Press Release
November 10, 2016

Ambush interview of Sen. Leila M. de Lima

Q: Ma'am, yung sa hearing, may sinasabi si Espenido. Ma'am, ang sabi niya yung affidavit po ay...ang sabi niya hindi supplied ng PNP yung narcolist at number one daw kayo dun.

De Lima: Well, yun nga ang inaalam ko kaya nga inaalam ko kung may mga kumakausap sa kanya at kay Mayor Espinosa, bago niya, at least in-execute yung affidavit. Unang-una, sinabi naman hindi pala sila nagre-record nung mga nag-a-access sa kanya. Ang kinonfirm lang na nag-a-access yung pamilya. Pero it's hard to believe na walang mga nag-access kay Mayor Espinosa bago niya in-execute yung affidavit. Ang ano ko diyan na talagang may mga nagdikta lang sa kanya para ilagay ako at number one pa sa listahan niya.

And then ang pinakamalakas ko ngang theory kung bakit siguro pinatay si Mayor Espinosa, baka eventually ayaw niya na mag-cooperate, baka you know, parang na-ano siya ng konsensya niya na puwede niyang i-recant lalo na yung mga hindi talaga nasa listahan. Kasi ang theory ko rin diyan yung listahan na yan, di ba 50 supposedly ang pinangalanan dun sa affidavit niya Yung iba siguro dun totoo. Yun ang mga totoong ka-deal lalo na nung anak, si Kerwin Espinosa. Pero yung iba siguro dagdag na lang. Imbento na lang katulad nung pag...

Q: Binigyan daw kayo ng P8 million, ma'am, sa Pasay?

De Lima: Hay naku, never.

Q: Ma'am, sabi daw puwedeng gamiting ebidensya yung affidavit ni Espinosa, puwede daw gamiting ebidensya.

De Lima: Well, kung meron silang corroborative sa mga...hindi puwede na yan kasi wala na siya eh. Hearsay na yan eh, hindi na niya ma-a-affirm yan in a proper judicial proceedings. Yung ganyan na sinasabi, absolutely not. Katulad din yan ng mga sinabi sa House inquiry. Sabi ko nga, ang gagaling nung mga tumatrabaho sa akin. Ang gagaling ng mga operatives na yan na nag-ga-gather at nagpa-fabricate ng mga testimonya na yan, maski yung dun pa lang sa House inquiry. Kasi yung tinuturo nga akong na-meet ko na yang si Kerwin Espinosa daw, nag-usap na daw kami sa Burnham, tapos diyan sa Dampa. Apparently, nalaman nila yun, na-research nila yun na napunta naman talaga ako sa Burnham. Ang pagkakatanda ko twice during the election campaign.

Q: Sa dampa, pumunta rin kayo, ma'am?

De Lima: A few times ako pumupunta sa dampa. Isa yan sa medyo paborito kong pagkakainan. But I never met Espinosa, whether it's Kerwin, whether it's the father, it's the Mayor. Pero in other words, ang sinasabi ko is that nare-research nila yung mga ganyan, tapos dinadagdagan na lang nila. Yung sinasabing picture, dati na sa aking pinakita yan. Hindi ko yan matandaan yung sa Burnham. It could just be one of those na mga chance, na hundreds ang nagpapa-picture sa akin, especially during the campaign period. And then, hindi ko naman maalala yan na yan ang Kerwin Espinosa. Wala namang nagpakilala sa akin na siya si Kerwin Espinosa.

So yan ang mga ano, pag nakikita nila, nako-confirm nila yung mga detalyeng ganun, dinadagdagan nila, nagpa-fabricate sila ng istorya na nag-usap kami, na hindi naman. Tapos, nag-meet kami, hindi naman, diyan sa dampa at binigay yung allegedly P8 million na yan. Hindi ho yan...wala hong katotohanan yan. Kaya nga...

Q: Ma'am, do you share the view na premeditated yung pagpatay?

De Lima: Yes, it's very clear. Ang daming mga suspicious circumstances. Kaya ang ano ko nga diyan is that na-limit na lang sa dalawa ang theory ko. Number one is yung mga tunay na nakinabang, yun ang mga nagpapatay. Pangalawa, yung sinabi kong theory kanina na mukhang nagdadalawang isip na siya o parang ayaw na niya na mag-cooperate, lalo na yung pag-testify against me.

Q: Ma'am, the NBI recommended daw po na kasuhan po kayo, ma'am?

De Lima: Hindi na ako nagugulat sa mga yan. Marami pa sigurong mga kaso yan. Those are trumped-up charges.

Q: Ma'am, sabi po ni Sec. Aguirre sana daw po nag-inhibit daw kayo dito sa hearing?

De Lima: Ba't ako mag-i-inhibit? It's about the EJK so gusto ko ring malaman yung mga pangyayari.

Q: Opo, ma'am, may sinabi rin po si Sec. Aguirre na si Kerwin po ay gusto nilang ilagay sa WPP, lesson learned na daw po yun sa kanila...

De Lima: That's their duty, actually. That's their prerogative.

Q: Kung kayo po, payag po kayo?

De Lima: Eh kung talagang balak nila na gamitin na state witness, call po yan ng DOJ. Yan ang tinatanong ko kanina, bakit hindi nila naisip na ilagay sa WPP si Mayor Espinosa na nag-execute na pala ng affidavit at nilagay nga ako sa number one? So bakit hindi nila naisip yun after na mag-execute ng affidavit?

Q: Hindi ba kaya gamitin siyang tool laban sa inyo pag ginawa siyang state witness?

De Lima: Marami naman silang ginamit nang tool. So that's just an additional. Di ba, yung mga nag-testify sa House, lahat yun ginamit na tool, including si Jaybee Sebastian. So ito na naman. Dagdag lang yan.

News Latest News Feed