Press Release
July 11, 2017

Transcript of the Interview of Senator Nancy Binay

Question: (not recorded)

Sen. Nancy Binay: I support yung call ni Sen. JV (Ejercito) na sana bago mag-expire yung Martial Law, magkaroon muna kami ng security briefing para kahit papaano meron naman kaming pagkukunan kung ano yung magiging desisyon namin whether to extend or not to extend. Pero syempre importante muna kung may request ba ang Malacanang for extension kasi kung wala namang request e di wala rin kaming tatalakayin.

Question: Ma'am kaugnay nyan, sinasabi ni Speaker Alvarez na parang hindi enough yung two months, baka daw pwedeng hanggang 2022.

Binay: Siguro nga tingnan muna natin kung ano yung mangyayari sa security briefing bago siguro natin bigyan ng timeframe yung pagkakaroon ng Martial Law kasi alam ninyo sakin ang concern ko talaga bilang chairwoman ng Commitee on Tourism, talagang naaapektuhan ngayon yung industriya ng turismo pagdating dito sa usapin ng Martial Law. Magandang ngang pag-aralan din baka pwedeng i-ano (restrict) hanggang Lanao na lang yung coverage ng Martial Law. Siguro magandang pag-aralan kung ano ba yung mga options namin pagdating sa Martial Law.

Question: About dun sa tourism actually ma'am, sabi ng DOT, Department of Tourism, madami na raw ang nagcancel ng trips from September (to) October. Hindi yung ngayon, pero yung September to October dahil sa Marawi siege nga rin. So we're losing much because of this one.

Binay: Oo kasi marami yung multiplier effect ng industriya. Napakalaki, ang laki ng kontribusyon ng turismo sa GNP natin. So talagang naapektuhan, maraming nagrereklamo ngayon, for example, may nakausap yung kakilala ko, taxi driver sa airport nagrereklamo ngayon kasi nabawasan na yung mga turista na, kumbaga, yung mga customer nila nabawasan.

Question: Sa inyo ba ma'am may lumalapit, parang travel agencies na tourism related yung business na ganun din, umaapela na baka pwedeng aralin muna ng mabuti bago magkaroon ng panibagong declaration (unintelligible) mga ganun.

Binay: Wala pa naman. Pero balak ko ngang magpa-hearing siguro sa pag resume ng session kung ano ba yung alternative na pinapaplano ng DOT para, since meron nga tayong problemang ganito ngayon sa Mindanao, kung ano yung fallback plan nila.

Question: Pero ano yung parang feedback,parang ayaw nilang magvisit sa Philippines because (unintelligible)

Binay: Ang feedback ano, natatakot. Feeling nila kahit Metro Manila feeling nila may giyera na nangyayari, when technically sa Marawi lang naman talaga.

Question: Ma'am, yung sa SONA lang, expectations ninyo after one year na sasabihin ni Pangulo na accomplishments niya sa darating na SONA.

Binay: Number one kung ano yung mga achievements ng pamahalaan pagdating doon sa kung papaano napaginhawa yung buhay ng ating mga kababayan. Ano yung mga proyekto na napatupad within that year.

Question: So far anong gain ang nakikita ninyo after one year ni Pangulong Duterte?

Question: Positive output na masasabi o achievements ng Duterte administration doon sa first year?

Senator Binay: I think, unang-una, iyong project na Build, Build, Build. Iyon talaga ang makakapag-stimulate ng ating ekonomiya. So, iyon, for me, ang landmark.

Question: Doon naman po sa mga kailangang improvements ng mga programs ng goverment natin? O ng administration? May nakikita ba kayong kailangang i-improve o hindi naman kailangan i-stop o may kailangang i-stop...

Senator Binay: Ako siguro, sana ma-fill up na ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan kasi it has been a year at marami pang mga vacant positions. For example na lang sa Housing sector. Ang dami pa doon ang hindi pa na-fill up na position.

Question: Mayroon po ba kayong data kung ilang percent?

Senator Binay: Hindi ko sure... Pero wala pa atang 50 percent ang hindi na-fill up.

Question: Ano ang nakikita mong effect dahil dito sa mga unfilled positions?

Senator Binay: Unang-una, iyong mga board meeting. Siyempre iba pa rin kung walang ulo ang isang ahensya. Baka nagkakaroon din ng delay doon sa services lalo na iyong mga hold-over capacity. Hindi siyempre ayaw naman nilang nagdedesisyon kasi nga hold-over lang position nila. Hindi naman sila permanent pa.

Question: Kay Senator Trillanes, do you support the Ethics complaint?

Senator Binay: Tignan natin, depende siguro kung may complaint at kung may basehan talaga ang complaint.

Question: (unintelligible)

Senator Binay: Hindi ko alam. Hindi na kasi ako nakikinig kapag siya ang nagsasalita.

Question: Hindi ka na interesado?

Senator Binay: Mukhang hindi na. Waste of time.

Question: Did you feel offended noong sinabi niyang puppet ang Senate under the Duterte administration?

Senator Binay: Hindi na nga ako nakikinig kapag nanggagaling sa kanya so... Wala.

Question: Hindi ba kayo affected?

Senator Binay: Not affected.

Question: Nawawalan kayo ng gana sa kanya?

Senator Binay: Hindi. Parang mas marami pang dapat pagtuunan ng panahon at dapat pakinggan.

Question: Hindi ka nakikinig kasi parang walang basis? Puro negative?

Senator Binay: Wala. Parang... Not productive so iba na lang dapat pagtuunan ng panahon.

Question: Your expectations sa Senate sa pagpasok ng bagong... Nitong after ng SONA dahil ang sinasabi ang first year daw is very divided at puro imbestigasyon...

Senator Binay: Pagbalik? Sana hindi na ganoon ka-divided, tapos tuloy-tuloy lang ang trabaho. Nakita ninyo naman na kahit papaano, kahit may ganoong mga issues among us ay marami naman kaming naipasa.

Question: Ano ang mga itutulak ninyong panukala, Ma'am?

Senator Binay: Ako, No. 1 pa rin ang... Sana ma-amend na ang Violence Against Women and Children (VAWC). Since the previous Congress pa. Sana makasama na ang electronic Violence Against Women and Children and siguro more pa doon sa Tourism kung papaano natin matutulungan ang industriya ngayon.

Question: Okay.

News Latest News Feed