Press Release
December 12, 2016

Ambush Interview Transcript on E-powers

Question: You've worked hard for this emergency powers tapos parang hindi cooperative itong...

Sen. Grace Poe: Mag-sponsorship speech ako sa Wednesday, ng version namin.

Q: Tama ba ang impression namin na malayo siya sa sinubmit ng DOTr?

Poe: Medyo malayo. Mas detalyado yung sa amin. Siyempre, yung sa DOTr, pananaw nila iyon, pero noong ginagawa nila iyon mukhang hindi pa sila naguusap-usap ng ibang ahensya masyado. So yung sa amin, may consultation ng private sector, academe, pati na rin yung mga NGOs, NEDA, lahat iyon, sinama natin.

Q: Last week sinabi ni Senate President sana mapasa ang emergency powers pero sinisisi ang DOTr.

Poe: Kasi ang gusto nila mabilis na procurement process. Pero we have to include saeguards para hindi maabuso rin...Mabilis na procurement process, free from litigation from the lower courts. Kung may ganoon kang gustong kapangyarihan, may kaakibat yun na pagbabantay rin para hindi maabuso. Doon tayo nagsiguro. So, sa sponsorship speech, tapos pag ibinigay natin yung version dito sa Senado, hopefully makita natin yung paraan para mas maging maayos.

Q: Ano ang salient points?

Poe: Intayin niyo na lang. Wednesday.

Q: May calls for Sec. Tugade to resign. Or bino-block siya sa CA.

Poe: Hindi ako (miyembro ng) CA. Hindi naman sa...siyempre ang mga pangako na yun long term ang iba doon. Pero siguro naghahanap tayo ng proactive na...Kahit wala pang emergency powers ngayon, ano ba ang naging solusyon nila? Nakita natin na ang MMDA meron. Pero siguro, kailangan talaga ng isang traffic expert para mamuno bilang traffic czar. Tapos ang DOTr dapat makipagcoordinate sa DPWH kasi parang hindi sila naguusap-usap.

Q: Nakukulangan po kayo kay Sec?

Poe: Hintayin niyo na lang yung sponsorship speech...

Q: Mareregulate po talaga, ma'am?

Poe: ...Matagal nang may funding para ma-rehabilitate ang mga jeep para sa clean air emission. Bakit hindi ibinigay ng nakaraang gobyerno, ipahiram sa kanila ang pera para mai-upgrade. So ngayon, yun ang gusto nating gawin para ma-phase out na ang luma, mapalitan ng bago, electric, natural gas. Yun ang gusto natin. Magbibigay rin naman tayo ng Emergency Powers, ganda-gandahan na natin yung mga probisyon. So, Wednesday. Tamang-tama, break, para hindi ninyo ako makukulit. May mga bagong design na [ng jeep] hindi ka na daw nakayuko kundi nakatayo na. Maganda na idetalye lahat iyon. Basta, sa Wednesday na lang.

Q: Ma'am, yung LRT 2...Recto...Yung gawa ng Japan, mainit siya ngayon.

Poe: Ang maganda dito mayroong oversight committee ng Lower at Upper House para sa emergency powers. Every month, mayroong provision na kailangan mayroon silang report sa amin. Makikita natin. Tapos kayo. Ipapatawag natin sila every month para sa hearing, doon namin sila tatanungin--"Anong nangyari sa aircon na ito..." Sa escalator...

Q: Ma'am, may list of projects?

Poe: Not specific. Pero the projects that will be funded have to be NEDA-approved. Ngayon, kapag sinabi na papaano ngayon iyan? Wala pa sa NEDA approval. Parang we're directing NEDA to be able to give an approval within so many number of days or months as opposed to years. Kunwari 30 days or 60 days para may safety measures.

Q: On traffic and patience:

Poe: Naalala mo, tayo ay nakikipag-usap noon sa...This is a small example. It may or may not have worked. Remember the Senate approached DepEd to say--pwede ba mas maaga yung ano ninyo [Christmas Break]? Hindi pumayag, pero that is okay. That's their prerogative. Pero if the DOTR is a little more aggressive, he himself could've said something. He himself could've contacted government offices to say, "pwede ba 4-day work week tayo, yung mga non-essential and non-frontline services?" Things we could do without emergency powers. Para makita naman ng tao. Asking for patience, we're willing to be patient if we see greater effort exerted on their part.

Q: On CA confirmation of Tugade

Poe: Wala po ako sa CA. Salamat po.

News Latest News Feed