Press Release
May 28, 2017

Transcript of iinterview with Senator Antonio 'Sonny' Trillanes IV

DATE: May 28, 2017
RADIO NETWORK: DZBB
PROGRAM: TODO-TODO
ANCHOR: NIMFA RAVELO
Interview with Senator Antonio 'Sonny' Trillanes IV

RAVELO: Good Morning sa inyo Sir, salamat po sa inyong oras!

TRILLANES: Good Morning Ms. Nimfa at sa mga listeners.

RAVELO: Yes Sir. Sir yung martial law noong isang araw sabi niyo kating-kati ang pangulo na ideklara talaga itong martial law. Pero ito Sir, bukas ay magfo formalize po ba kayo ng motion para i-revoke ito? Pano ho ba?

TRILLANES: Pakikinggan muna natin yung basing ng Malakanyang at Defense officials at duon liliwanag hindi lang sa mga senador kundi sa taumbayan kung ano nga ba talaga ang dapat government response sa mga ganung sitwasyon.

RAVELO: Pero Sir yung mga ano...gusto ninyong ipaliwanag nila sa inyo.

TRILLANES: Well gusto natin ipakita at lalabas naman ito bukas na hindi ito yung pinaka malaking krisis na nakaharap ng armed forces na kakailangin nila ng martial law so nung nakaraan mga 'yan yung Zamboanga siege, yung all-out war ni Erap. Mas malala pa nga yung pwersang kinaharap ng ating Armed Forces pero kinaya nila 'yan. So ngayon dito, makikita yan na ito ay talagang planado ni Duterte na mag declare ng martial law naghahanap lang ng opening. Nagkaroon siya ng opening na ganito at 'yun nga tinake-advantage niya. Ngayon, don't get me wrong serious itong nangyari sa Marawi pero again it was never a threatened na yung AFP na mawawala sa kanila yung control ng situation. Dahil from the very start they were saying kontrolado nila ang sitwasyon. And I was confident na masusugpo nila yung kalaban at ngayon nga (inaudible) yung kalaban. So yun nga ang tatanungin natin atsaka at ang sasabihin ko rito, anu't ano pa man ang lalabas duon sa briefing bukas kailangan pagbotohan kung sino ang pabor sa martial law sa buong Mindanao at sino ang hindi. Ang sa akin dito kung worst case scenario na recommended na ng AFP sa Lanao Del Sur lang idineklara.

RAVELO: Okay pero kung hindi buong Mindanao yung idineklara, mas less problematic ganun ho ba 'yun Sir?

TRILLANES: Hindi kasi kung buong Mindanao kasi over-kill e, dito natin ichecheck yung powers ng executive kaya may checks and balance ang Kongreso, Executive at Judiciary para pag may nagmamalabis ng gamit ng kapangyarihan ilalagay naming sa lugar dapat, icheck namin. Ito ang sinasabi natin dito kasi itong nangyari sa Mindanao hindi talaga kailangan magdeclare ng martial law sa buong Mindanao e kasi ang pwersa na hinahanap mo ay isandaan sabi mismo ng Armed Forces 'yan. Papaano mong bubulabugin yung buong Mindanao kung isandaan lang ang hinahanap mo. Ang sinabi naman nila, hindi daw NPA yung hinahabol; hindi rin naman daw MILF so alangan na isandaan lang na Maute yung hahabulin mo? Hindi ganyan yan. Ang solusyon diyan is intelligence operations. Kuhang-kuha nila yung intel ng AFP, PNP mahahanap nila 'yan kahit hindi mag declare ng martial law.

RAVELO: Senator medyo nagcha-chappy lang po kayo pero ito Sir yung seven page report po ni Presidente na inabot kina SP Koko and Speaker Alvarez ang sabi dun 263 yung Maute group, yung members as of December 2016 and then ang balak po daw ay sakupin talaga ang buong Mindanao ay inumpisahan lang po sa Marawi City.

TRILLANES: Pero early this year nagkaroon na ng offensive sa Maute e marami ng nalagas duon sa kanilang hanay tapos marami na ring nanlamig pero yung actual na gumalaw ang sinasabi ng AFP ay hindi lalagpas sa isandaan. 'Yan yung sinasabi nila duon end of 2016 pero nagkaroon ng operation nung ano e nalagasan na sila ng hanay binomba ng husto 'yan sa Butig, Lanao Del Sur. So yan yung pwersa one hundred katao. Ngayon papaano masasabing under threat na madidismembered yung Marawi or yung buong Mindanao. Anyway, malalaman natin 'yan sa AFP kung meron ba talagang threat na malagas yung ano o naramdaman nila na nawawalan sila ng control sa situation.

RAVELO: So ang sabi dito sa seven-page report, of the end of 2016; 263 fully armed and prepared to range combat in furtherance in its aims. Then meron po silang chiefly nago-operate sila sa Lanao Del Sur pero meron daw pong extensive networks and linkages with foreign and local armed groups kagaya ng Jamaiya Islamaiyah, Mujahidin Indonesia Timor at Abu Sayyaf.

TRILLANES: Okay, just to give you a comparison ah. Yung MILF, nung all-out war ni Erap 15,000 katao 'yan. At talagang ang plano nila talaga is dismember diba sa sessionist grupo sila?

RAVELO: Tama.

TRILLANES: Plano nila i-severe yung buong Mindanao, 15,000 yan Central Mindanao ang sakop nun. Hindi tayo nag declare ng martial at nalagas nasugpo ng AFP threat nakuha yung mga kampo mahigit singkwenta 'yun so yun ang aking basis na dumaan sa ganung kalaking pagsubok ang AFP at kinaya nila...

RAVELO: ....na walang martial law.

TRILLANES: Tapos ngayon ito 263 e nag martial law sa buong Mindanao. Ngayon sasabihin natin ano may mga nagsasabing 'oh kaya daw umuulit kasi hindi daw martial law yung ginawa dahil babalik tayo sa panahon ni Marcos. Nung panahon ni Marcos buong Pilipinas yung martial law, sa Mindanao 'yan ano yung MILF, MNLF atsaka NPA nasugpo ba ni Marcos itong mga pwersa na ito? Hindi rin kaya nga 'wag tayo papa kanal dun sa impact sa martial law ang solusyon kasi hindi nga naging solusyon yan nung nakaraan. Bakit yan magiging solusyon ngayon? Di ba? Kumbaga marami kasing nadadala e ...nadadala sa propaganda at panloloko 'no kaya kailangan hihimayin e. And we have historical basis to show that's not the case.

RAVELO: Sir, text question: Ang tingin niyo ho ba the President is already testing the limits of his powers or pushing the boundaries in his authority sa context na makapag implement siya ng authoritarian governance.

TRILLANES: Definitely 'yan ho ang aking ina-assert from the very start. Sinabi niya na ang plano niya is revolutionary government so-solvin daw yung problema ng Pilipinas through revolutionary government. Immediately kakaupo niya nag declare siya ng national emergency diba hindi naman...

RAVELO: ...dahil sa drugs...

TRILLANES: ...hindi pa ito binabawi so nag tokhang siya, nag lahat na ginawa na niya tapos ngayon nagkaroon siya ng opening martial law. Pag hindi natin ito kukwestiyunin e pagka nag declare siya ng martial law sa buong bansa, wala na too late mawawalan na ng boses pag sinara na yung Kongreso, sinara na yung mga media saka kayo magsasabi na tama pala na mng aabuso itong si Duterte. E sinabi na niya mismo e. Sinusubukan lang niya yung pasensiya at yung opposition yung push ika nga.

RAVELO: May briefing bukas tama may briefing bukas yung caucus ata sa majority Sir yung mamaya. So based duon sa ibibigay sa inyong briefing duon niyo pa idedetermine kung kayo mismo personally at kayo minority bloc ay magmo move para sa revocation. Kasi dun sa revocation daw po magdedepend kung magpapatawag kayo ng joint session e.

TRILLANES: Well definitely ngayon magpapatawag na ako ng revocation ng martial law sa buong Mindanao. Ang sa akin dito kung Lanao 'yan e Lanao Del Sur e hindi ako magku question. Pero kung Mindanao 'yan definitely I will move na i-revoke 'yan and at the same time tatanungin ko yung Armed Forces, hiningi niyo ba sa Presidente na magdeclare ng martial law sa buong Mindanao? At pagka sinabi lang na oo tatanungin ko kung bakit at ibabalik ko itong mga nangyaring ito. Pag sinabi lang na hindi ano ngayon ang naging basehan ni Duterte kung bakit siya nag declare siya ng martial law sa buong Mindanao.

RAVELO: Hindi po katwiran Sir yung para icontain yung sitwasyon lalo na sinasabi ...tapos yung claim na sinasabing sila naman yung nakakaalam ng mga intelligence information ba't tayo nagmamarunong.

TRILLANES: Oo, pero itong sa akin ganito e hindi na ito kailangan ng intelligence information, open source ito. Sinabi mismo nila ni Duterte at ni Bello, Secretary Bello na hindi raw gagalawin yung NPA. E tatanungin ko teka muna sino ba pinakamalaking pwersa ito bang NPA, ito bang pumapatay ng sundalo hanggang ngyon. Oo, sila ba ay nagsusunog ng mga gamit, nagdadahas ng mga negosyo diyan sa Mindanao. So bakit hindi mo gagalawin yun tapos e bakit para san pa yung martial law so kumbaga hahabulin mo ngayon isandaan na nanduduon lang sa Lanao Del Sur diba. So ang sinasabi rito even kagaya sa US, sa Europe ngayon na nagiging subject sa mga terrorist attacks hindi 'yan sila nagde declare --ng martial law kasi ayaw nila ng perwisyuhin yung mga kababayan nila just because yun mismo ng mga terorista. Ang habulin niya yung mga terorista, mahahabol mo yun through intelligence operations.

RAVELO: Sir ano po ba ang kinakatakot sa martial law?

TRILLANES: Alam mo ganito yan pagka declare siya ng martial law sa buong Pilipinas okay lahat na ngayon at pinasara yung Kongreso, pinasara mo na yung media, pipick upin mo na yung mga kalaban mo sa pulitika o kung saan man e ayan na 'yan. Hindi yan yung gusto natin mangyari sa ating bansa. Alam niyo hindi naman ganito kagulo ang Pilipinas bago siya umupo. E ngayon, parang napaka gulo na diba parang...imbes na sinasabi nga niya na yung sitwasyon ay okay maayos na yung Pilipinas, hindi e tatakutin e na ito andirito sila kailangan natin ng ganito. Well, kailangan natin mag salita at tumindig para sa tama.

RAVELO: Sir isa na lang, yung rape joke ni Presidente anong msasabi niyo duon?

TRILLANES: Diyan mo makikita na may deperensiya sa pag iisip talaga itong si Duterte. Alam niyo yung mga ordinaryong tao, yung mga lalaki kahit mga tambay sa kanto hindi pinagbibiruan ang rape. 'Yung may mga deperensiya sa isip 'yan yung nagsasabi niyan e. Napakamanyak mo siguro mag isip kapag ganyan. Ngayon imaginine mo ini-encourage mo yung mga sundalo na mang rape kayo kahit mang rape kayo okay lang sagot ko yan okay sa akin.

RAVELO: Pero sinasabi biro lang daw ba't naman seseryosohin..

TRILLANES: Hindi, hindi yun e. Unang-una presidente ng Pilipinas, commander in chief, kausap mo yung mga sundalo na imbes na sinasabihan mo, oh magmamartial law tayo pero parang papakita natin na tayo ay disiplinado, tayo ay professional na hindi natin abusuhin yung mga karapatan ng mga mamamayaan yun ang dapat niyang ibibigay at sasabihin niya pagkamay nag abuso sa inyo mananagot kayo sa akin. Dapat ganun e pero baligtad grabe mang rape kayo sagot ko 'yan. Saka well let me remind Mr. Duterte, hindi ka nakapwesto diyan habambuhay mananagot at mananagot ka at hindi lang yan yung mga pag aabuso, masusunod sa iyo na mang aabuso ng karapatan mananagot din yan hindi mo kayang arborin yan. Kaya...sana yung mga sundalo wag sila magpabola at yung mga ibang pulis nagpabola e. Komo sasagutin daw sila kaya ginawa yung mga pagpatay well mananagot sila later on. In fact ngayon nga yung iba nararasuhan na yung iba hindi naman nasasagot ni Duterte. So, sana wag magkamaling sumunod yung mga AFP diyan sa pagre rape na enganyo ni Duterte.

RAVELO: So Sir aabangan po namin yung mga mangyayari bukas ano ho.

TRILLANES: Opo.

RAVELO: Salamat po Sir. Salamat po.

TRILLANES: Salamat Nimfa.

News Latest News Feed