Press Release
May 1, 2017

DOORSTOP INTERVIEW WITH SENATE MINORITY SENATORS AFTER THEIR VISIT TO SENATOR LEILA DE LIMA IN CAMP CRAME

Sen. Drilon: Naka-usap namin si Senador De Lima tungkol sa legislative agenda ng Senado sa susunod na limang linggo. And we sought her views on the various bills pending in the Senate so we can carry these views to the floor during the debates. We also decided that in critical matters like 'pag dumating ang Death Penalty Bill sa Senado, hihilingin namin na mapagbigyan si Senador De Lima na makapag-attend ng aming sesyon at committee hearing so that she can express her views and participate in the deliberation. Because she is a duly elected senator and she has all the right to participate in the proceedings in the Senate. That basically is the essence of our visit to her.

Q: Paano po mangyayari 'dun? Will you file a motion?

Sen. Drilon: We will petition the court. She is under the custody of the court. Senator De Lima will file a petition in the court and we will support the petition.

Q: 'Yung sinasabi ni Senator De Lima na 'regularly participate in the session?'

Sen. Drilon: Well, to be candid, 'regularly participate' is a little ambitious. Baka hindi ho makaya so only in critical matters that will be discussed on the floor or in the committee, we will ask that she will be able to attend.

Q: Sir, kumusta po si Senator De Lima?

Sen. Drilon: She's okay naman, she's in high spirits. There was a girly talk between Senator De Lima and Senator (Hontiveros).

Sen. Pangilinan: Saka sabi niya nabawas-bawasan ang kaniyang stress ngayon kasi walang iPad, walang cellphone, walang laptop so nabawasan ang stress niya. Dumarating lang daw ang stress niya kapag nababasa niya ang diyaryo.

Q: Ano po ang pinagkaka-abalahan niya?

Sen. Hontiveros: Ayun nagbabasa siya ng bibliya, nag-eexercise, siyempre kumakain sa tamang oras, nagbabasa ng maraming babasahin kasi kahit papaano sinusubaybayan niya ang mga balita na hatid ninyo. Kaya siya rin ay nakakapagpahayag ng kaniyang posisyon sa ilan sa mga current issues.

Q: Aside from the death penalty, what are the other matters you discussed?

Sen. Drilon: In so far as the other pending matters are concerned, we just discussed with her, sought her views especially as an election lawyer before. 'Yan ang aming pinag-usapan.

Q: How about the lowering of the age of criminal liability?

Sen. Pangilinan: Nabanggit din 'yun, napag-usapan din. Although kasi sa Senate wala pang bill na napag-uusapan so hindi iyon ang naging priority natin sa discussion dito. But I think if that comes to a vote, ganun din ang magiging posisyon natin: na pagbigyan siya, na payagan siya ng korte na makapunta siya sa Senado para maka-boto sa mga panukalang batas na ito. 'Yung postponement of the barangay elections, she told us na ayaw niyang ma-postpone. Kaya po nagkaka-isa kami diyan at isa po siguro 'yan sa mga panukulang batas na hihilingin namin ang partisipasyon ni Senator De Lima lalo na 'pag dating sa botohan kung magkakaroon ng botohan.

Q: Napag-usapan niyo rin baa ng result ng ASEAN Summit specifically 'yung hindi pagkakasama ng UN Arbitral ruling.

Sen. Pangilinan: Hindi, hindi namin napag-usapan ang ASEAN.

Q: Any reaction sa sinasabi ni President Duterte repeatedly niraraise niya ang position niya sa lowering of age of criminal liability?

Sen. Pangilinan: Well, 'pag umabot sa Senad idedebate natin 'yan. Siyempre tayo ay tutol na ibaba ang age of criminal liability dahil tayo ay naniniwala na marami dito sa mga naglalakas-loob na menor de edad ay hawak ng mga sindikato, ng mga corrupt na opisyal ng pamahalaan, mga pulis. 'Yun ang dapat habulin, hindi 'yung mga kabataan na menor de edad.

Q: 'Yung sinasabi po niya na what he calls the Pangilinan law that spawned generations of criminals?

Sen. Pangilinan: Wala pa kasing sampung taon 'yung batas eh o sampung taon pa lamang so medyo may hyperbole ata yung "generations." Pangalawa, base sa statistika ng PNP, wala pang 2% ng crimes ay committed by minors. In other words, 98-point-something percent ay adult offenders. So paano magkakaroon ng lagapanap na lawlessness eh kung wala pang dalawang porsyento nung lawlessness ang nacocommit nitong mga minors. So sana, baka sakali, nagbabago naman ang isip ng ating Presidente, baka sa kasong ito ay madiscuss sa kaniya nang maayos, baka sakaling magbago ang isip.

Sen. Trillanes: In addition doon sa sinabi ni Senator Kiko, itong sinasabi niya (Duterte) na itong mga bata ay ginagamit daw ng mga sindikato, eh 'di 'yung sindikato ang hulihin mo. Kala ko ba magaling sila sa law enforcement? Di ba sa peace ang order? Hulihin mo 'yung sindikato. Dahil ako, nakulong ako rito at may mga nakasama ako na mga menor de edad sila noong nakulong sila, inilagay sila sa isang juvenile facility tapos hinalo diyaan, ang nagiging epekto ay mas grabe. For example kung ang plano nila 12 years old ikukulong mo, 'di kunwari 10 years nakulong 'yan, 'pag labas niyan 22 years old eh di hardened criminal 'yan. So 'yun 'yung mga hindi nakaka-intindi ng ganitong mga detalye, so mag-isip isip sila sa pagtulak nitong minimum age of criminal responsibility.

News Latest News Feed