Press Release
August 14, 2017

[MANIFESTATION] On the Senate concurrence of ILO Convention 151

Isang matagumpay na hapon!

Kaisa ng mga manggagawa sa pampublikong sektor at bilang isa sa mga co-sponsor, nagagalak ako sa pagsang-ayon at ratipikasyon ng Senado sa ILO Convention 151.

Ang tagumpay ng ratipikasyong ito ay bunga ng apat na dekadang pagod at paggigiit ng mga manggagawa sa pampublikong sektor para sa kanilang interes at karapatan.

Harinawang panimula lamang ito ng Senado--kasama ng liderato at kasapian nito--sa patuloy na pagbibigay pansin sa kalagayan at kagalingan ng mga manggagawa sa pampublikong sektor.

Makakaasa ang mga kasamang manggagawa sa pampublikong sektor na kaisa niyo ako sa Senado hindi lamang sa tagumpay na ito kung hindi sa marami pang laban para sa disenteng trabaho, propesyunal na burukrasya at mabuting paggugubyerno.

Maraming Salamat!

News Latest News Feed