Press Release
October 4, 2016

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: You want a fourth hearing for the emergency powers, so what do you want to thresh out dun sa hearing?

Sen. Grace Poe: Actually this was requested by the Minority Leader. Kasi nga doon sa nabanggit ko ang dami nilang plano pero parang hindi nila na-eksplika kung paano ba talaga gagana yun. May mga iba, sabi nila, 25 km of rail in Mindanao pero saan doon? Tapos dito naman sa Maynila, mayroon daw silang dedicated Bus Rapid Transit Line. Ang ibig sabihin ba nila tatanggalin nila lahat ng bus sa EDSA? Kung ano man iyon ay ilahad na nila ngayon. Pero ako, gusto ko na talaga ibigay itong emergency powers sa lalong madaling panahon kung makakatulong talaga sa trapiko. Pero sana tingnan din nila yung mga pwede na nilang gawin ngayon kasi nga gaya ng sinabi ko, yung maagang pagbabakasyon ng mga bata. May sinabi si Sec. Briones na baka hindi pwede kasi magstretch daw papuntang summer. Pero baka naman pwedeng ibang weekends dun na lang kunin para hindi na umabot dun kasi talagang pagdating ng Disyembre lahat tayo maiinis. Ang senado mabilis na nagtatrabaho para sa emergency powers pero hindi pa rin tayo tapos sa Kongreso. Kailangan kaming dalawa para mag-apruba nito.

Q: Ma'am kung may reservations po kayo sa projects, ano po yung chances na mabibigay pa rin yung emergency powers?

Poe: Kasi hindi naman kailangan lahat ng detalye pero dapat reasonable. Wag naman silang magsasabi din na mga bagay na sa tingin naman natin ay hindi naman kailangan ng emergency powers halimbawa nakalagay doon nag-relocate ng DOTr sa Pampanga, hindi naman kailangan ng emergency powers. So yung mga bagay na ganoon siguro kailangan linawin lang nila.

Q: Nabanggit niyo yung early vacation ng mga estudyante tapos ngayon po may mga calls yung mga employers na mag-telecommute na lang or work from home. Would you be supporting those measures?

Poe: Of course yung kasama diyan sa emergency powers na ibibigay natin na sana maisama na mas mabilis magpatayo ng cell towers para hindi na tayo nagdadrop calls at hindi na din tayo nababagalan masyado sa ating internet. Importante iyon kasi kung pwede kang magtrabaho sa bahay, hindi na kinakailangan umalis palagi para magreport sa trabaho. Ang dami natin diyan na mga experts sa IT, hindi na nila kailangan pumasok pa. At kayo na magrereport ng inyong news, minsan hindi na ninyo kailangan pumunta pa sa opisina para lamang magsubmit at mabilis ninyo matatransmit yung video file ninyo.

Q: On granting of emergency powers

Poe: We want na before mag-Chirstmas break we've already passed the bill… may mga kailangan ding tapusin. May EJK hearings pa. Ang hirap kumuha ng hearing room. Ang hirap din ng quorum. Pati yung mga iniimbitahan namin, gusto nga naming madaliin pero hindi naman sumisipot. Di ba gusto naming kasama dito ang local government dahil kayo naman ang apektado dito pero hindi naman sila pumupunta. Kahit gusto ko pang madaliin, hindi naman sila pumupunta, paano na iyon.

Q: Ma'am how would you assess the first 100 days as far as transportation is concerned?

Poe: I want to be kind pero kulang. Pero siyempre lagi na lang sinasabi na emergency powers, pero meron naman kayong pwedeng gawin na hindi ninyo kailangan ng emergency powers. Tulad niyan, suriin na ninyo ano ba talaga ang problema sa train, mukha yatang kinakapos ang Busan na ito. Ngayon pa lang isipin na ninyo baka naman kailangan na silang palitan. Tingnan rin natin, sabi nila kailangan ng isang central traffic authority--I agree, but it's just a matter of coordinating with the local governments so that the thoroughfare on the sides will not be blocked by parked cars. You don't need emergency powers to talk to a mayor to say--this is unreasonable and you really need to clear roads. So yung mga bagay na ganun, sana eh gawan na nila ng paraan ngayon.

Q: Are you saying that you're not satisfied with the DOTr performance for the first 1000 days?

Poe: You know what, let's give them some leeway. As you said, they have not been there for a hundred days. Kumbaga, bagong salta rin lahat sila diyan. Siguro it's fair to make an assessment after a year, maybe. But right now, I think that it shall not all be blamed on the lack of emergency powers but they should also look at what they can do at this moment to ease traffic. Thank you guys.

News Latest News Feed