Press Release
March 8, 2017

TRANSCRIPT | MEDIA INTERVIEW WITH LIBERAL PARTY PRESIDENT SEN. FRANCIS PANGILINAN

ON DEATH PENALTY

Q: What are the chances na mapasa na sa Senate (death penalty)?

Well, I'm sure itutulak din nila rito, so ide-debate natin. Dito medyo -- siguro malapit ang boto whether for or against so mahirap pang sabihin kung ano ang magiging resulta ng debate dito sa Senate.

Q: Sir, sinasabi ng mga pro dito na may chance na lumusot basta high-level drug trafficking. Kasi na raw kayong argument na anti-poor. Kasi wala naman daw mahirap na drug lord.

Iisa lang naman 'yung argument na anti-poor. Mayroon ding hindi ito deterrent. Mayroon ding usapin na hindi ito--maraming chances na magkamali. Puwedeng ma-frame-up ang isang di umano'y drug lord. Eh sa ngayon nga eh si Sen. De Lima, ginagawang drug lord, 'di ba. Oh eh 'di dapat death penalty 'yon kung pumasa ito. So hindi rin usapin na dahil high profile. So may mga iba pang mga issue tungkol sa death penalty.

Ako'y naniniwala pa rin na sa huling banda, kung mas mabilis ang paglilitis, kung mas mabilis na napaparusahan ang dapat na parusahan, kung hindi umaabot nang taon ang mga kaso, kung mataas ang conviction rate, hindi nga 'yung tulad ngayon eh wala pa atang 30 percent ang conviction rate, kung 70-80 percent ang conviction rate, eh 'di maliwanag magkakaroon ng tunay na respeto at takot ang ating mga kababayan sa ating mga batas. 'Yun ang solusyon. Hindi death penalty.

Q: And you vow really to stop it here, sir?

Well, we will do our best. Ang commitment natin ay talagang hangga't maaari makumbinse ang mayorya na hindi ipasa ang isang death penalty bill.

Q: So far you're actively encouraging your colleagues na don't support?

Ever since nagkakausap na kami diyan sa mga--we've been comparing notes.

Q: And the numbers are in favor, sir, of anti?

Ah wala pa. Mukhang right down the middle eh. So marami pang kinakailangang trabaho.

ON REJECTION OF NOMINATION OF SECRETARY YASAY

Q: So tama lang ba na ni-reject ng CA ('yung kay Yasay)?

Hindi siya nakapagpaliwanag nang maayos sa usapin ng kaniyang citizenship. Eh napaka-basic 'nun--ikaw ba ay Pilipino o Amerikano? Tapos ang position pa niya ay Department of Foreign Affairs. Mahirap naman at kahiya-hiya naman sa buong mundo na mayroon tayong Secretary of Foreign Affairs, nakikipag-usap sa iba't ibang embahada, sa iba't iba bansa, tapos ay hindi pala Filipino citizen. Medyo hindi ata kanais-nais ang ganung sitwasyon.

Q: So hindi na siya pwede ma-reappoint?

Hindi na. Sa ganiyan, palagay ko mas mainam mag-appoint na ng panibago.

Q: Or pwede siyang humirit ng panibagong posisyon?

Eh bahala na sila doon. Hindi na natin problema 'yun. Ang concern lang natin ay kung karapat-dapat siya sa DFA o hindi. Eh sa napaka-simpleng usapin kung siya ba ay Pilipino o Amerikano at nagsinungaling pati sa harap ng lahat ng myembro ng CA, hindi tama.

Q: So he should be sued kasi American citizen pala siya 'nung SEC chair siya...

That's up to the Department of Justice to look into. Pero kaduda-duda 'yun. Ang basic na question dun ay kung 'nung siya ay Chairman ng SEC ay siya ay American citizen.

Q: So sino magpupursue, DOJ?

Dapat DOJ.

Q: Tapos sir hindi siya pwedeng ma-appoint ngayon sa kahit ano'ng position dahil siya ay US citizen.

Well, ultimately ang korte ay siyang magpapasiya kung siya ba talaga ay Americano o na-reacquire niya ang kaniyang Filipino citizenship. Medyo mabigat 'yon. Ang pinaka-mainam sa lahat ay ayusin niya muna ang status niya bago siya sumabak sa anumang posisyon sa gobyerno.

News Latest News Feed