Press Release
December 7, 2016

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW WITH SEN. VILLANUEVA ON ILLEGAL FOREIGN WORKERS

Question: Ano ang nakitang pinaka glaring sa probe?

Sen. Joel Villanueva: Unang una napaka disappointing na kung di pa tayo nagkaroon ng hearing di malilinawan ang lahat kung ano ba talaga yung functions nila in so far as monitoring these illegal workers are concerned. Imagine dun sa mga nahuli 600 plus walang working permit, 91 ni walang dokumento, passport pero nandoon nagtatrabaho. Ano yung bottomline no'n? Ang bottomline dito ninakawan ang taumbayan, ninakawan ang ating mga kababayan ng trabaho na nagbibigay ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya. Yung isang kumpanya sa Clark, 1,500 plus foreign workers tapos 11 yung Pilipino, so, dun palang it raises a red flag right away na ano ba naman itong economic zones natin. Ang economic zones natin kaya kin-create yan para magbigay benepisyo sa atin tapos 'yon pala wala tayong nakukuhang benepisyo. Klaro rin sa hearing na may illegal workers na nagtatrabaho sa ating bansa at muli, nakaka disappoint na yung legal foreign workers nga wala tayong klarong data e papaano pa kaya yung illegal kaya yun yung kinakadisappoint natin kanina. Muli ang DOLE po ang nagbibigay ng AEP (alien employment permit), yung CEZA, binanggit ng nag aresto sa Chinese workers, na sila ang nagbigay dun ng working visa. Sa charter ng CEZA they can provide a working visa within their area but this is with the certification of DOLE.

Q: Nalinaw ba bakit yung may visa from CEZA ay nagwowork sa Clark?

SJV: Sila rin nagkagulo rin ho sila di nila maintindihan kung bakit ganun. Sabi ng Clark, gumawa sila ng paraan para isuspend yung Next Game na nag ooperate sa Clark Airbase

Q: May nakikita po ba kayong kakulangan sa Clark Dev't Corp?

SJV: Nagduda ako at para sa akin in the beginning it should have raised red flags. Nakikita mo dun sa premises mo, ,1500 plus na foreign nationals. At yung sa DOLE naman they are supposed to conduct assessment audit sa workers. Ang inassess nila ay wala pang 500 yung binanggit sa atin kanina e 1,500 plus yung nasa isang kumpanya kanina.

Q: May pagkukulang ba yung DOLE dun dahil 500 lang naaassess nila?

SJV: 'Yon ang aking nakikita dito at muli mismong sila parang di sa kanila klaro na ito ang function nila dahil may ilan na nagbabanggit at naghohold sa authority kung saan pag binigyan ng visa ng CEZA ang isang worker ay nagiging katumbas ito ng AEP.

Q: How many agencies ang lumalabas na nagbibigay ng visa like na permit?

SJV: Kailangan klaruhin yun. Dapat ang proseso ang DOLE muna ang magbibigay ng AEPs. Pagkatapos nito kung ikaw ay magwowork sa CEZA, dun palang sila papasok but at the same time ang nakikita pa nating kakulangan ay hindi lamang yung pagbibigay ng working permit o pagmomonitor ng foreign workers, kundi yung pagmomonitor din ng pagbibigay ng visa o permit. For example, yung CEZA nagbigay ng working visa tapos dun nagwowork sa Clark. Pinakamasakit dito ay yung ginigisa tayo sa sarili nating mantika, yung ating kababayan. Nasa Labor Code natin yan di tayo pwede maghire ng foreign workers unless walang Pilipino na may skills set o competent na kayang gawin ang trabaho nila.

Q: May pag abuso ba ang CEZA?

SJV: May tendency na maabuso kaya naman kailangan nating balikan ito dahil ang mga freeports at ecozones ay nilikha para mabenepisyo tayo kaya nga po tayo nag gigive up ng incentives like tax holidays and tax incentives dahil alam nating magbibigay ito ng malaking benepisyo sa atin. Dun sa isang kompanya sa Clark, yung Next Game, 500 plus yung foreign workers tapos 11 yung Filipinos, e anong benepisyo ang naibibigay nito sa atin?

Q: Yung binigyan ba ng CEZA ng permit, nabigyan din ba yun ng AEP?

SJV: Definitely wala because DOLE doesn't have a copy of their application. There's an instance na sinabi ng Clark na nagsubmit sila sa DOLE for AEP pero sabi ng DOLE wala silang nakukuha. Again, nakikita mo klaro dun na maraming illegal workers na naaresto. Illegal talaga sila. Pangalawa yung policy gaps merong nag ooverlap at di klaro sa kanila ang kanilang tungkulin

Q: Naloko lang ba sila ng Next Games o may negligence sa govt agencies?

SJV: Ang naestablish natin ngayon naloko sila na whether or not meron silang kakulangan para sa pagpasok nitong mga ito, pagmonitor at pag assess nitong mga ito.

Q: Sa dami ng policy loopholes nakalusot...

SJV: Nakakalungkot na sabihing oo. In the first place bakit nakapasok di ba. Yung 91 undocumented walang passport, walang kahit ano. Paano kung rapist yun...

Q: Inabuso ba?

SJV: Definitely kita natin yung anggulo na may nag eexploit ng ating patakaran at yun ang ating kailangang pagtuunan ng pansin

SJV: When it comes to visa, talagang sa Bureau of Immigration yan but yung working permits naka lodge yan sa DOLE. May exemptions ho kunwari sa ecozone like CEZA nagbibigay sila ng two months, three months working visa but still ang DOLE should step up at makialam dito sa pag iissue ng working permits

Q: Yung CDC di nyo ba nakikita na hinayaan lang nila sabi nila BPO ang Next Games e malinaw na gambling yun e?

SJV: Nagkaroon sila ng lapses kaya nung nalaman nila ang issue na ito sinuspend kaagad nila yung operations.

Q: Ano ang kailangan gawin para di na maulit?

SJV: Importante yung monitoring system, importante na klaro ang functions ng mga ahensya...sa nakikita natin kailangan talaga paluin itong mga ahensya na ito

Q: Aabot pa ba sa issue ng bribery?

SJV: Di na tayo nag focus dun dahil hindi yun ang goal ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ngunit natouch natin yung pag issue ng live warrant of arrest kay Mr. Jack Lam.

News Latest News Feed