Press Release
October 26, 2016

Transcript of Sen. Bam's media interview
after hearing on free tertiary education

Sen. Bam: We're quite hopeful that this will pass, iyong tulong sa ating mahihirap na estudyante sa SUC. Marami sa amin ang talagang tinutulak ito.

In fact, right now there's already six, almost seven bills, so kumbaga konti na lang pasado na iyan.

We're very, very confident that we can pass this at some point. Ang pinag-uusapan na lang, kung ano iyong methodology, kung ano iyong paraan.

I think we owe it to a bill this important na pagdaanan iyong proseso. May mga iba nagsasabi dapat naka-target siya sa tipo ng kurso, may iba nagsasabi dapat nakatarget siya sa kakayahan ng estudyante na magbayad.

May nagsasabi dapat lahat, whether may kaya, walang kaya, basta nasa loob ng state university and college, dapat libre na.

Iyon ang pinag-uusapan namin and during this session break, we'll be having technical working groups with different stakeholders para mas mapalapit tayo sa batas na ito. But I'm confident that we can get this done within a year.

Q: What's the budget? Mayroon ba kayong estimate for this.

Sen. Bam: Mayroong intervention in this year's budget but iyong longer term nito is really not going to be found in the 2017 budget. Talagang mas mahaba iyong scope na gusto naming tingnan. This will be in the billions but I think it's worth it. Palagay ko worth it naman iyong tutulungan ang mga kabataan natin na makatapos ng kolehiyo.

Again, your budget, the amount of money you put in, that's determined by your priority. Kung priority natin ang edukasyon, dapat pondohan natin.

Q: After ng TWG, committee report na?

Sen. Bam: Hindi pa, we'll probably have more TWGs. I would also like to convince the senators na nag-file ng bills kasi magkakaiba rin ang versions ng bills namin. Iba iba rin ang focus but more or less, pareho rin ang hangarin na matulungan ang ating kabataan.

I'm hoping that we can have a few committee hearings also para clear kung ano iyong paraan na tatahakin namin.

Q: Under this bill, hindi na talaga magbabayad ang mga estudyante or pagka-graduate?

Sen. Bam: Depende sa version but for example, iyong version ko libre talaga ang tuition. Ni-raise din sa amin dito na hindi lang kasi tuition ang gastusin ng mga bata. Mayroon pang miscellaneous expenses, living expenses at may iba ibang binabayaran din so we're also trying to see kung up to what iyong scope ng batas natin.

Q: Ano ang nakikita niyong challenges in the passing of this bill?

Sen. Bam: I think iyong magandang first step is that we all agree na kung ikaw ay isang graduate ng kunwari, Grade 12, gusto mong makapasok sa kolehiyo, mayroon kang kagustuhan na pumasok, handa kang magsikap at mag-aral, dapat hindi gastusin ang magiging balakid mo na makapasok sa tertiary.

Kung nakapasok ka na at nahihirapan ka, dapat hindi rin rason na nahihirapan ka dahil sa finances kaya ka magda-drop out.

I think that very basic agreement nandiyan na iyan na matulungan natin ang mga kabataan na may hangaring mag-tertiary level education, mag-college o mag-university na hindi gastusin ang magiging balakid sa kanila.

Iyong medyo mas masalimuot iyong mga proseso at iyong tinatawag nilang targeting. Iyon po ang na-raise ng ibang mga grupo and even kaming mga senador, pinag-uusapan namin kung paano ito ita-target.

Q: Timeline niyo sir?

Sen. Bam: There's a lot of support. In fact, there's seven versions already so kung tutuusin, kung sa botohan konti na lang kailangan mo.

We really want to push this bill but at the same time, ayaw naming i-rush na hindi maganda ang paraan na maisa-suggest namin at mailalagay sa batas.

We're taking some technical working groups during the next couple of weeks para maging malinaw iyon.

Iyong batas po kasi ma-cover lahat, but some data was raised na iyong poorest of the poor natin, grade school pa lang nahihirapan nang maka-next step that's why hindi na sila umaabot sa college.

This was raised to us by one of the groups here kaya kailangan naming aralin ito para masigurado namin na iyong tulong na maibibigay para sa nangangailangan. So these are things that need to be debated.

Ang total collections mo for SUCs is about P9 billion. Malaki pa rin ang amount na iyon pero definitely hindi siya aabot sa P250 billion.

Kaya tumataas ang numbers dahil sina-suggest ng ibang grupo, let's go beyond tuition fee, miscellaneous expense, living expense, transportation expense, kapag sinuma mo lahat iyon, talagang aabot ka ng P250 billion.

I think iyong kailangan naming gawin, kailangang i-limit ng scope. Ano ba ang scope na gusto nating pasukin. Is it just tuition, is it more than tuition, is it including other expenses also.

Iyon ang pagdedebatehan pa at pag-uusapan pa sa technical working group.

Q: How can we ensure na hindi maaapektuhan ang quality ng education, especially sa SUCs?

Sen. Bam: That's a different advocacy. In fact, I mentioned kanina na just because we're working on this bill, hindi ibig sabihin kakalimutan na natin ang kalidad.

We have to ensure quality as well as access. Ang batas na ito mas access ang intervention niya pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtutok sa quality.

You'll see that in putting more money in facilities, making sure na iyong courses natin naka-link sa industriya. Maraming mga reporma na puwedeng gawin for quality. But it doesn't mean na kung ito iyong itutulak natin, magsa-suffer ang quality.

In fact, palagay ko nga, kung itulak mo ito plus magsabay ka ng intervention sa kalidad, mas gaganda ang quality ng SUCs.

Q: May mga bagong pronouncement ang Pangulo in connection sa Foreign Policy. Umalis at mag-pack up ang mga US businessmen? Mas lalo ba itong mag-ce-create ng uncertainty?

Sen. Bam: Palagay ko, puwede tayo maghintay ng isa o dalawang araw para ma-clarify ng mga Secretary niya. They usually release another statement right after an explosive statement of the President.

But September pa, nag-file na tayo ng resolution na kung puwede sana i-convene ang Committee on Foreign Affairs, mag-hearing tayo para ma-clarify ang ating Foreign Policy sa military, sa consular services at siyempre sa economic.

Malaki po ang investments ng ibang mga bansa sa ating bansa. Marami pong trabaho iyan - hundreds of thousands of jobs. So kailangan din po alagaan natin ang mga trabahong iyan.

Every time that the President leaves, we are happy that there are investments na pumapasok but we also have to make sure na iyong mga inaaway sana hindi naman natin sila aawayin to the point na aalis ang mga investments dito at mawawalan ng trabaho ang ating mga kababayan.

Q: Sir, American businessmen will survive and recover?

Sen. Bam: Kung susumahin mo iyong sa BPO industry lang, that is about 800,000 jobs so ayaw talaga natin na mawala ang mga trabahong iyan. These are well paying jobs. This is a new industry that has developed in the last 7-10 years. Ngayon, tayo ang No. 1 sa buong mundo pagdating sa BPO. Ayaw nating mawala iyan at sigurado ako na ayaw rin mawala ng ating kababayang nagtatrabaho sa BPO at ang mga businesses na kumikita dahil rin sa mga BPO sa kanilang lugar.

At alam mo, ang BPO industry ay hindi lang sa Metro Manila. Galing ako nang Bacolod last week - mayroon na rin sa Bacolod. Mayroong BPO sa lahat ng parte ng Visayas at lahat ng parte ng Mindanao so kailangan nating pangalagaan ito.

Q: Kapag sinabi ni Pres. Duterte na he wants all foreign troops out of the Philippines?

Sen. Bam: Magandang i-clarify iyan. Ako kasi, Chairman of Trade and Industry before so definitely, kaya kong sabihin na naghahanap tayo ng mas marami pang investment at naghahanap ang mga Pilipino ng mas maraming high-paying jobs. So kailangan nating alagaan pagdating sa ekonomiya natin.

Pero pagdating sa military, palagay ko iyon ang puwedeng klaruhin pa sa mga military officials.

Ano ba talaga ang plano nila kung mag-pu-pull-out ang ibang troops?

Q: Can you comment on the report na two of the Chinese firms that bagged infrastructure projects in the Philippines are dubious? Iyong isa debarred by the World Bank. Iyong isa naman involved in reclamation.

Sen. Bam: To be honest, nabasa ko rin lang iyan sa isang news report. But maybe at the minimum kailangan nating tingnan ang integridad ng mga companies. Kailangan rin nating klaruhin kung ito ba'y mga binigay sa atin o ito ba'y investment na business deal rin?

Kasi potentially may mga Filipino firms rin naman na puwedeng gumawa ng mga proyektong iyon.

Sana kung ibibigay iyan as a grant, mas maganda. But if it's a business deal, kailangan rin sigurong tingnan ang effect niya sa local companies.

Again, ang ating resolution clarifying the foreign policy - mapag-uusapan lahat iyan.

Q: May schedule na po ito?

Sen. Bam: Wala pa. But in fairness, si Sen. Alan Cayetano mentioned previously na bukas siya to hearing it. Kailangan lang tapusin ang mga foreign trips. So we're hoping na kapag resume ng Senado, isa ito sa puwede na siguro i-agenda.

Q: Kailan matatapos ang foreign trips?

Sen. Bam: Ilang araw lang naman yata ang Japan so we're back on November 7, 2016. Balik tayo sa sessions. So hopefully around that time, matuloy na iyong hearing na ito.

Q: For Free Education, how much funding are you looking at for inclusion in the next year's budget?

Sen. Bam: For next year's budget, pinag-uusapan pa iyan with Senator Legarda because wala ho siya sa initial na submissions so hinahanapan pa ng espasyo. Kung hindi mahabol ang buong amount baka i-target po siya sa ilang mga kurso or ilang mga geographic areas but this is not yet final.

If you look at the total collection of SUCs, it's about 9 billion pesos.

Q: Iyong sa SUCs?

Sen. Bam: Yes, total collection of SUCs is about 9 billion pesos. From there kailangan natin malaman kung bababa ba ito o tataas but iyong bill natin will go beyond this year's budget. We're really looking at long-term solutions. So hindi rin kami nakapako sa 9 billion.

Q: Initially, 9?

Sen. Bam: Hindi rin. Pinag-uusapan pa because CHED is also submitting data. Pinag-uusapan pa rin ng kumite. Again, wala ito sa initial submission. So if ever mapasok po ito, this will be an insertion. Kailangan talagang pag-aralan at siguraduhin nang maayos.

Q: Why insertion?

Sen. Bam: Wala siya sa submission ng Congress. It's not in the submitted budget of Congress. We're really trying to push na maibigay itong tulong sa ating mga estudyante so hindi pa na-fa-finalize ang amount na iyon. But even if this hasn't been finalized, pang long-term naman iyong bill natin.

News Latest News Feed