Press Release
July 24, 2017

Sen. Bam on free college education, tax reform package, national land use act
(Transcript of media interview after SONA)

Hindi ko narinig ang panukala nating gawing libre ang tuition fee sa ating state universities and colleges (SUCs). I was really waiting for that, akala ko babanggitin niya pero hanggang K to 12 lang ang nabanggit. I am still hoping na mapipirmahan ito within the next couple of weeks baka may pag-uusap sila sa Gabinete.

Of course, iyong death penalty tutol kami roon. Iyong tax reform package, sa totoo lang po, mukhang mahaba-haba pa ang debate sa tax reform package. Palagay ko naman, we owe it to the Filipino people na kilatisin iyon kasi at the end of the day, tataas din ang presyo ng ating bilihin. The President requested na in total ang tax reform package.

Overall, may mga bagay-bagay na nagustuhan natin. Nagulat ako doon sa national land use act na matagal na nating tinutulak. Pero may mga bagay-bagay din na palagay ko, hindi rin ganoon kabilis at hindi ganoon kadali dahil sa Senado, kailangang nating pag-usapan upang ang mailabas nating batas iyong naaayon at nararapat sa taumbayan.

News Latest News Feed