Press Release
July 20, 2017

STATEMENT OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SENATOR FRANCIS PANGILINAN ON PRESIDENT DUTERTE'S PROMISE ON THE COCO LEVY FUND

Ngayong nalalapit na ang pagsisimula ng sesyon sa Kongreso, nasasabik tayong magpatuloy ng ating trabaho upang maipasa ang mahahalaga at makabuluhang mga batas para sa ating mga kababayan. Isa sa mga batas na kailangan ng pagtutok ng Kongreso ay ang panukalang gawin ang Coconut Levy Trust Fund.

Nitong nakaraang kampanya, nangako si dating Mayor at ngayo'y Pangulong Duterte, sa harap ng mga magniniyog, sa agarang pagpasa ng panukalang batas na ito. Isang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin ito naipapatupad gaya ng inaasahan. Umaasa tayo na sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, ay itutulak niya ang mabilis na pagpasa ng panukalang batas para sa Coco Levy Trust Fund at hihikayatin ang mga kasamahan natin sa Kongreso na gawin itong prayoridad.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin sa second reading ang ating SB 1233 o ang Coconut Farmers and Industry Development Act sa Senado. Sa Kamara naman, nakabinbin ito sa Committee on Rules.

Apatnapu't anim na taon na mula nang ipataw sa ating magniniyog ang coconut levy. Marami-raming pasko, bagong taon at birthday na tayong napapaligaya ng buko salad mula sa magniniyog. Huwag na sana nating paabutin hanggang limampung taon pa ang kanilang paghihintay. Sana matapos na ang deka-dekadang nang kalbaryo ng ating mga magniniyog. Pagkakataon na nila upang makabangon mula sa kahirapan. Oras na para magtrabaho. Ipasa na ang ang Coco Levy Trust Fund Bill.

News Latest News Feed