Press Release
May 14, 2017

Grace Poe's Interview Transcript
dzBB with Ms. Nimfa Ravelo

Sen. Grace Poe: Magandang umaga sa inyong lahat at sa lahat ng nakikinig, Happy Mothers Day. Lalong-lalo na kahit na hindi mga mothers, pero sabi mo nga, hindi nga mother pero mother sa kanilang pamilya. Happy Mothers Day!

Nimfa Ravelo: Happy Mother's day din po sa inyo ma'am.

Poe: Salamat Nimfa.

Ravelo: Ma'am bukas po at sa Thursday ma'am may pinatawag daw po kayo na pagdinig tungkol po sa mga aberya sa MRT. Ito po ay dininig din noong nakaraang kongreso at ngayon magpapatawag po kayo ulit. Bakit po, ano po ang sentro ng pagdinig?

Poe: Unang-una Nimfa, noong huli natin silang pinatawag tungkol dito, sila ay masaya. Sabi nila oo dadating na yung mga train at sa darating na mga buwan ay magagamit na natin yung mga bagong train para sa MRT na galing sa Dalian, China. Ngunit nakita naman natin noong nakaraang linggo hindi pa magamit itong mga tren na ito. Patuloy pa rin ang siksikan sa train, patuloy pa rin ang mga glitches o yung hindi pagtuloy-tuloy ng serbisyo. Nais natin malaman sino ang nagsinungaling dito. Bakit hindi pa rin magamit? Ano ang nagiging problema? Yan nga ang frustrating kasi yung sa ating trabaho, nakikita naman natin na mukhang totoo yung mga sinasabi kapag pinapatawag mo. Alam naman natin na marami talagang pagkukulang. Nais natin matunton kung sino ba talaga ang nagkamali at ang higit sa lahat ano ang magagawa natin para maayos kaagad ang problema na ito.

Ravelo: Ma'am naaalala ko noon pong nakaraang congress, humarap sa inyo si dating Transportation Secretary Abaya at mga opisyal ng MRT, sabi nila nga po parating na yung mga bagong bagon, 46 daw. Tapos binili po ng 3.8 billion iyan ma'am. Tapos mayroon na silang panibagong kontrata po sa mga magme-maintain noong operation ng MRT kasi laging may aberya. Pero pinangako yun sa inyo pero yung problema ngayon yun parin. Kulang pa rin po yung mga bagon. Palagi pa rin nasisiraan. Parang average ng 3 times a day.

Poe: Oo nga eh, sa ating mga kababayan noon sinabi nila na dumating na yung prototype na train. Ibig sabihin ito yung kauna-unahan. Pinuntahan naman natin ito sa depot nila at pagkita natin wala pa yung makina... Nakita natin at nalaman na yung makina pala ay i-oorder sa Germany. Tapos yung signaling system, ito yung para hindi maaksidente yung mga tren, galing naman po sa South Korea.

Ravelo: Chop-chop, ma'am.

Poe: Yun nga, chop-chop. Ngayon sabi naman ng iba alam mo normal naman iyan dahil kunyari mayroon tayong sasakyan, yung mga parts ng ating sasakyan ay mina-manufacture sa iba't-ibang parte ng mundo pero Nimfa, dinedeliver iyan sa dealer at customer na buo na. Ang customer pa ba ang madidikit-dikit lahat ng mga parte na iyan? 'Di ba ang iisipin natin ang customer dito ay ang Philippine Government, tayo. Kaso pagdating nga dito, dito palang nila ina-assemble. Tapos tinatanong ko pa, pag-deliver dito wala man lang lugar na mapapaglagyan niyan dahil walang depot. So itong mga nakaraan diyan sa DOTC pa noon, hindi pa DOTr, hindi nila inisip itong lahat ng ito. Saan nila igagarahe itong 48 LRVs translating to 16 trains? Saan nila ilalagay iyan pagdating dito? At pangalawa pa, ngayon makikita natin na may aberya sapagkat hindi pa kumpleto ang mga mekanismo para diyan. Higit sa lahat, itong mga riles natin, mayroon yang kakayanan lamang hangang sa kung anumang timbang. E ngayon palang wala pang nakasakay halimbawa e halos malalagpasan na natin ang weight limit.

Ravelo: So ibig sabihin wala pang sakay ay mabigat na.

Poe: Alam mo hindi ako inhinyero pero parang kung mayroong babalikan doon sa ating pagdinig bukas, kunyari ang sinabi ay 48 tons lang o kung anuman iyan, ang maximum nito, habang yung kaha pa lang at makina nasa 47 na, paano pag nakasakay na ang mga tao dyan. Isa ito sa na-bring up ng isang writer na kailangan nating masiguro ito kasi kaligtasan ng ating mga kababayan ang nakasalalay dyan.

Ravelo: Para lang po masundan ng ating mga listeners, dalawa po ang issue dito, yung isa po ay tungkol sa mga bagon at yung isa ay tungkol sa maintenance ng actual operations ng MRT. Sa mga bagon, ang issue po dito ay bakit tinanggap po ng nakaraang administrasyon at bakit pumayag na bumili ng mga tren at ideliver dito na hindi kumpleto, apparently, chop-chop tapos hindi pa mapakinabangan.

Poe: Sa ating mga kababayan, dapat yan ay tinest muna sa Dalian ng ilang libong kilometrong pagpapatakbo bago nila dinala dito. Malinaw pa sa araw na talagang di nila na-test dahil dumating nga dito na hindi pa kumpleto, so paano natin malalaman kung ayos yan. Dun pa lang makikita natin ang malaking kapabayaan, tapos kung babalikan natin, bakit naman nila ibinigay ang kontrata sa isang Dalian na wala naman talagang track record sa ganitong klaseng mga tren. Ang meron sila doon ay locomotive daw, yung parang hinihila lang ang mga tren, hindi katulad ng meron tayo. Yung dati namang nag-supply sa atin, halimbawa sa MRT, matino naman.

Ravelo: So bakit hindi doon?

Poe: Maiisip natin na parang meron talagang anomalya. Alam ko may anomalya na talaga dito--lalong lalo na gusto natin itong masiguro bago tayo magsumite ng committee report. Alam mo nung naglabas ang Ombudsman ng desisyon tungkol sa mga aberya, hindi isinama dito ang namumuno na kalihim. Nagtataka naman ako kasi ahensya ito, hindi naman ito buong gobyerno ng Pilipnas so talagang dapat kahit pano merong pagbabanggit sa kapabayaan ng namuno noon sa DOTC.

Ravelo: Mam, nakita po ninyo yung tren, ibig sabihin chop-chop ang parts nya? Iba yung makina, bibilhin pa sa iba yung signalling system, ibig sabihin chop-chop po ba ang kontrata o iisa lang ang kontrata nya?

Poe: Iisa lang, sa Dalian lang talaga.

Ravelo: Pero pumayag po sila na chop-chop po ang materyales?

Poe: Siguro sinabi ng Dalian na yung stipulation, yung order nila--kung anupaman yun, sa bawat parte ng isang sasakyan, hindi mo naman ilalagay na yung manibela galing dito etc., Halimbawa, ako bilang customer, sasabihin ko, sige orderin mo kung saan basta nakalagay dito na dekalidad na makakatakbo, may warranty ito at itetesting ninyo bago dumating dito--hindi nila ginawa iyon. Para sakin, doon pa lang, makikita na natin, hindi sinunod ng Dalian ang kanilang kontrata at ang ating gobyerno naman ay pinabayaan sila na sa umpisa pa lang ay sinuway na nila ang pagkakasunduan. Pangalawa, yung sa maintenance provider. Ngayon yung BURI, sinasabi nila na "napakaluma na ng tren, ano pang magagawa namin?" Sagot naman namin, alam naman ninyo luma na, itong DOTC, alam na ninyo noon pa lang luma na iyan, bakit kayo kumuha ng isang provider na wala masyadong experience dyan. Bago pa iyang Busan, andyan na yung APT Global at iba pang kumpanya--

Ravelo: -- Meron pa pong Sumitomo

Poe: Hindi nila kinuha ang Sumitomo na syang gusto ng MRTC. Bakit pa tayo magpapalit, yung Sumitomo, sanay na dyan at merong kredibilidad sa buong mundo at alam naman natin na ang Japan ay kilala sa pagiging mabusisi. Ang ginawa nitong DOTC, sinabi nila sa MRTC na hindi na kayo pwede, kasi you have less than 90 days to find a maintenance provider. Hindi papayag ang MRTC sapagkat nakalagay sa batas na ang regular procurement ay 90 days, hindi na nila nakuha ang Sumitomo. Ang ginawa nitong DOTC, nag-negotiated procurement sila, ibig sabihin halos closed bidding na nga iyan e. Ang napili na nga nila itong isang kumpanya na wala namang kapitalisasyon, bago lang ang pagkaka-incorporate. Alam mo pag may mga kontrata kang ilang milyon siguro dapat ilang daang milyon meron kang kapital; ito halos wala, ang mga incorporators nila bago. Wala silang track record sa maintenance, so bakit yun ang kinuha kasi ang unang-unang pagkuha sa kanila yun ang nag-umpisa na nag deteriorate ang operation ng ating train.

Ravelo: Yun pong mga kontrata diyan na ipinasok noong nagdaang administration at ang head po ng DOTR noon ay si Secretary Abaya dati pong Secretary Jun Abaya. Siya ho ba ay imbitado bukas? Nagpaabot na ho ba siya ng confirmation kung siya'y sisipot?

Poe: Unang-una nais ko ring sabihin ano dahil naglabas ako ng mga statements sabi ko na kung hindi siya mag-aattend ipapa-subpoena ko na siya. Ngayon sa kagandahang loob naman niya sinabi niya, 'hindi ako makaka attend sa inyong hearing sa 18 dahil naplano ko na ang aking bakasyon kasama ng kaniyang pamilya.' Ngayon sabi ko siyempre pribadong mamamayan na siya ngayon pero sabi namin kailangan namin ang kaniyang statement; so sabi namin sige aalis ka ng 16 mag schedule kami para lang masiguro na marining natin ang kaniyang punto dahil siya ang susi dito eh so bukas maghe-hearing kami para lang makuha ang kaniyang mga statements. Ngayon, pagdating ng 23, sa 23 naman dahil sina Secretary Tugade naman yata ang nais naman nating ipatawag sa susunod. Yun naman yung mga iba para kung ano man ang statement ni Secretary Abaya maikumpara natin sa mga sasabihin naman nitong mga current na nandiyan sa DOTC. Yung sinasabi mong hearing sa Thursday, dapat din iyan para sa MRT gagawin naman natin tungkol sa LTFRB. Para sa ating mga namamasada na mga drivers diyan. Narinig ko kasi sinabi ng PISTON na ang LTFRB ngayon ay nag-rerequire ng ID na parang franchise ID na dapat lahat ng driver ng pampublikong sasakyan meron na silang hawak na ganun. Para sa atin, illegal yun sapagkat ang pwede lang magbigay ng permit to drive ay ang LTO, hindi ang LTFRB. Ang LTFRB pwede silang magbigay ng franchise certificate sa may-ari ng franchise so anong pakialam ng mga driver na nagtatrabaho dun. Sa tingin ko parang ayaw kong masabi na ito'y raket na naman para pagkakitaan ng isang ahensya ng gobyerno na hindi naman dapat kumikita dahil serbisyo dapat ang kanilang mandato.

Ravelo: Ma'am bukas I've heard nag confirm talaga si Secretary Abaya pero kung hindi talaga siya pupunta isa-subpoena niyo siya?

Poe: Oo pero ako naman ay nakikiusap dahil pagkakataon niya ito na madepensahan ang kaniyang sarili kung totoong wala siyang pagkululang. Ngayon kung may pagkukulang siya kahit ano pa man ang gawin mo, i-suspend mo man yan ang hearing na yan, gawin mo man sa isang taon o kailan pa, hangga't hindi mo pinagbayaran iyan sa pagkakamali na iyan uulit at uulit iyan kaya sana ay pumunta siya sapagkat kung magbabakasyon siya, lahat naman tayo kailangan natin ng off time, sige, pero obligasyon mo muna sa taong bayan na sagutin mo ang mga tanong dahil hindi kami makakagawa ng solusyun at aksyon kung hindi natin alam at hindi tayo natuto sa ating mga pagkakamali.

Ravelo: Ma'am may binanggit kayo kanina na hindi nabanggit man lang doon sa kaso kasi diba natatandaan ko po may pinakasuhan ang DOJ dahil doon sa mga itinuturing na mga anomalous contracts diyan sa MRT. Ang tinutukoy niyo po ay si Secretary Abaya ano ma'am?

Poe: Oo. Alam mo mataas ang aking pag galang kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales kaya nga ako'y nagtataka lamang ano ba ang naging legal na dahilan kung bakit yung kalihim hindi kasama. Ngayon si Vitangcol ipapatawag ko rin dahil hindi sila maaring magkasabay bukas kasi sa tingin ko last minute si Al Vitangcol hindi rin available bukas pero sa 23 pwede; so ako'y umaasa kasi kung hindi ipapatawag ko talaga sila, ipapa-subpoena ko sila na pumunta. Ngayon doon sa ating Ombudsman, sa complain ni AL Vitangcol bakit hindi naisama si Sec. Abaya? E siya naman talaga ang pumirma sa mga kontrata na iyon. Hindi iyan maapruba hangga't hindi pumapayag ang Secretary so may kakulangan talaga dito. Pasensya na. Baka naman pwede natin makausap ang Ombudsman.

Ravelo: Sa mga nakaraang pagdinig ninyo sa public services committee ano ho ba yung lumitaw na pananagutan ni Sec. Abaya? Ano yung dapat sana pala criminal case against him kung may ganitong kapabayaan. Siya ang nag-approve ng anomalous contracts.

Poe: Alam mo Nimfa, talagang itinuturo doon ang naging kapabayaan. Ngayon ito na siguro, noong mga panahon na iyon at hindi pa nabibinyagan ang mga train. Ngayon hopefully mas magiging kompleto na ang ating magiging committee report dahil nandiyan na ang takdang panahon. So kung hindi pa rin tapos at hindi pa rin gumagana ganun ang ating committee report na nangyari sa pinagkahaba-haba ng panahon.

Sa mga kababayan, sasabihin ay imbestigasyon nanaman e wala naman nangyayari. Alam niyo po, medyo nakakainis minsan sa pagiging legislator dahil pwede kang gumawa ng batas, pwede kang mag-imbestiga pero hindi naman pwedeng ikaw ang magpapatupad o magpapakulong sa kanila kahit may nakikita ka pero ang kagandahan naman, yung ating mandato dahil sa ating pagdinig naririning ng ating mga kababayan. Kasi kung wala ang Senado, halimbawa at walang hearing na ganyan e baka mamaya mabaon nalang sa limot at sa korte ang mga kaso na iyan. Nakita naman natin na inaabot ng dekada ang paglitis ng mga kaso at least dito nakikita natin dahil sa pressure na ibinibigay ng Senado, halimbawa yung pressure dito sa PDAF, sabihin man ng iba na masyadong naging magulo. Pero within one year mayroong nakulong. Kasi nga may public pressure kapag nagkakaroon ng hearing. Kaya sa ating mga kababayan wag tayong bibitaw dito dahil dapat matuto ang kawani ng gobyerno na kapag gumawa ng kalokohan ay sila ay mananagot. Kasi ang nangyayari hindi matututo iyan. Hindi tayo dapat pumayag.

Ravelo: At saka po ma'am di ba ang pananagutan ng mga nasa gobyerno ay hindi lang doon sa maling ginawa kundi yung kawalan ng ginawa at kapabayaan. So ma'am, ano yung legislation po na posibleng lumitaw dito?

Poe: Well ang inaayos talaga namin dito yung sa procurement, marami kasing nagsasabi na minsan ay napakahigpit. Sa alternative sources of bidding, pagdating kasi sa imbentaryo ng ating gobyerno, doon sa mga parts halimbawa ay parang pinapayagan lang tayo na dapat i-inventory within 60 days so sabihin na natin sa maikling panahon lamang. Yang mga ganyan ay dapat advance notice sapagkat special iyan na ginagawa para sa mga train natin. Isa iyan sa mga nakikita natin. Pangalawa naman yung terms, yung track record nung mga kinukuha natin na mga kumpanya.

Ravelo: Noong mga panahon po na pinasok yung kontrata sa Dalian at Busan, yung span na po iyon ay maituturing na secret deal o midnight deal? Kasi parang patapos na ang Aquino administration noong pinasok siya.

Poe: Pwede naman kasi yun nga, naka-depende iyan sa mga taong inilalagay sa pwesto. Ngayon yung mga deal na ganyan, mayroon kasing justification ang nakaraang administrasyon kasi maayos pa naman ang MRT in terms of train capacity. Pwede nilang gamitin ang kadahilanan na iyan but it's still not an excuse for them to be negligent in their jobs. So titignan natin, may pagpapabaya ba sila o may kumita ba dito, hindi naman dapat ganon. Basta alam mo Ms. Nimfa ayoko na masyadong magbigay pa ng detalye sapagkat bukas na ang ating pagdinig dito, at yung ating mga kababayan natin ang gusto na lang nila, kailan ba talaga magagamit ang mga train na yan para maibsan ang problema ng aming paglalakbay, para sa ilang daang libong tao ang nakasakay diyan araw-araw. Ang nais ko na lang sabihin sa ating mga kababayan, ito'y dapat matutunan natin kung papaano hindi na mauulit ang ganitong uri ng mga nagiging transaksyon.

Ravelo: Ma'am ito po text question ng reporter po sa Senate. Ma'am yung si dating Pangulo Noynoy Aquino hindi po ba nakitaan din ng responsibility dito at least sana sinabihan itong si Sec. Abaya pero wala naman siyang aksyon against Sec. Abaya at ng mga transportation officials at that time.

Poe: Nakita naman natin na kung sa bawat pagkakamali ng iyong kalihim ay ikaw ay pwedeng masentensyahan ay wala na talagang pangulo na matitira dito sa ating bansa na hindi nakukulong. Pero kay Pres. Noynoy, kung meron man akong nakikitaan, noon pa kasi nakikita natin ang kakulangan sa trabaho na ginagawa noon ni Sec. Abaya. Pasensya na pero matagal ko ng sinasabi na ang bagal nilang kumilos sa DOTC noon. Palpak yung mga nagiging desisyon nila pero nanatili pa rin siyang kalihim ng ilang taon. So kung meron man doon, yung kakulangan ng sensitibong pananaw ukol sa mga hinanaing ng ating mga kababayan. Illegal ba yun? Hindi pero sa tingin ko, yun na nga nakakalungkot at makikita natin ang kahalagahan na dapat ang isang commander-in-chief ay madalas makinig at mabilis umaksyon doon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Dapat magtalaga ng may kakayanan na kalihim, katulad niyan sa DOTC, bakit ka maglalagay ng abogado na alam mo naman ang training ay ganun...may practical knowledge ba siya dito? Yun yung mga bagay siguro na pwede tingnan ng isang commander-in-chief o ng isang Pangulo sa kanyang pagtatalaga.

Ravelo: Naalala ko lang Ma'am, kasi nung mga panahong yun ang problema sa laglag-bala scam sa NAIA tapos yung mga problema sa mga airport, sa kalsada pero, ang lakas na ng panawagang palitan na si Sec. Abaya ng mas competent sa pwesto pero hindi nga pinakinggan.

Poe: Yun nga eh, nakikita kasi ng taumbayan, kita nila na palpak ang secretary, pero kung kaagad-agad hindi naman kaagad-agad, siguro rasonableng oras pinalitan at nakita naman na may simpatya ang namumuno, mapapatawad mo. Tapos kung naglagay ka ulit, siguro pumalpak ulit, palitan ulit. Kasi hindi mo naman matatantya ang bawat tao na nilalagay mo. You can only go with past experiences based on their credentials pero if they don't deliver, yun nga that's why they always serve at the pleasure of the President.... Kaya lang napapakamot tayo ng ulo kasi minsan iniisip natin, how can you be confident with that person if the person has not been delivering on his duties, his deliverables so that means it's just a personal relation that's keeping you in office.

Hindi pwedeng ganun, dapat, kahit naman saan, ang titingnan mo ay yung kakayahan ng mga nilagay mo diyan. Yun lang siguro ang nakikita kong malaking kakulangan.

Ravelo: So yun Ma'am aabangan namin yung pagdinig bukas at sa mga susunod pang araw tungkol dito sa isyung ito sa MRT at iba pang mga tinututukan ng inyong komite. Ma'am isa na lang, bilang chairman po ng public information and mass media, yung freedom of information bill na inyong pinaglaban noon at nailusot sa nakaraang Congress, ano na ho ba ang status nito ngayon sa Senate?

Poe: Ngayon sa Senate, nasa period of interpellation na, ang importante kasi rito ay makapagtanong lahat ng nagtatanong. Kaso may mga nakalista pang magtatanong pero ang naging prayoridad nitong 17th Congress ay mga iba't-ibang panukala. Noon kasi, nagkaisa ang mga senador na ang FOI ay isa sa mga prayoridad. Ngayon, ako, itinutulak ko ang FOI, ang iba tinutulak din pero nandyan ang iba't ibang mga bagay katulad nga nito, yung sa aking komite, yung pag extend ng validity ng driver's license to five years. Yung pag-eextend ng passport to 10 years yun naman sa isang committee. At yung libreng pananghalian para sa mga bata; so kanya-kanyang mga bills na sa tingin ko naman ay mararamdaman agad ng ating mga kababayan. Ngayon, pagdating sa freedom of information kailangan na talagang maipasa yan at least dito sa 17th Congress. Itinutulak ko pa rin yan pati na ang emergency powers, hindi ako makakuha lang ng schedule...

Ravelo: Oo nga pala, yung sa FOI Ma'am madali naman nalulusot yan sa Senate, sa House talaga ang problema. Yung emergency powers nga po pala, ano na po ang nangyayari doon Ma'am?

Poe: Yun nga yung sinasabi ko sa ating mga kasamahan, hindi ba hinihingi ng pangulo? Ako'y talagang gusto ko na matulak ito para yung mga imprastruktura na kailangan nating maitayo. Sabi nila mukhang hindi naman kailangan ng pangulo yan kasi ngayon naman patuloy ang kanilang pagroll-out nitong mga plano nila. Ako naman, naniniwala kasi ako na kapag may emergency powers, halimbawa, yung mga korte na kapag merong mga kaso laban doon sa mga nananalo na bidder, hindi basta basta na ma-TRO dahil kailangan ng Korte Suprema magdesisyon, kasi kasali yan. Tapos yung mga right of way acquisition, katulad niyan, maraming proyekto ang gobyernong hindi natutuloy dahil yung right of way, yung NLEX, SLEX yata pagdating sa isang lugar yung may-ari pala ng mga lugar doon ay gobyerno din pero hindi natin nauutusan na kumilos kayo at pagbigyan ito. Ako, ready na kami, nasa period of interpellation na rin kami.

Ravelo: Ma'am kasi diba nasa period of interpellation, nasa majority leader po ang pagka-kalendaryo. Ngayon malalagay yan sa kalendaryo kung mayroon siguro, may push ang Malacañang din and then thru the PLLO para palagi siyang makalendar at maipasa. Ngayon, parang walang ganoon, so ibig sabihin, ano yun Ma'am, signal na hindi na pursigido ang Malacañang na, hindi na interested?

Poe: Well siguro nakikita nila hindi nila masyado kailangan well ako sa itinutulak ko iyan sa Senado. Dun sa kongreso, ang kanilang bersyon ay hindi magbibigay ng emergency powers. Hindi papasa talaga ito. Kaya siguro yung aking mga kasamahan sa Senado, kasama na rin ako, minsan iniisip ko, mamadaliin natin ito, katulad ng nangyari sa FOI law. Wala rin namang mangyayari kung ang mga kasamahan mo sa kongreso ay hindi iyon ang prayoridad. So ano yung mga panukalang batas na makakabuti sa ating mga kababayan na kailangan na nila, na magkakasundo ang parehong Lower at Upper House? So iyan, yung license validity, yung passport, yung lunch program. May mga bagay na ganyan na kailangan gamitin natin ang ating limitadong oras sa mga session sa mga bills na alam natin na mararamdaman agad at makakatulong. Lalo na sa libu-libong mga driver, mga OFWs na naglalakbay, sa kanilang passport validity, yan ang inuuna ng Senado ngayon.

Ravelo: At parang may issue yata si Speaker Alvarez at si Transportation Secretary Tugade kaya ayaw siyang gawing Transportation Czar or something like that. Pero kahit ano pa man iyan ma'am hindi ba dapat manggaling sa Malacanang yung direktang statement kung interesado pa ba o hindi sa emergency powers?

Poe: Tinanong ko nga ang ating Pangulo, noong nagpunta kami sa kanyang imbitasyon, pumunta yung ibang Senador doon. So pagkakataon ko, tinanong ko siya 'Mr. President, do you need the emergency powers for traffic? Hindi naman niya ako direktang sinagot na oo o hindi. Ang sabi niya ganito, parang 'It doesn't matter to me' parang ganyan. Ang sabi niya 'You can count on Sec. Tugade.' So in short I guess we had the intention na kung maipasa ito, ang magiging traffic czar ay si Sec. Tugade. In short, I don't want to put words into the mouth of the President, but that's exactly what he said. Is he a little bit more enthusiastic about it, hindi ko alam. Basta yun ang sinagot niya. I'm taking my cue kasi yung ating Senate President hindi naman nalagay sa priority bills. Siguro yung legislative liaison ng Malacanang ay hindi iyon ang ipinapalagay. So yun na lang siguro ang magiging basehan ko na marahil may iba silang plano para dito.

Ravelo: Ma'am maraming salamat po sa inyong oras. Aabangan po namin ang inyong hearing bukas.

Poe: Maraming salamat, Nimfa at sa lahat ng nakikinig.

News Latest News Feed