Press Release
May 30, 2017

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference

Q: On resolution of majority supporting Martial law in Mindanao, malabo na yung joint session talaga?

Villar: Ang intindi namin, I don't know ha, I'm not a lawyer. But binasa ko yung provision ng law, ang intindi ko, the Senate will decide whether they will go on a joint session. Parang ang joint session, if you want to revoke. But if you're not going to revoke yung Martial law, there's no need for a joint session. And whether you will revoke or not, it's majority of the votes, simple majority. So may simple majority kami.

Q: Doon sa briefing kahapon satisfied naman kayo?

Villar: Okay naman. Dumating naman si Secretary Lorenzana saka iyong ating adviser, si Esperon.

Q: Nakita ninyong valid ang naging basehan sa declaration?

Villar: Yes.

Q: Nagbigay ba sila ng assurance na bago matapos ang 60 days, mano-normalize na ang situation?

Villar: In fact, they are assuring us that they can do Marawi next week. But of course, they want to see to it kasi iyong extremist group hindi lang naman sa Marawi. May base sila sa Basilan, may base sila sa Mindanao and other parts of ARMM. Gusto din nila na maayos din lahat iyon to take advantage of this para magkaroon sila ng mas aggressive campaign against extremist groups. But Marawi, they see that they will be able to clean up Marawi by next week. Kaya lang syempre may tatakas pa diyan, pupunta sa ibang lugar. Baka naman iyong ibang follower nila sa ibang lugar gumawa pa ng gulo. Gusto nila we will have time to look at Mindanao as a whole.

Q: Does it mean, kunwari malinis yung Marawi by next week, it doesn't mean mali-lift na ang Martial Law?

Villar: Gusto nilang magkaroon ng program sa buong Mindanao na iyong mga supporter nito in other places in Mindanao, magkaroon sila ng opportunity to operate.

Q: What about the likelihood of extension?

Villar: Wala naman silang sinasabing extension.

Q: May shorten?

Villar: Wala rin silang sinasabing shorten basta we are talking of 60 days.

Q: Inassure ba nila na walang abuses na mangyayari?

Villar: Kasi ngayon ang martial law is very different from the martial law of before. Today ang martial law, nandiyan ang Congress, functioning ang legislature. Nagpa-function ang courts. Nagpa-function ang free media, press. Noong araw ang martial law walang free press, walang legislature, walang courts. Ibang-iba ngayon. It is provided for in the new Constitution. Parang ang nag-iba lang before kapag may problem sa isang lugar, it's the police who will take care of it. Ngayon inallow ang military to help the police take care kasi tingin nila may rebellion, gustong i-take over ang isang syudad sa Mindanao. Iyon ang difference.

Q: Satisfied kayo?

Villar: Okay naman. Alam naman natin. And iyong Mindanaoans sa Senate, sila na mismo ang nakikiusap kasi nahihirapan din sila.

Q: Kahapon sa briefing may senator ba ang nag-express na kung pwede less than 60 days?

Villar: Syempre iyong minority gusto nila iyon. That's understandable.

Q: Ano po ang reply ng security officials?

Villar: Kasi gusto rin nila na magkaroon ng time to look at Mindanao as a whole at mapara itong extremism na ito. They are not looking at it na limited sa atin sa Pilipinas, marami iyang supporter abroad. In fact, tingin nila kaya nagiging aggressive para makita ng people abroad para masuportahan sila dito. Kumukuha din sila ng credibility para they will get support from yung mga ISIS abroad, which is bad for us. Nabibigyan sila ng resources to fight in our own land.

Q: Iyong joint session, sa tingin ninyo mapu-pursue?

Villar: Tulad ko, binasa ko yung law, ang interpretation ko doon kapag ire-revoke, mag-joint session. That's the place to revoke it. But if you're not going to revoke it, if majority of the legislators do not want to revoke the order of martial law then there's no need for joint session.

Q: For the sake of discussion daw infront of the public?

Villar: Eh di mag-discuss sa Senate, mag-discuss sa House. You are allowed to discuss it. They can deliver privilege speeches, they can ask questions. Pero kapag nagbotohan, majority wins.

Q: At least makakapagsalita sila.

Villar: Oo, wala namang pumipigil.

Q: Sinabi nyo po kanina iyong Martial Law is used para mag-warning sa sympathizers?

Villar: I think so. One of the reasons why is, kasi alam mo you have to understand na itong extreme groups na ito may mga sympathizer sa ground. Mga kamag-anak nila, nakikinabang sa kanila, may mga local officials na sympathizer din sila. At least kapag nag-declare ka ng Martial law, matatakot sila kasi that means you mean business. Hindi na ito yung parang okay lang. Ngayon parang serious business na ito. So baka ang atin, mabawasan ang sympathizers on the ground kasi paano naman nakarating sa mga barangay na iyon nang hindi natin alam? Meron din silang sympathizer sila doon na itinatago sila. Iyong mga bahay-bahay na pinagtaguan nila, kasabwat iyon diba? Ngayon ang mga bahay na iyon maa-identify mo and kasali sila doon, they are supporting yung mga rebels. That's against the law.

Q: Ano ang kalimitang problema ng military at police ngayon sa supplies, logistics, wala silang nadiscuss kahapon?

Villar: Wala.

Q: Well-provided naman lahat?

Villar: At saka kung hindi man sila well-provided I'm sure mare-realign naman nila ang budget nila towards that. And then iyon namang support sa evacuees DSWD naman iyon at DOH. Iyong mga social program naman nila will take care of that. In fact, nag-press release ang DSWD, they are ready to give away 40,000 family packs kasi iyon ang estimate nila ng families.

Q: Wala silang hinihinging suporta from Congress?

Villar: Wala. Meron namang pera ang DSWD.

Q: Paano ang mga establishments? Investors?

Villar: Marawi? I think ang investor sa Marawi taga Marawi din. Ang Marawi hindi naman a place na pinupuntahan ng outside investors. Ang usually nagi-invest doon iyong mga taga Marawi.

Q: What about iyong fear na sinasabi ni Pres Duterte na he might declare Martial law sa buong Pilipinas?

Villar: Sa tingin ko parang press release lang iyon para kumalat pa. Ibig sabihin, warning iyon.

Q: Hindi po ba nakaka-alarm ang ganoon?

Villar: Ako kasi I came from a local constituency maybe I can understand mayors more than the others kasi kung ikaw ay senador na nag-senador ka, didn't come from a local constituency, maybe you cannot understand President Duterte. But me, I came as a local official, congresswoman. Iba talaga sa local, iba sa national.

Q: May nabanggit bang mga local officials?

Villar: Tingin nila meron. Kaya they have to be careful.

Q: May ipa-file na kaso against them?

Villar: Siguro kung ma-prove nila. Kasi remember, this Martial law, meron pa ring rule of law. Hindi pwede pa rin yung basta ikukulong mo lang, walang basis. Magpa-file ka din ng case. Ibang-iba ang martial law noon kaysa ngayon.

Q: Anong support yung binigay ng local official, is it money?

Villar: Sa tingin ko ang money nito nanggagaling abroad. Baka nga kaya sila supportive meron silang pakinabang din.

Q: Incumbent local officials ito?

Villar: I think so. Hindi ko sinasabi na mataas. Maybe sa barangay. Kasi they were able to hide in a barangay. Ikaw ba may barangay ka, may pumasok doon na rebels, is it possible na hindi mo alam iyon?

Q: Pinangalan ng national security officials iyon?

Villar: Hindi.

Q: Pero may binabantayan sila na local government officials?

Villar: Wala silang sinabi. Basta tinitingnan nila iyong support ng local officials.

Q: Bine-verify pa?

Villar: Oo, syempre. Kasi laging ini-issue human rights. Hindi naman natin pwedeng sabihin agad na guilty sila unless we have proof kasi sasabihin na naman nila biniolate mo iyong human rights.

Q: Tahimik yata ang CHR?

Villar: Kasi, ikaw tatanungin kita, sino susuportahan mo dito iyong Maute o iyong ating AFP? Ikaw as a person, that's the choice diba? Kaya siguro tahimik sila. Remember these are rebels, and extreme. Pinapatay nila, iyon nga daw baker, walo pinatay pinugutan ng ulo.

Q: Iyong sinasabi mga Christian ang pinapatay?

Villar: Kung ikaw naman tinatanong nila kung ano religion mo, sabihin mo Muslim ka na para huwag kang patayin. Paano gagawin mo sa takot mo na lang doon.

Q: Paano kung ipa-recite ang Quran?

Villar: Iyon ang problema. Nakalimutan mo sa takot.

Q: Niyayaya kayong bumisita sa Marawi?

Villar: Sino? Hindi, sabi ng military give them another week mano-normalize nila ang Marawi. Pero hindi ako pupunta sa Marawi. Baka imbes na makatulong ako, makagulo pa ako doon. Problema pa ako kapag ako ay nakidnap doon, malaki pa nilang problema. Nag-send na kami ng tulong. Mas gusto naman nila iyong tulong kaysa ako. Nag-send na kami sa mga evacuation centers sa Iligan. Ang question nga eh kung sino ang pupunta sa Marawi. Madaling mag-relief sa Iligan pero sa Marawi sino ang pupunta doon? Kaya nga ang nagpupunta ngayon doon ay iyong DSWD na ARMM. Hindi iyong DSWD ng Region 10. Iyong DSWD Region 10 nasa Lanao del Norte. Iyong DSWD ng ARMM ang nas Lanao del Sur.

Q: Kahapon sa briefing, na-confirm ba nila na may mga foreigners?

Villar: Merong foreigners na kasama.

Q: Mga ilan daw po?

Villar: Hindi ko na pinakinggan kasi malabo iyong listahan saka mahirap na iyong marami kang alam.

Q: Napatay?

Villar: Hindi ko alam kung napatay pero definitely may foreigners. Kasi noong mangyari iyon, may get together doon iyong mga movement , nag-meeting sila sa Marawi kaya meron.

Q: Anong nationality?

Villar: Parang Southeast Asia. Indonesian, Malaysian, Singaporean.

Q: This afternoon ano magiging discussion sa Martial law?

Villar: Siguro sasabihin ng minority gusto nila ang joint session. Tapos magbobotohan. I don't know. Sa tingin ko ganoon.

Q: Iyong sinabi ninyong foreigners kasama ng Maute?

Villar: Kasi organization sila, may foreign may local. Syempre merong napunta diyan. Diba iyang si Marwan hindi naman siya Filipino. Meron na diyan mga Muslim from other countries. This is an international movement diba galing Syria, ISIS, Independent State of Syria and Iraq.

Q: Talagang kino-conside na nilang terrorist group ang Maute?

Villar: Of course.

Q: Nadiscuss ba gaano kalaki ang possibility na mag-escalate sa ibang lugar?

Villar: Parang hindi naman. Gusto lang nila Mindanao para maayos; to look at it na overall perspective, do something para hindi mag-escalate.

Q: Nadiscuss ba na failure ng Duterte admin?

Villar: Hindi naman. Hindi ba huhulihin nila si Hapilon kaya lang nagulat sila na maraming sumusuporta. Kaya naman nag-start ito huhulihin si Hapilon. Pero wala namang failure of intelligence kasi alam nilang nandoon.

Q: Parang tumataas ang presyo ng bawang?

Villar: Mag-iinvestigate na kami. Kasi ang bawang from our previous investigation, talagang mura lang ang bawang. In previous investigation namin, P17 ang landed cost ng imported bawang. Based on our investigation before, ang farm gate prices ng bawang sa Ilocos Norte is P40 per kilo. So you would say na with P100, okay na iyon. Bakit nagtataas ng mga P200? I think kina-cartel na yan.

Q: Ano na ba ang batas?

Villar: Meron na tayong anti-competition law diba? Meron na tayong anti-competition commissioner. Alam mo naman, baka sakali makalusot. Kasi alam mo we consume 10,000 kilos of bawang every month, 120,000 kilos every year. Imultiply mo iyong 10,000 by P100, P1 billion. Kapag minultiply mo ng 200, P2 billion iyon. Ikaw ba naman, kikita ka ng P2 billion, hindi ka magta-try? Baka sakaling makalusot kung palulusutin. Malaki ang kita eh. Ma-overprice mo lang ng 100, P1 billion ka, maoverprice mo ng 200, P2 billion. Masama pa ba iyon? Kaya iyon ang reason doon kaya we should always remember that para bantayan.

Q: May nakikita pa ba kayong ibang solution kasi sufficiency pala ang problema?

Villar: Kasi kung ikaw naman ang trader, ayaw mo namang maging sufficient sa bawang kasi hindi mo na maka-kartel. Kaya in a way, pinapatay din nila ang industry para sila na ang may kontrol sa industry. Kung ikaw ang kumikita, matigas. Kaya we should always be there to investigate. Everytime may sign na ganoon.

Q: Kahit po naka-break?

Villar: Yes basta na-file mo ang resolution before the break, I can go. I'll do it na lang after the break kasi ngayon maraming trabaho pero after the break wala na kaming session, puro investigation na lang.

Q: Pero sa tingin ninyo tataas pa?

Villar: Tinawagan na namin iyong nagmo-monitor. Dapat diyan DTI, price monitoring. Tinawagan ko na na mag-price monitoring sila. Syempre magta-tary. Ang titingnan nila, kung pababayaan natin. Last time noong nag-try sila tumaas ng P300, tinanggal iyong head ng Bureau of Plant Industry. Kasi sila ang nagbibigay ng import permit.

Q: Baka mahina ang enforcement ng batas?

Villar: Titingnan natin kaya tayo maghi-hearing para makita natin saan na naman tayo nagkulang.

Q: Ongoing iyang pagtaas ng bawang?

Villar: Bawang, sibuyas, ganyan naman iyan. Kung may chance, gagawin talaga nila, very profitable.

Q: Parang artificial lang ang shortage?

Villar: Tingin ko kasi mura lang ang bawang sa abroad. Landed cost is P17.

Q: Imported na lang kasi mas mura?

Villar: Oo nga kaya lang ang cost daw ewan ko kung nagkamali itong Mariano Marcos, kasi nag-garlic conference sila P14 lang ang cost sa farm. Kaya lang syempre kapag umalis sa farm, mas mahal. Sabi niya P85,000 pero 6 tons, P14 lang yun.

Q: Pero sa market mahal na?

Villar: Kaya nga it's worth it na magtanim na lang. Kasi kung P14 lang ang cost, tapos mapagbibili mo ng P100, profitable na iyon. Nagtataka nga ako bakit ayaw magtanim.

Q: Kahapon sa Benham Rise, we will ask for additional fund sa DA para magtayo ng research station doon sa Benham?

Villar: Oo, P5 billion para magtayo sila ng hindi lang research kundi para mapakinabangan din ang fishing sa Benham Rise. Kasi it's a source of food for us. Hindi naman natin tinitingnan ang Benham Rise or Philippine Rise sa other thing but as a source of food for the Philippines.

Q: Kelan natin iniexpect na mapapakinabangan ito?

Villar: At least may tinitingnan tayo na in the future. Minsan nga maganda na hindi nararating para hindi nasisira.

News Latest News Feed