Press Release
March 2, 2017

Sen. Bam on the Death Penalty
Transcript of media interview

Q: Sa House na-pass na ang death penalty. Dito sa Senate, ano ang chances nito?

Sen. Bam: Well, isa siguro sa masisigurado natin ay magkakaroon ng sapat na debate dito sa Senado. You know, in fairness naman, hindi lang ito move of the minority. I think this is the move of the whole Senate to make sure na itong issue na ito na napakahalaga, maraming implikasyon sa ating lipunan, mabibigyan ng tamang pansin at tamang panahon.

Right now the measure is at the committee level. Magkakaroon pa iyan ng committee hearing. So, iyong pagdating nito sa plenaryo medyo matagal-tagal pa rin. May proseso pa talaga.

And we're happy that right now binibigyan ng espasyo iyong iba't-ibang grupo who are for and against na pag-usapan ito.

Iyon siguro ang isang masisigurado natin at least dito sa Senado mabibigyan ito ng tamang oras at tamang pansin at tamang debate.

Q: Iyong minority ay united naman na against sa death penalty?

Sen. Bam: Yes.

Q: Can you state lang why you are opposing it?

Sen. Bam: Well, unang-una tingin namin, this is a measure that is against the poor in our country. Karamihan po ng kababayan po natin na nandoon po na-convict sa krimeng iyan ay mga mahihirap. Kung wala kang pambayad ng abogado, wala kang laban.

We think this will be detrimental to the poor in our country. Palagay namin dehado iyong mga kababayan nating walang kakayahan na magbayad ng abogado.

Pangalawa, nakita naman sa buong mundo na hindi talaga ito deterrent sa krimen.

Hindi bumababa ang krimen dahil po mayroong death penalty. That's already proven in many countries in the world.

So even with those two, iyon pa lang major na iyong rason kung bakit dapat nating tutulan iyong death penalty.

Marami rin pong rason ang iba kong kasama. Iba-iba po iyong mga rason namin. Iba rin ang mga rason ng mga gustong ibalik ito. At iyon nga iyong point. Kailangan itong pag-usapan at magkaroon ng exchange ng kuro-kuro sa isyu na ito at mabigyan ng tamang panahon.

Q: Sir, sabi ni Senate President Pimentel open daw iyong maraming senators kung limited lang to drug trafficking. Kayo, hindi talaga kahit drug trafficking lang?

Sen. Bam: Well, kasi kahit drug trafficking iyan, kung sinasabi na nga natin na dehado iyong mga mahihirap sa ating bansa, I think it still stands.

But again, we're still at the committee hearing level. We are trying to listen to different experts on the matter.

And eventually, pagdating nito sa plenaryo, magkakaroon ng debate tungkol dito so all of these issues can be fleshed out and given the proper time.

Q: Sir, iyong re-organization ng Senate na it could go either way. Who are the ten? Who are the fourteen? Would you know?

Sen. Bam: I'm not sure kung who are the ten and who are the fourteen but the fact that ganoon kalapit ang boto, may chance talaga manalo ang kahit na anong panig diyan.

So it will be a very close vote, if ever. Kung 10-14 iyan ngayon, at baka may mag-iiba pa ng pananaw, or of course, pakikinggan pa naman namin ang mga eksperto sa dalawang panig, a 10-14 vote is very close. It could go either way.

I'm really hoping na hindi ito maging pulitika lang. I'm hoping that people can vote across party lines and vote with their conscience whether they're for or against the administration, whether they're with the majority or within the minority, let's use our conscience on this matter kasi napakahalaga po ng batas na ito. It will really have an impact sa ating society.

Q: Ngayon Sir, ilan na ang bilang ninyo sa against?

Sen. Bam: Hindi pa kami nag-se-straw vote so I really can't say but I think the minority is very solid na against po kami sa death penalty.

Q: And there are also part of the majority that are against?

Sen. Bam: Yes, from my understanding.

Q: So are you expecting na hindi ma-re-railroad din like sa house?

Sen. Bam: Hindi po papayag ang mga senador dito. Hindi kami papayag sa minority. I'm sure hindi rin papayag iyong majority.

Q: So iyong reorganization, hindi po siya indication ng numbers ng boto nila?

Sen. Bam: Well, maybe not on this particular issue. Kasi sa pagkakaalam ko talaga and again, alam mo naman dito sa Senado nagbabago-bago ang mga bagay-bagay araw-araw, is that there are allies of the President who are also against the death penalty gaya po sa house.

So, iyong exact numbers, wala pa iyan. Palagay ko, matagal pa iyan. And I think a number of our colleagues are keeping also an open mind. Hindi pa sila nakakapagdesisyon. At mahalaga po iyong mga eksperto na magsasalita sa hearing. Mahalaga rin po iyong sasabihin ng taumbayan - how the public reacts to this.

Kasi alam niyo naman nagsalita na rin iyong iba't-ibang mga institusyon. The church has already come out saying that they're against this. May mga ibang eskwelahan nagsabi na rin na tutol sila dito. Mahalaga po na ang mga iba't-ibang institusyon, iba't-ibang kasama po sa taumbayan magsalita rin. Let their voices be heard with this topic and on this issue para marinig po naming representante po nila.

Para iyong mga boto, informed po kami, kung ano talaga ang pananaw ng iba't-ibang grupo sa ating lipunan.

Q: Tingin po ninyo minadali ng House iyong pagpasa?

Sen. Bam: Well, you know, out of parliamentary courtesy, you're not really supposed to comment on that pero I can just assure you that here in the Senate, it will go through the proper process.

Q: Sabi ni Senator Tito Sotto, i-ta-try na ma-approve before June, sa tingin niyo kakayanin or malabo?

Sen. Bam: I don't know. I really don't know. He is the majority floor leader so siya iyong may control diyan. Sa totoo lang, I can only be sure that it's not going to pass this March.

If ever pagbalik po namin sa Mayo, baka iyan na po iyong main agenda po natin. Baka po talakayin na siya doon. But at this point, it's still at the committee level. Wala pa siyang committee report. Even a committee report, wala pa siya.

And in the last hearing, nag-request po tayo na papuntahin ang economic managers para masigurado po natin kung ano iyong epekto ng death penalty sa ating ekonomiya.

Wala ho iyan sa radar ng maraming tao but many of our trade agreements will be affected because of the death penalty.

Ano po iyong epekto nito sa ating justice system? Iyong mga repormang hinahanap po natin sa justice system? Kailangan po magsalita rin ang Supreme Court tungkol dito.

Alam niyo po may lumabas sa mga pahayagan na 71% ng mga death penalty cases in the past ay mayroong error na nakita.

At iyong Supreme Court po iyong naglabas po niyan so we want to know. Ano ba talaga ibig sabihin ng may error sa mga death penalty cases?

Gusto ho nating malaman iyan.

At third, gusto rin po natin makausap ang mga former members of the Constitutional Commission. Kasi nasa Constitution natin iyong isang provision tungkol sa death penalty. Gusto ho nating malaman ano ba ang konteksto nito when that was put in our constitution so the hearings I think need to continue.

Kailangan po antabayanan iyan ng taumbayan. Huwag po sa dulo lang. Huwag po sana sa boto lang. Kasi usually ganoon ang nangyayari. Kapag natapos ang boto, doon po magsasalita iyong tao.

Sana po with the death penalty, with this issue, maaga pa lang iyong taumbayan natin engaged na. Kasama na sa palitan ng mga iniisip at palitan ng mga stand sa mga issue na ito.

Q: Sir, many senators who were against the death penalty before are now saying they are open to it? What do you make of that? What does that say about the influence?

Sen. Bam: Well, you have to ask them. Mahirap naman magsalita para sa kanila. But, ilan naman po sa amin, from the start, kampanya pa lang, sinabi natin na tutol tayo dito. Hanggang ngayon, tutol tayo dito.

News Latest News Feed