Press Release
August 23, 2017

Poe on inviting Comelec Chair Andy Bautista to the next hearing

Mr. Chair siguro nararapat na kung magkakaroon tayo ng pangalawang pagdinig marahil ay mas makakatulong sa ating imbestigasyon kung ang mismong pinaguusapan nating depositor dito ay maimbitahan sapagkat lahat naman ng ito ay sinabi rin niya sa telebisyon. Hindi ko alam baka yung iba diyan closed account na, yung iba baka hindi. Pagkakataon niyang depensahan ang kanyang sarili at sabihin kung ano ba talaga dito ang kanya at ano ang hindi. Sinabi naman niya na galing iyan sa lehitimong hanapbuhay ng kanyang pamilya. Pagkakataon niyang patotohanan iyon sa pagdinig kung saka-sakaling mamarapatin ninyo na imbitahin siya. (Transcript at Senate Committee on Banks hearing)

News Latest News Feed