay nagsabi na last hearing na ho yung inyo pong hearing with the Mayors. Yun po talagang huling hearing Ma'am?

POE: Meron kaming technical working group para mas specific yung mga tanong. Kasi alam niyo naman sa mga hearing, matanong talaga lahat. Ngayon kung ang kalalabasan nun ay maayos na rin; maaaring ilahad ko na lang yung magiging proposal namin-- bill para makilatis ng ating mga kababayan bago po ito isumite sa plenaryo. Ang problema kasi sa isa pang hearing kaya nga emergency, nagmamadali rin tayo, kaya lang tama rin ang sinasabi ng iba na talagang hindi pa nga detalyado. Kaya kailangang bigyan natin sila ng konting elbow room sabi ko nga pero hindi naman pwedeng masyado namang napakalawak ng ibibigay nating parameters sa kanila. Katulad din Manong nabanggit nila yung rail expansion na magdadagdag ng rails sa Mindanao, sa Visayas at sa Central Luzon pero hindi naman nila sinabi kung saan nila ilalagay. Tapos, yung mga sinasabi pa nga nila, katulad niyang mga elevated walkways, may nakalaan na budget diyan pero san nila ilalagay yung elevated walkways tapos yung sinasabi nga ninyo na Bus Rapid Transit maganda yun, maganda yung proposal nila na yun pero talagang sinabi ko sa kanila kasi P40 billion...tama kayo Manong, thank you for calling our attention to this. Papaano nila gagawin yan in an emergency power, bidding pa rin daw ang sinasabi nila, so maglalagay rin kami ng mga probisyon diyan na kahit sabihin natin na ito ay emergency powers, for a certain amount na kailangan na may bidding pa rin pero within a certain time period...

FAILON: So, Ma'am marami pa pong walang detalye kumbaga. And how can you address, I mean how can you draft a proposal, a bill, a measure without those details, Ma'am?

POE: That's why hiningi po natin yan katulad niyan ipapatayo ang mga train na ito, itong mga rail na ito sa technical working group po namin yan kukunin kasi nilagyan...diba napakahaba. Katulad niyan yung mga hinihingi nila para mapabilis ang ating mga lisensiya at ating mga plaka, hindi na po kailangan kasi ng emergency powers. Basta lang malaanan ng budget kaagad-agad dito sa atin sa pag-aapruba ng GAA tapos marami pang mga iba na nilagyan namin ngayon ng mga marka na kailangan nilang bigyan at least doon man lang kung ano ang gagawin nila dito.

FAILON: Okay sige po Ma'am. Yun pong pagkakaroon ng common bus terminal para po sa paglilipatan na manggagaling sa EDSA. Ito ho ba ay na-resolve na itong isyu kasi sa inyo pong ipinamahagi sa media na kanilang proposal well ang anduduon lang po dalawa yung sa South. Papaano po dito sa North Ma'am.

POE: Sa North, wala pa nga wala pa silang sinasabi kung saan nila ilalagay sa North. Isa nga yan sa aming iniintindi atsaka siguro din sa technical working group ipapatawag namin yung, kung di ako nagkakamali, kasi yung nanalo dito sa Southwest Link ay Megawide. Ito naman ay credible na kumpanya pero siguro dapat ilahad nila yung kanilang plano at kasama diyan yung provincial busses operators at yung mga stakeholders doon, kasama sila Tita Elvie, makita kung talagang workable kasi ito ay isang planong inaprubahan na hindi naman tayo kinunsulta talaga kung ano ang magiging disenyo niyan. Pero Manong merong isa pa, may proposal sila for a subway system in a business district. Ewan ko kung napansin na yun ng ating mga kababayan pero maganda po yan dahil kung galing kayo po sa the Fort papuntang Makati-Ayala triangle sa MOA pero yun nga, yun ang gusto natin hingin, yung detalye dahil wala pa yata yang amount at gano katagal gagawin at yun ang mga...detalye.

FAILON: Ma'am baka pwede ho kaya siguro bago pag-usapan yang bagay na talagang hindi po matatapos sa loob ng sabihin pa natin lima o hanggang walong taon, ito ho muna pupwedeng maresolba without the emergency powers kayo ho ba nakapag-discuss tungkol dito or yung diba ano ba talaga ang kanilang plano kasi nauunawaan natin sila. Diba humihingi sila ng palugit, pang-unawa, etcetera, isang daang araw makakaramdam tayo ng pagbabago pero Ma'am eleven days to go; I don't know Ma'am kung kayo po ay nakakaramdaman na ho ng pagbabago kasi sa ibang tao na hindi nila manhandle dito tayo ho mismo its getting worst Ma'am.

POE: Alam niyo po kausap ko nga si Vice Mayor Isko Moreno. Ang sinasabi sa akin ang pagkakaroon ng Central Traffic Authority magandang ideya yan pero talagang dapat magkaroon ng kaalaman sa mga nangyayari sa ibang lokal. Kasi katulad niyan pag ika'y hinuli sa isang traffic violation sa kanto ng Taft halimbawa sa may La Salle at nagmamadali ka at tumawid ka sa may Vito Cruz ba yun, papuntang may BPI, Pasay na po yun. Ang mangyayari doon yung mga nagta traffic, yung regulasyon doon sa isang munisipalidad o sa isang syudad, iba na doon sa kabila. So mabuti talaga alam niyo ngayon pa lang hanggang ngayon kapag dumadaan ako sa gilid-gilid yung mga naka-park na sasakyan na talagang dapat alisin at siguro naman kahit papaano may konting kaluwangan kung gagawin yan. Dapat talaga isipin at isa pa yung sinasabi niyo Manong may bus rapid transit nga pero ano ang gagamitin ng mga bus doon. Magbabawas ba tayo ng bus, so LTFRB ilan ba talaga nabigay na ninyo na franchise dito sa mga Metro busses natin. Yun yung mga siyempre kailangan ko na naman bigyan ng pagkakataon ng ibang makapagsalita sa hearing. Kaya pag technical working group po siguro... mas matutukan talaga.

FAILON: Ma'am medyo napapansin ho natin pati na rin yung iba medyo sabog po. Sabog ho yung, I mean hindi natin mawari po kung ano ho ba...

POE: Oo, totoo.

FAILON: Example na lang ho Ma'am, yung MMDA ay umattend po sa hearing po ninyo. Ang tanong po papaano po ba ang ginagawa ngayon ng MMDA para sa kanilang mga traffic enforcers? Pati rin po 'yung mga LGUs na may kanya-kanyang traffic enforces po sa usapin po ng training, kaalaman sa kanila. Kasi Ma'am, ano ho, kahit na po libo ang dami niyan kung hindi naman alam ang gagawin ay lumalabas rin pong useless po, Madam. If I may just tell you a story ano ho, very quickly po, ito very parochial baka kasi may kahalintulad itong mga lugar sa inyo, sa mga nakikinig ngayon sa atin. Ma'am basic lang po, kanto po ng Agham, Quezon Avenue, Biyernes po ng hapon. Aba'y ay tukod po nito, grabe ang tukod, umabot na ho ng Commonwealth kinalaunan kasi binago ho pala 'yun pong traffic light. 'Yung panahon ng pag-hihintay ng bawat magkocross ano. Ginawang tatlong minuto 'yung paghihintay para ka makatawid, yung tawid mo naman 30-seconds lang. So all of a sudden binago po nila. Okay ngayon ang problema dyan dahil binago ito, nagkabuhol buhol, kinalaunan po 'yung intersection free for all na. So meron ka nang problema, bottleneck na. It took us about almost an hour just for that intersection. Okay, so tawag ka na kay Vice Mayor Joy Belmonte, SOS ito, kinakailangan ng enforcer dito. Pagdating mo na ngayon finally ng Quezon Avenue-EDSA Intersection aba meron pong pitong traffic enforcer. Yung isa nagtatraffic, yung anim nagkukwentuhan. Ngayon, 'yun pong lugar na yan ay walking distance lang doon sa medyo may bottleneck, problematic area. Okay, so the point is ano ba naman ito? Naunawaan natin problema 'yung volume, kawalan ng disiplina but at the end of the day, ikaw pa rin ang sasandal sa gobyerno to place law and order. So meaning, Ma'am sandamakmak man ang swelduhan nating enforcer, kung una, sorry po, pero kung aalog alog ang utak niyan, wala naman laman ang utak nyan, aba. You know what I'm saying? Useless e. Useless Ma'am kasi wala silang supervisor. No one is in charge.

POE: Alam mo tama po yung sinasabi niyo. Hindi natin alam minsan kung nagtatraffic o nagpapaypay sila. Kailangan talagang, 'yun nga e, ewan ko nga kung may training sila. Gusto ko ngang kausapin kasi minsan yung iba, parang nakikita mo, ay salamat naman nabibigyan ng trabaho itong taong to. Pero mukhang wala talagang training sa pagtatrapiko. Hindi nila kasalanan, kailangan talagang meron silang enrichment na binibigyan sila, traffic enforcer ka ito yung mga... Baka nga hindi nila alam yung mga rules dyan. At tsaka alam niyo pati 'yung sequence ng traffic light hindi siya yung basic formula, hindi po basta basta. Sana nga may mga eksperto para dyan. Opo Manong salamat po uli sa pagpapaaalala, wala po kaming monopolya sa kung ano ang tama. Tama rin kayo na hindi lahat mapanghahawakan. Alam niyo sa hearing natin palaktaw-laktaw, minsan nandoon tayo sa airport, minsan nandoon tayo sa train. Hindi natututukan. So ngayon sa technical working group, isa yan sa mahalagang tanong sa MMDA. Papaano tinuturuan ng enforcement itong mga tauhan. Isa pa rin po yan sa nagiging suliranin natin.

FAILON: Yes Ma'am. And then, you know, training, deployment, sino ba ang in-charge dito, etc. Ano Ma'am parang very irritating ano ho. Para sa isang katulad ninyo na you know, kayo po ang hinihingian ng poder na ito then when you asked them detailed you know information, hindi makapagbigay. And then nakailang buwan na kayo sa hearing na ito, di ba dapat ngayon klaro na ho ang mga bagay na ito? Ako naiintindihan ko ang inyong frustration po dito. Parang kung minsan parang ano, pwede mong ituring na sabaw. Alam mo yung sabaw?

POE: Malabnaw?

FAILON: Ma'am walang laman e. Puro sabaw, paubos na pasensya, puro sabaw. Opo.

POE: Yun na nga po, ang mahirap naman dyan sinasabi nila, emergency nga kailangan madaliin natin. Gusto ko nga talagang madaliin pero hindi naman tayo pwedeng, alam niyo...baka mamaya magkagulatan na lang sa dulo, ano yung ginagawa niyo na yan? Yung north and south, NLEX- SLEX connector, meron na raw swiss challenge dyan na naibigay doon, kukunin po natin yung detalye nyan. Yan po yung mga bagay na talagang hiningi natin sa hearing. Tsaka, alam niyo 'yung sinasabi ng Kongreso na kung magbibigay daw sila ng emergency powers kay Sec. Tugade kung tama yung nadinig ko sa isang report kaninang umaga, hindi po kay Sec. Tugade. Ang emergency powers po ay sa presidente. Ang presidente po ang bibigyan natin nyan pero siguro dapat malinaw rin na marinig din natin mismo sa Ehekutibo na sino talaga ang magiging tiwala ng ating pangulo dyan. Nabanggit na rin siguro ang pangalan ni Sec. Tugade. Pero kasi sa emergency powers, ang sasabihin natin dito ay kung sino yung magiging appointed ng presidente na mamahala dito sa traffic solution. Sino yan? Baka mamaya sa bandang huli iba yung maappoint ano. Pangalawa pa, saan ba talaga yan? Metro Manila? Cebu? Cagayan de Oro? Davao? And other highly urbanized city? Hindi naman po sa buong Pilipinas pero katulad po niyan yung train na gusto nila na 'yung PNR magmula sa Tutuban hanggang sa Bulacan hanggang sa Clark, siyempre maraming mata-traverse na iba'-ibang lugar hindi lang ang Metro Manila. So 'yung procurement process ng right of way ay importante rin.

FAILON: Hay, 'yun nga po. Ma'am ano ho e, naunawaan natin ang daming 'ito ang plano namin, ito ito.' Pero 'yung MRT 3 apat na beses nagkaaberya nitong Sabado. Sana nga bago tayo magbabanggit ng mga bagay na ito, maramdaman nga natin yung pagbabago ano.

POE: Imbes na Busan, dapat Train to Busan ang tawag sa nag-memaintain ano.

FAILON: Well nagkakaubusan na po ng train. Naku, anyway sige po Ma'am. Thank you for your time po. We'll be keeping in touch po madam and you know ang ating adhikain dito pagtulong-tulungan ito at ang atin lang po kasi ay maramdaman po natin ano po na habang wala pa itong hinihingi na emergency powers na ito, may ginagawa na po dapat sila. Pati po yung simpleng clearing ng mga side streets. Hindi ko sinasabi ngayon na...

POE: Pwede bang may maidagdag, maikli lamang po. Yung isa na sana mas mapaaga po yung vacation ng ating mga estudyante. Kakausapin po natin ang DepEd para titingnan natin baka makatulong ito sa traffic. Pangalawa, yung sinasabi natin maraming nagsasabi, sana mabilis ang internet natin para maka-telecommunicate ang mga nagtatrabaho sa opisina, work from home. Pero hindi naman pwedeng mabagal ang internet. So susubukan nating masama dyan yung mabilis na pagbibigay ng permit para sa cell towers.

FAILON: Yes Ma'am. Well said. Ma'am, again thank you for your time. We'll be keeping in touch po with this issue.

POE: Maraming salamat Manong at sa ating nakikinig.

News Latest News Feed