Press Release
August 20, 2017

Sen. Grace Poe's speech
FPJ's 78th birth anniversary, Manila North Cemetery

Magandang umaga sa inyong lahat. Tayo-tayo pa rin ang nandito. Maraming salamat,Tonton, sa pag-awit ng dalawang paboritong awitin ni FPJ. Parang may mensahe ang mga kanta--"May Bukas Pa" at "Kapalaran" natin.

Maraming salamat sa ating mga kapatid na Muslim na naririto, nag-observe lang sila ng misa. Salamat sa respeto.

Nais kong batiin ang aking mahal na ina--mom. Ang mga kapatid ng aking ama, si Auntie Beth at Uncle Freddie.

Maraming salamat sa mga kasama natin ngayon, lahat kayo ay naririto pa rin kahit ilang taon na.

Nandito rin ang grupo ni Norayza, mula Marawi pa. Kami ay nakikiramay din sa inyong pinagdaraanan, pero kahit paano ipinapaabot natin ang ating makakaya dun sa lugar, pero patuloy pa rin dapat ang ating pagdarasal.

[Manood kayo mamaya ng ASAP Live. Lahat ng kanta sa pelikula ni FPJ ay kakantahin doon]

Maraming salamat, Fr. Larry. Sa iyong palaging inspiring and uplifting homilies, mga salita ng Diyos na ginagawa mong relatable sa ating lahat. Tama ang sinabi ni Fr. Larry, paminsan-minsan ay hindi natin maiiwasang umiyak.

Sa mga sitwasyon, ang importante ay hindi tayo mawalan ng direksyon kung ano ba talaga ang tama at nararapat at ipagdasal natin na we remain courageous and compassionate. Yun ang dalawang bagay--na hindi tayo maging duwag at hindi tayo mawalan ng awa at pagmamahal dahil pag meron tayo nun kahit na napakahirap ng hamon ay tatayo at tatayo tayo at ipaglalaban natin kung anong nararapat at tutulong tayo lalung lalo na sa mga mahihirap at walang boses. Si FPJ, hindi lamang sa pelikula nakipaglaban sa katarungan. Sa tunay na buhay, ang katarungan ay ibinigay sa mga nangagailangan. Hindi lang naman palaging boxing lang si FPJ--tulong rin sa may sakit, tulong rin sa matatanda, tulong rin sa mga may problema sa batas na kailangan ng representasyon. Sa inyong lahat na hindi nakakalimot sa inspirasyon at turo ni FPJ, maraming maraming salamat po.

News Latest News Feed