Press Release
August 24, 2017

Grace Poe grills police on identity of person seen on CCTV
Public order committee hearing

Poe: Kayo ba yung dalawang humahawak kay Kian na nakita sa CCTV camera, para lang malinawan?

PO1 Jerwin Cruz: Your honor kami po yung dalawang nasa CCTV, pero yun pong sinasabi pong si Kian ay hindi po si Kian yun, yun po ay aming asset, alpha pa po namin yun.

Poe: So yun yung inyong asset na pwede ninyong dalhin dito?

Jerwin Cruz: E sa ngayon po kami'y naka-custody, siyempre po yung nag-aasset po sa amin ay natakot din po. Sa ngayon po naka-custody po kami siyempre maaari pong natakot din po yun.

Poe: Gusto ko lang malinawan kasi lahat itong pagdinig na ito ay nakasalalay dun sa nakita natin, sinasabi ninyong dalawa na yung sa CCTV, hindi si Kian yun.

Jerwin Cruz: Your honor, opo.

Poe: Pero nandoon kayo at nakita ninyo si Kian? Wala sa CCTV, pero nandoon sa operasyon ninyo?

(Lawyer introduced himself)

Poe: Iklian ko lang ito Mr. Chair, so dun sa operasyon na ito, kayong dalawa, nakita ninyo si Kian?

Jerwin Cruz: Your honor si Kian po ay hindi po namin siya kilala.

Poe: Pero nakita niyo yung hitsura ngayon nung bata, yung napatay. Siya ba yung nandoon sa kalye na nakita ninyo na nabaril?

Jerwin Cruz: Your honor, nung nakita na lang po namin siya doon na po sa may pinangyarihan na po.

Poe: Doon na lang ninyo siya nakita? So nung hinahatak ninyo yung asset ninyo, bakit ninyo hinahatak yung asset ninyo ng ganun kung asset ninyo yun?

Cruz: Kasi po your honor, yung alpha po namin, yung asset po namin, e ayaw po niyang masunog. Ayaw niya pong makilala dun na may kasama siyang pulis na may ituturo. Pinoprotektahan din po niya yung sarili niya at yun ang sinabi niya sa amin na siya'y icover namin para hindi siya makilala na may kasama siyang pulis.

Poe: So nandoon kayo, hindi ninyo kilala kung sino yung bumaril? Puwede naman ninyong sabihing kilala niyo pero hindi niyo sasabihin. Puwedeng hindi ninyo muna sabihin kung sino, puwede kayong magrequest ng executive session, puwede ding basta lang sabihin ninyo na kilala ninyo yung bumaril. Nakita ninyo?

Jerwin Cruz: Your honor, I invoke my right...

Poe: So siguro nga nakita ninyo. Isa na lang, yung baril na nakita kay Kian, totoo bang nasa left hand niya?

Jerwin Cruz: Your honor base po dun sa SOCO saka po dun sa PAO investigation ay nasa left

Poe: Pero si Kian alam nating lahat, nababanggit ay right-handed. Yun lamang po, Mr. Chair, maraming salamat.

News Latest News Feed