Press Release
November 18, 2016

Transcript of ambush interview of Sen. Leila M. de Lima

De Lima: ...hindi po pupuwedeng gagawin yan unilaterally ng isang Pangulo kasi we should remember that ICC was ratified by the Senate. So kung magwi-withdraw po tayo from ICC, kailangan na meron ding concurrence ang Senado. Kaya nga sa mga ganyang bagay, hindi dapat nagpapadalos-dalos. So kailangan magkonsulta muna siya sa mga dapat konsultahin-members of Congress, other political leaders, human rights groups, yung publiko.

Katulad din po yan ng pag-announce niya nung pivot niya sa China, yung pag-lean niya towards China na basta na lang po niyang ina-announce na hindi naman niya po inaalam ang pulso ng bayan. So dapat ganun din po.

And hindi ho madali ang mga ganyan na panukala, lalo na yung ICC, yung Rome Statute ay isang napakahalang piece of document, napakahalang mechanism na ito lamang talaga ang malakas na international mechanism laban sa mga krimen na malalaki. Ito nga yung mga war crimes, crimes against humanity, genocide. So hindi ho dapat padalos-dalos.

Now, just because Russia had made a similar announcement ay gagaya din. And hindi ho...it leaves a bad taste in the mouth dahil gawa na nga nung in-announce na kasi nung Chief Prosecutor ng ICC na mino-monitor na nila ang sitwasyon dito sa Pilipinas. Dahil dun, siguro, kaya niya naiisip na kumalas sa ICC ang Pilipinas.

Hindi po yan isang unilateral, personal decision lamang po ng isang Pangulo. It should...it is something that has far-reaching consequences or repercussions sa ating standing as a member-country of the United Nations.

Q: Ma'am, yung intention niya na yun, would it be because...possible siyang takot makasuhan sa ICC?

De Lima: Hindi ho maiwasan na ganun ang iisipin ng ilang sektor, na dahil nga alam niya na binabantayan na po, especially na uunahin na muna ang pagpunta dito ng UN Special Rapporteur on Summary Killings. And then there is this prospect na baka nga mag-intervene din ang ICC na hindi kailangan ng opisyal na imbitasyon from the Philippine government. The ICC can always initiate its own investigation, even without the permission or invitation of the country or head of state concerned.

Q: Ma'am, do you think that's the concern of the President?

De Lima: Probably. Kaya nga sinabi ko na maaaring yan po ang dahilan, maaaring hindi ho. Pero hindi ho maiiwasan na ganun ang espekulasyon-na dahil nga siguro na nakikita niya na posible nga siyang imbestigahan for possible prosecution for crimes against humanity, ay kaya ganun ang iniisip niya. Hindi magandang tignan yun.

Q: Ma'am, yung kay Espinosa po, nandito na po, dumating na raw?...He's ready to tell all raw, ma'am?

De Lima: Alam niyo, sinabi ko na ho yan na hindi na ho ako magugulat kung ang kanyang testimonya ay ituturo na naman ako. That would be the best way of staying alive. Malakas ho ang kutob ko na ganun na naman ang mangyayari dahil sinampolan na nga po ang kanyang tatay, saka mga iba pang mga associated with him-yung mga pinangalanan ko po last hearing, including yung ex-wife niya, one or two more na tao niya. So warning yan na pinatay o pinapatay yung ama niya para siya mag-cooperate. Wala siyang choice.

Ganun din ang nangyari kay Jaybee Sebastian, although binabaliktad na naman ang istorya na diumano para pigilan ang pag-testify against me. So ganyan ho yan. Nakikinita ko na po na magsisinungaling din po yan.

Q: ...he will be summoned by the committee on public order...Papa-invite daw po siya ni Sen. Lacson?

De Lima: Maganda, pero again, maganda lang yung mga ganung sitwasyon kapag nagsasabi ng totoo ang mga iniimbitahan na resource persons. Kasi that's probably part of the deal na kaya nga meron pang ibang nagsundo na hindi ko maintindihan kung anong personalidad nung tao na yan na nagsundo sa kanya kung nakita niyo ang picture.

Q: Si Sandra Cam ba?

De Lima: Anong standing niya, anong personalidad niya na siya mismo ang nagsusundo?

Q: Ma'am, you're referring to Sandra Cam?

De Lima: I think yun ang nakita kong picture, di ba. So nakakaduda na naman yan. Di ba yang tao na yan isa rin yan sa pumapapel noon o umattend noon sa House inquiry, nakausap niya mga witnesses. So ito na naman. So may special assignment yan na naman at kasama yan diyan. Special assignment na yan ay para pilitin, i-pressure na ituro na naman ako. Yun lang naman ang magiging agenda nila sa pagpapalabas na naman niyan kay Kerwin Espinosa.

Q: Pero, ma'am, pag humarap siya dito sa Senate, how do you plan to ask him questions pag may chance kayo?

De Lima: Pag-iisipan ko-magtatanong ba ako, mag-o-observe lang ako, o hindi na lang ako magpa-participate. Titignan ko.

Q: Ma'am, yung sa UN Special Rapporteur, what do you make of her conditions and as counter-conditions to the President's conditions?

De Lima: Yung conditions na supposedly binigay ng UN Special Rapporteur, sa tingin ko yun naman talaga ang mga standard protocols. Yun ang mga standard conditions dahil nga all those conditions would want to have...or the very purpose of those conditions, I think, is to ensure complete independence and mobility, and non-interference from the government when the UN Special Rapporteur starts its work. Makikita niyo yun dun sa substance.

Q: Parang kasi, ma'am, ang dami-dami.

De Lima: Siguro naniniguro na yung UN Special Rapporteur. But if I'm not mistaken, those are standard protocols. Maaaring mas marami yung specifics pero pareho lang ang pakay niyan. Ang hindi standard ay yung condition ng ating gobyerno-yung public debate. Napaka-irregular, napaka-unusual, unprecedented po iyan kaya baka iisnabin lang po yang condition na yan.

Kaya lang po my worry is that if that is the condition of the President of the Philippine government at hindi yun tatanggapin, hindi matutuloy yan. That's why sa tingin ko, nagtatanong tuloy ako, sincero ba o seryoso ba yung Pangulo nung nag-extend siya ng Pangulo na meron siyang ganung unusual condition?

Q: And, ma'am, given the President's temperament, do you think he will accept the conditions of the Rapporteur?

De Lima: Let's not preempt him. Sana he accepts. Let's not preempt him. Wala namang masama dun sa mga condition na yun, lalo na yun naman dapat ang mga condition para totally objective, totally independent, and thorough ang magiging imbestigasyon.

Q: Ma'am, last na lang. You pointed out na pinatay na nga yung mayor, tapos napupuwersa pa siya, would you call on Kerwin, ma'am na...

De Lima: Meron pa bang epekto ang salita ko? Napapagod na nga ako eh. Bring them on. Yun na lang ang masasabi ko.

News Latest News Feed