Press Release
February 8, 2017

Transcript of Sen. Villanueva's ambush interview after the inquiry on govt's plan on displaced workers of mines

Question: Meron po bang employment transition plan o wala ?

Senator Joel Villanueva: It's a good question. That's what we wanted to get from the committee hearing and it appears there's none. It appears until now they have yet to convene and come up with a framework on how they will do it. Unfortunately, nakaka disappoint pero one good thing that we extracted from the hearing is the fact that these figures, this 1.2 million figure ay mukhang klarong bogus, yung sinasabing indirectly affected. Yung sinasabi ni Sec. Gina yung 19,000 mukhang manageable, maganda naman yung presentation but without the transition program na masisiguro natin na pupunta dun sa green economy, green jobs e parang ngayon palang tinatahi etong mga bagay na ito

Q: Parang di ganoon kadali, sir?

SJV: Importante na tignan mabuti yung importance ng pagkakaroon ng transition program kasi di ito extraordinary. Madalas itong nangyayari kagaya ng there are times na mahina ang demand o kapag seasonal, umuulan, bumabagyo or may gumuho, minsan wala silang trabaho for months, so ano pang ginagawa ng ating pamahalaan? Kanina parang nagugulat ang ibang ahensya sa sinasabi ng DENR parang DENR lang nakakaalam ng ginagawa nila. Nakakalungkot lang na parang kulang sa coordination yung bawat ahensya natin. Importante ito kapag kapakanan ng manggagawa ang ating pinag uusapan, lalo na kung hanapbuhay ang pinag uusapan.

Q: Kailangan ng inter-agency cooperation?

SJV: Well yun ang panawagan ko sa ating admin, di biro ito. Yung sinasabi natin na 19,000 na magiging directly affected, di natin minamaliit ito. Kagaya ng nangyari sa Cavite, aksidente ito. Gaano tayo kahanada? How are we preparing for these kinds of events? So importante na in place ito. Sa pagdinig di pa talaga ganun ka ready ang pamahalaan for a transition period for our workers who will be displaced because of this closure. Sa susunod na pagdinig, titignan natin yung baka timely yung magkaroon ng unemployment insurance. Tignan natin kung paano natin ito madedevelop. Kanina napaka insightful yung binanggit ng ILO, ng ilang mga nag aaral tungkol dito. Ang keyword talaga dito ay yung protect our workers.

Q: On Green economy

SJV: In my experience, nakita ko talaga yung impact ng green economy, yung potentials nito. Kaya kailangang tutukan ito. Sa presentation kanina, when you compare the tourism sector to the mining sector, nakita nyo yung malaking difference. Not even 1 percent of the total GDP ang contribution ng mining sector. Just the same, importante na nandun ang support at naka ready tayo...importante na alam ng DOLE, for instance, at ilang ahensya ng pamahalaan na may challenges na ganito na kailangan pagtuunan ng pansin, na kasama sila dun sa planning, sa transition plan na ginagawa natin para at the end of the day, as we speak right now, we don't know what they're doing. These unemployed individuals, there are so many mouths to feed, di po ito biro na hindi dapat balewalain ng ating pamahalaan. I was told na I think yesterday or two days ago, tumawag ng meeting ang ating Pangulo para pag usapan ito. And I'm not privy of the meeting but I'm glad na nangyari yung meeting dahil siguro nagulat din sila dun sa meeting na walang ganito (transition plan) kaya ho we're very sensitive about it. Rest assured na we will look for the best solution para we'll be able to put in place a transition plan 'pag nangyayari ang ganitong bagay.

Q: Are you saying na di sana muna ipinasara ang minahan kung wala pang transition plan in place?

SJV: To begin with, when you give license permits, may kaukulang pondo, contingency measures para kung sakaling they mess up o pangyayaring di ineexpect ay nangyari, meron tayong pagkukuhanan ng programa. Unfortunately, sa nakita natin ngayon di ganun ka handa at walang klaro na transition plan. Gusto nilang puntahan ang green economy pero ang framework in itself kita natin yung DOLE for instance, nagulat sila sa information being disclosed by the DENR and at the same time, yung pinaka meat ng pagdinig ay di talaga ready so kailangan, di lang sa mining kundi pati sa ibang industriya maging ready tayo dito dahil kapakanann ng mangggagawa ang nakasalalay dito.

News Latest News Feed