Press Release
October 4, 2017

Interview of Senator Maria Lourdes Nancy Binay
Senate of the Philippines

Sen. Nancy Binay: Yun na nga e, may government money pero kasi pag consultant ka, hindi ka nga required to file your SALN so may ganung difference. So gray area talaga, may leeway, may ganung room, may elbow room, baka nga hindi clear kung covered ba nung Code of Conduct.

Question: So what would you suggest?

Binay: Magandang pag-aralan kung anong amendment kung ano yung pwede gawin natin (unintelligible) sa isang hearing we can invite the Civil Service.

Question: Ma'am malinaw ba yung naging sagot ni Mocha dun sa sinabi na dapat siyang mamili whether blogger or ...

Binay: Hindi ko alam, sumagot ba?

Question: Hindi nga e.

Binay: Itanong ninyo na lang mamaya.

Question: (unintelligible)

Binay: Siyempre ako naman suggestion lang, di ba, it's just an advice. I also have to respect the Executive department, we belong to different departments. So call na nung agency kung papaano iti-treat itong issue sa kanya.

Question: (unintelligible) Sinabi na ng PCOO na wala kaming kinalaman dun sa personal (unintelligible)

Binay: Ako nga ang posisyon ko nga, moving forward na tayo. Since nagiging issue at naaapektuhan na yung opisina kaya kailangan na siyang magdesisyon, gusto ba niyang maging blogger or gusto niyang maging Asec. Siguro kasi ang hirap ng office niya, communications office yun e. Yung kay Ms. Anderson nga parang pwede pa, kasi di ba, BOC naman siya so walang aspect ng communication. But this one, the office itself is taga-deliver ng balita.

Question: Ma'am, ano po sa tingin ninyo yung pwede ninyong magawa para po mapigil ang fake news?

Binay: If I remember it right, naghearing na nga kami ni Sen. Bam baka maging curriculum na siya ng DepEd, how to teach the next generation how to be more discerning para malaman nila ano ba yung difference ng fake news at hindi. So I guess that's one step.

Question: So yung paglegislate ng right to reply (unintelligible)

Binay: Dapat pag-aralin din kasi siyempre, lalo na kami. Kami lagi yung naaapektuhan.

Question: Ma'am ano yung reaction mo doon sa proposal ni Professor Hilbay na mag-create o magtalaga, yung proposal niya na magtalaga ng institute of information...

Binay: Siguro nga, baka pwedeng idagdag sa trabaho ng DICT o sa trabaho ng PCOO or pwede ring pag-aralan ngayon dahil may move 'yong right sizing, na isama doon sa right sizing ng gobyerno 'yong paglagay ng ganyang office.

Question: (on bloggers being made to follow the code of ethics of journalists)

Binay: Syempre naman. Lalo na kasi minsan nga mas marami pang followers 'yong bloggers kaysa doon sa mainstream.

Question: (unintelligible)

Binay: I think 'yon na nga ang kailangan nating ma-clarify. 'Yong linya between a government official at saka 'yong blogger. Ang hirap paghiwalayin nong dalawa.

Question: So hindi porke't blogger ka at government official ka ay wala ka nang etiquette?

Binay: Ay hindi. Ako, kailangan magdesisyon ka. Blogger ka ba o government (official)? For example, 'pag abogado ka nga, you are required to not practice your profession. Baka may ganong pangangailangan na hindi mo na i-practice 'yong profession mo.

Question: (unintelligible)

Binay: Maganda kung ganun, kaso lang 'yong how to do it, 'yon din 'yong problema. Paano mo ba mapo-police 'yang mga bloggers na 'yan? Lalung-lalo na nga kung hindi pa nga totoo 'yong identity, 'yong nagtatago sila sa ibang pangalan. Paano mo ngayon hahabulin 'yon. Siguro magandang tingnan kung may technology na ba na kayang ma-capture 'yong ganun.

Question: (unintelligible)

Binay: 'Di ba parang may mga tsismis na kunwari na one peso ata per follower, 'di ba? Kunwari, 5 million followers, pwede kang kumita ng P5 million, 'di ba? Isipin mo, piso lang 'yon pero... May mga ganong tsismis pero I don't know if there is truth to that rumor.

Question: (unintelligible)

Binay: 'Yon na nga 'yong nakakalungkot, 'di ba? The more controversial, mas bumebenta. Sad reality.

News Latest News Feed