Press Release
September 29, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW

Poe: Nais kong sabihin na ikinalulungkot ko ang pagkawala ng isang babaeng huwaran din namin dito sa Senado. Pagdating sa kanyang galing, pagdating sa kanyang tapang at talino, isang inspirasyon sa amin at para sa akin, personal na kawalan ito sapagka't naalala ko ang kauna-unahang bill na ipinaglaban ko dito yung pagkakaroon ng paglahahad ng katotohanan sa gobyerno sa pamamagitan ng FOI, siya ang aking naging katuwang kaya isang pagsaludo at pasasalamat sa isang babaeng huwaran at insipirasyon sa marami, kay Senator Miriam Defensor Santiago.

Q: Ma'am FOI, now that we're done with the deliberations ano na po yung next step?

Poe: Masaya ako na yung FOI tapos na yung ating public hearing, napakinggan na natin ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, ang kanilang mga opinyon ukol dito, lahat sila ay suportado ito meron lamang silang mga nais sigurong iklaripika. Natanong na rin natin ang iba't ibang mga sangay ng media at mga interest groups ukol dito. Sa tingin ko maisusumite na natin dahil sa tingin ko naman hindi malalayo ito doon sa bersyon na naipasa na sa Senado kaya ako'y umaasa na ito'y mapapasa bago matapos ang taon.

Q: Ma'am kanina may bang na-raise na concerns about privacy. How will you resolve that? Ano yung mga magiging safeguards na ilalagay sa bill?

Poe: Well isa nga yun na nabanggit, yung karapatan ng tao naman na magkaroon ng pagrespeto sa kanyang privacy. Ang gagawin natin dito ay sisiguraduhin natin, katulad pagdating sa mga health records ay hindi naman na kailangan na isiwalat pa iyan sa publiko at kung isang ordinaryong mamamayan wala naman sa gobyerno, yung kanyang tirahan, yung kanyang mga TIN number, yung mga bagay na ganoon ay talagang hindi naman kailangan ilahad pa ng mga sangay ng gobyerno.

Q: Ma'am kanina po merong concern yung sa bangko?

Poe: Kinausap natin yung Bangko Sentral at meron nga silang sinabi rin na maaari kasi pagka may mga impormasyon na premature o hindi naman kumpleto pa eh baka magkaroon din ng kalituhan pagdating sa ating merkado kaya kailangang pag-ingatan iyon. Hinihingi natin ang mga probisyon na magsisiguro naman sa kaligtasan din ng mga ordinaryong mga depositors at financial institutions pero hindi para itago ang isang pagkakamali o isang maling intensyon.

News Latest News Feed