Press Release
August 24, 2017

PAHAYAG NI AKBAYAN SENATOR RISA HONTIVEROS UKOL SA MGA TESTIGO SA PAGPATAY KAY KIAN LOYD DELOS SANTOS

Sa simula pa lang, when my office took custody of the witnesses, it was in response to the request of these witnesses and their families, and even the family of Kian to protect them from the threats that they have been receiving.

In fact, ang mga guardians ng mga menor de edad na testigo ay pumirma ng mga consent forms na ipinagkakatiwala sila sa aming pangangalaga.

Ngayon, kung tingin ng pamilya ng ilan sa mga testigo na nasa aking pangangalaga ay mas mapapangalagaan ang kanilang kaligtasan sa iba, lubos nating igagalang ito.

Sa dulo, ang ultimong desisyon ay nasa mga witnesses at kanilang pamilya.

Ako lamang ay nagugulat sa biglang pangyayari. Mukhang may mga pwersang gumagalaw para kunin ang mga testigo, i-undermine ang kaso at limitahan ang accountability sa panig lamang ng mga pulis.

Una, ako ay lubos na nababahala sa mga pahayag ng PAO at DOJ.

Ako ay nababahala sa pahayag ng PAO ng wala daw extrajudicial killings sa ilalim ni Pangulong Duterte. Nakakabahala ito lalo na at sila ang humahawak sa kaso ni Kian, na by all indications point to a clear case of extrajudicial killing.

Nakakasulasok naman ang testamento ng DOJ na "blown out of proportions" ang kaso ni Kian lalo na at gusto nila isalalim ang mga testigo sa kanilang witness protection program. Paano nila poprotektahan ang mga testigo kung sila mismo ay hindi naniniwala sa kaso?

Kayo ba, ipagkakatiwala ninyo ang buhay n'yo o ng inyong mga anak kay Secretary Aguirre, na siyang nag-downgrade ng kaso ng mga pulis na pumaslang kay Albuera Mayor Espinosa? Na mas naniniwala sa testimonies ng mga bilanggong drug lords kaysa sa mga batang testigo?

Tulungan ninyo po akong bantayan ng maigi ang kasong ito. Maging mapagmatyag tayo. Panagutin natin ang lahat ng dapat managot sa pagpatay kay Kian Delos Santos, mula sa mga tiwaling pulis, sa abusadong polisiya ng war on drugs, hanggang sa pinakamataas na pinuno who inspired and encouraged this culture of killing and impunity.

News Latest News Feed