Press Release
October 20, 2017

Grace Poe's Interview Transcript DZMM with Gerry Baja and Anthony Taberna on Oct. 18, 2017

BAJA: Si Senator Grace Poe nasa linya po natin mga kapamilya. Senator, magandang hapon po.

POE: Magandang hapon din sa inyo Gerry at Anthony at sa lahat ng nakikinig.

BAJA: Kayo ho pala ang nagpa-contempt sa presidente pala iyon ng fraternity.

POE: Alam mo binigyan ko na siya ng maraming pagkakataon. Ayaw ko namang maglagay ng isa, lalo na medyo bata-bata, na makukulong kaya lang alam mo napakadali lang naman ng tanong ko eh. Iyong una kong tanong na iniiwasan na nga niya, 'miyembro ka ba ng fraternity?' Alam ko obvious ang tanong na iyon, pero for the record, kailangan kong tanungin. Iyong ganoon kasimple, hindi niya sinagot.

Iyong pangalawang tanong ko, 'ikaw ba ang president o chairman o top leader ng fraternity na iyan?' Hindi rin niya sinagot. Binigyan natin ng ilang beses, tinanong ko, paulit ulit. Palagi niyang iniinvoke iyong right against self-incrimination. Sa pananaw naming mga senador, hindi naman kasi iyan makakasama pa sa kaniyang kaso sapagkat, unang una, kung ikaw ay miyembro o ikaw ay pinuno, kung hindi naman talaga ikaw ang mismong nambugbog o nakapatay o nagtago ng ebidensya, wala ka namang pananagutan. Kaso ito, iniiwasan niya nang iniiwasan. Wala naman kaming magagawa, papaano kami seseryosohin kung hindi din namin gagamitin iyong kaukulang kapangyarihan kapag ikaw ay sumuway sa mga regulasyon.

TABERNA: Pero hindi nga ho, katulad nga po noon, si Arvin Balag ay nasa balag ngayon ng alanganin?

POE: Ang sabi ni Senator Ping, kasi siya iyong chairman ng committee, pinag-iisipan pa niya kung san niya ilalagay, kung magiging kasama ni Commissioner Faeldon, doon mismo sa Senado, o pwede din daw kahit nga daw sa Pasay City jail or sa Bilibid pwede siyang ilagay doon. Depende sa lugar na-

TABERNA: --Ipapasya ng Senado.

POE: Kung saan pwedeng paglagyan. Sana na lang sa Senado baka naman mahimasmasan at magpalit ng isip. Ang tingin ko talaga sa kanila nagkakampihan sila pero hindi naman para sa tama ang ginagawa nila. Tapos may mga nagsasabi pang mga dating miyembro na hinihikayat nila na lumabas at magsabi ng totoo. Siguro kung ako mismo si Dean Divina na nandoon ako ay nagsalita na ako at sabihin na 'anak magsabi ka na ng totoo, ano ba talaga iyong nangyari diyan.'

Hindi ba kasi parang mali din naman iyong advice ng mga abogado niya--akalain mo makukulong iyong kanilang kliyente. Magsusumite din naman ng affidavit, ilalagay rin naman niya ang kaniyang katungkulan o ano ang kaniyang partisipasyon, kung hindi siya nagsisinungaling doon sa kaniyang affidavit, at meron kaming ebidensya na kahit doon sa student affairs office ng UST, nakalagay na siya iyong talagang isa sa mga pinuno nitong fraternity na ito.

TABERNA: So ang layunin talaga diyan ay paglaruan po kayo diyan sa Senado. Isip-isipin mo public knowledge naman ito. Actually available ang dokumento that will prove na siya nga ay opisyal ng fraternity. Buti sana kung sinagot man lang iyon eh, iyong mga ibang bagay that will really incriminate him ang huwag niyang sagutin kung iyan talaga ang pasya nila?

POE: Oo kahit si Senator Ping, ingat na ingat iyan na ang mga karapatan mo ay hindi naman mawala. Kaya nga parati niyang pinapaalala, do you have a lawyer present or counsel present, kaya lang ito naman, kahit naman sinong magsasabi, pagiging miyembro lang naman eh. Si Dean Divina nga sinabi niya, isa siya sa mga founding members, isa siya sa mga naging miyembro nito kaya lang on leave diumano siya ngayon. Kaya hindi naman nangangahulugan na guilty ka na. Pero alam mo kung pinapanood ninyo iyong hearing at nakita ninyo iyong nanay doon at iyong tatay, akalain mo pati iyong cellphone at relo ng anak hindi man lang naisauli sa kanila. Tapos makikita mo na nandoon din iyong mga magulang ni Ralph Trangia, iyong may-ari noong sasakyan na ginamit sa pagdala kay Atio sa ospital. Iyong mga magulang hindi ba, alam mo iyong nanay dinala ang anak niya sa ibang bansa noong nagkaroon ng imbestigasyon. Hindi natin sinasabing tama iyon pero makikita mo talaga iyong mga magulang na iyong instinct nila na protektahan ang kanilang mga anak. Kaya binigyan din natin sila ng mga pagkakataon na magsalita. Lahat sila invoking their right against self-incrimination. Kung mayroon mang napatunayan itong hearing na ito, unang una, maraming nagsisinungaling doon. Pangalawa, mas lalo pa nilang dinungisan ang pangalan at reputasyon ng mga abogado kaya nga wala kaming makuhang masyado na impormasyon dahil puro ang mga abogado ng mga ito at mga bata na nag-aambisyong maging abogado--ganyan ba ang gusto nating mga abogado?

BAJA: Nagagamit nga ho nila lalo na iyong mga abogadong nagpapayo diyan na galing sa kanilang fraternity, nagagamit nila iyong kanilang pinag-aralan para pagtakpan at protektahan iyong kanilang mga miyembro.

POE: Oo nga parang lusot-lusot lang. Ginagamit nga ang batas hindi ba, sabi nga, hindi lahat ng legal ay makatarungan. Pero at the very least, sana magsabi naman ng katotohanan. Pero siyempre mahirap na talaga iyon ma-expect sa mga ganoong mga karakter, basta iyong makikita talaga natin na hindi sila, para bang pumunta sila doon para iinvoke lang talaga iyong kanilang right against self-incrimination.

TABERNA: Pero sa nangyari pong ito senator, imbes na sila ay makakuha ng simpatya sa publiko, kasi mga bata pa ito, kumbaga, bright future ang nakikita natin sa kanila kung hindi lang nasabit na ganito. Marami pong nabwisit sa kanila eh, sa totoo lang. Dahil nga po sa simpleng tanong na hindi naman talaga makakaapekto sa kanilang pagiging may sala o pagiging inosente, eh ayaw nilang sagutin.

POE: Yun na nga eh. Kailangan talaga may managot dito. Pero nakita mo naman noong tinanong yung isa doon, yung naging head, si Arvin Balag, iyung presidente nila, mayroon na silang parang rambulan noon sa Manila Hotel. Tinanong, anong nangyari sa kaso na iyun? Idinismiss na ng prosecutor. Kaya para bang ang mensahe dito, tama nga iyong sinasabi nila sa text, hindi ba may text nga na kumalat na parang, 'huwag kayong matakot, ang dami nating abogado dito.'

BAJA: Iyon. Naku.

POE: Hindi ba, parang masyadong tahasan namang pag-circumvent ng batas.

BAJA: Yun senator, yung mga hindi naman miyembro, hindi kasama sa hazing, pero nakita iyong mga messages at may mga ebidensiya ng pang-iimpluwensiya o pagbibigay ng payo para i-cover up iyung pangyayari, mga miyembro ng Aegis Juris na abogado na, pwede rin ho bang makasama sa mapapanagot iyun?

POE: Pwede sigurong mapasama. Pero siyempre hindi naman kasingbigat nung mismong pumatay doon, pero depende rin sa partisipasyon. Kasi ganito iyan, si Solano, alam mo noong una nga, tama kayo, may simpatiya pa sa kaniya noong umpisa, sabi ni Senator Lacson, kasi para bang tinawagan ka dahil ikaw iyung may medical training kahit paano, siyempre napilitan ka na. At sabi naman niya, 'naaawa din ako sa bata kaya hindi ko na iniwan sa ospital.' Hindi ba sinabi niya iyon? Kaya lang, what prevailed upon him later on? Siguro may mga pinagsasabi sa kanya iyong ibang frat members niya, biglang ayaw na rin niyang sumagot. Hindi ba? So maaaring iyon, kung obstruction of justice or perjury o kung ano pa man, pero iyong mismong murder, hintayin natin. Sabi nga ni General Coronel, maaaring tingnan iyong DNA doon sa paddle o doon sa mga lugar na iyon at saka kung magsasalita na si Solano at si Trangia at sabihing iyon talaga ang nadatnan namin sa library noong pumunta kami. Again, hindi naman sila firsthand account, hindi ba? Kasi pagdating nila doon, patay na rin si Atio. So iyong mga bagay na iyan, hindi ako abogado, pero kailangan siguro mayroong firsthand knowledge or may mag-confess talaga doon, may isang mag-whistleblower or mag-state witness.

TABERNA: Iyon pong pinag-uusapan namin ni Kumbachero tungkol sa accountability ng mga abogado kanina, oo hindi nga sila kasali doon sa aktuwal na hazing, pero iyong pagpapayo nila na i-cover up ang kaso para mapagtakpan iyung kanilang mga kasamang mga bata pa, eh sa ganang amin po, iyun ay basehan para sila po ay maparusahan ng Korte Suprema bilang mga officers of court. Ang totoo po noon kung meron lang nakikinig sa amin, dapat ipa-disbar iyang mga iyan eh. Kasi hindi po ugali ng matinong abogado iyan.

POE: Kaya nga eh. Hindi ba conspiracy na rin iyan, to cover up a crime, at hindi lang basta-basta kung anong crime. Iyon ang isa ngang sinasabi ko, si Dean Divina, I'm sure napaka-competent niyang abogado, pero competence can be used to the advantage of one particular cause, hindi ba, pwede rin sa hindi magandang paraan ginagamit iyung competence mo. Pero I am not saying that he is, what I am saying is Dean siya doon sa UST, tapos counsel pa on retainer ang Divina Law ng UST. UST is a big university. Siguro naman at this point pwede naman nilang isipin, other students who are aspiring to be in law school would probably want to join that fraternity kasi alam nila, mismo iyung dean miyembro noong fraternity na iyun. Siguro dapat mag-leave muna siya kasi iyung imbestigasyon na ganun, eh kahit papaano may conflict of interest talaga.

BAJA: Senator may mga kaso na na nai-file, ano ho ba iyun, itutuloy-tuloy ba ng Senado ang hearing?

POE: Na kay Senator Ping yan, pero ang tingin ko parang may balak pa siyang ituloy kasi sinuspend lang niya. Saka kung matatandaan ninyo, iyung driver ng Mitsubishi na ginamit, family driver ng mga Trangia, wala siya doon kanina. Diumano siya iyong nagmaneho kay Atio papunta doon sa ospital. Pero ang sinasabi naman ni Antonio Trangia, iyung tatay ni Ralph, sabi niya, 'hindi, iyong family driver ko kasama namin noong mga oras na iyun.' Kaya pati siya baka madawit sa pagtatakip kung hindi siya nagsasabi ng totoo.

TABERNA: Eh ang problema natin dito, dahil nga iyun na ang direksiyon ng mga abogado na ito, Kumbachero, mag-code of silence na lang dito eh. Hindi ho kaya para ipaubaya na sa husgado iyan kung makakarating sa husgado ha, ni hindi pa nga yata nakakalampas sa DoJ level ito Kumbachero eh.

POE: Alam mo, iyon nga eh, at least sa Senado kahit na naririnig mong nagsisinungaling lahat ng mga iyan eh nadidinig mismo ng taumbayan ang nangyayari sa mga pagdinig. Ang mahirap kasi kapag natatabunan, marami na ring trabaho sa korte, nababaon sa limot, maraming suspension, maraming nakikiusap siguro dahil mga miyembro rin ng fraternity, eh baka makalimutan. Mabuti na rin na ilabas nang ilabas ngayon ito para medyo mangilag-ngilag naman iyung iba na pagtakpan kapag ito'y talagang naging kaso na. Pero tama, hindi naman pwedeng ang trial ay sa Senado lang. Ito ay paumpisa pa lang. Pero ang talagang hustisya rito ay kung makulong ang mga talagang nagkasala.

BAJA: Opo. Tama iyun.

TABERNA: Kung sabagay, iyun pong pinagkukulungan ngayon kay Arvin Balag eh aircon. Maganda ang kondisyon niya diyan. Mukha ngang dapat i-consider ninyo ang city jail, nagpunta na ho ba kayo sa city jail ng Pasay? Sa amoy pa lang po ng Pasay, aamin na po yan. Wala ka pa sa loob.

POE: Eh siguro kaya din sinabi yun ni Sen. Ping, noong umpisa sabi ni Sen. Migz hindi daw dapat yan sa Senado kasi hindi daw dapat gumastos kahit ni isang kusing para dyan sa pagkain o ano.

On MRT

TABERNA: Maiba lang ho kami, naalala ko po na kayo eh humihiling na kasuhan, napag-uusapan natin yung kaso, yun pong mga responsable sa misery ng bayan na ito sa MRT lalo na po yung bumili ng ilang bagon tapos palpak pala yung bagon na binili may advance payment pa po tayo. Sino po ba talaga ang dapat kasuhan?

POE: Alam mo ang dapat talagang kasuhan diyan walang iba kundi yung mga namuno noon--si Sec. Abaya, yung mga dating mga nakasama niya doon, mga Usec ng DOTC, kasi sila yung nagdesisyon niyan. Hindi tayo engineer pero ang sisiguraduhin mo dapat, compatible, hindi ba mismong timbang hindi nababagay dito eh. Tinanggap nila yung una. So, ngayon nagbayad na tayo ng P526 million na. Sabi ko, bakit natin isusugal na ipipilit natin yan, para kang nagpilit ng isang sapatos na hindi naman kasya sa paa mo. Pero dapat makasuhan yung mga yon. Ngayon, talagang gusto kong ipatawag itong si Marlo Dela Cruz kasi isa siya doon sa paulit-ulit na incorporator ng iba't ibang mga kontrata ng mga MRT at diumano siya'y konektado sa nakaraang administrasyon. Ngayon si Marlo Dela Cruz napakahirap hanapin. On break ngayon ang Senado pero ang balak ko, ipa-refer na itong hearing na ito hindi lamang sa committee on public services, isama na rin dito ang blue ribbon committee kasi ito ay dahil hindi lamang sa technical na problema ng LRT kundi ang puno't dulo nito ang kapabayaan at maaaring korapsyon.

BAJA: Ayon, pero huling-huli na rin. Pero may kinalaman pa rin sa Senado. Yung pinag-uusapan ho namin kanina Sen. Grace na panawagan na buksan muli ang pork barrel scam investigation, ano ho bang treatment diyan ng Senado?

POE: Sino ang nagtawag ng pagbubukas niyan?

BAJA: Yun raw hong campaign against public accountability?

POE: Para naman sa akin kahit naman sabihin nila kung ano yung mga issue kapag mayroong talagang hindi nareresolba at saka mayroong mga bagong, halimbawa, may mga bagong ebidensya na kailangan talagang buksan at imbestigahan, dapat talagang buksan. Yung PDAF na yan napakalalim niyan eh, may mga nakulong na nga tayong mga senador doon, kaya lang hindi ba may mga hindi pa mga nabanggit. Hindi lang naman si Janet Napoles, marami pang mga iba diyan na kumita diyan sa PDAF na yan-meron pa ngang Maya Santos hindi ba, na ni anino hindi na nakita sa Senado. So bakit naman hindi? Kaya lang alam mo ang ibig sabihin nito kapag nagbukas ng isang hearing diyan sa PDAF, meron pa tayo dito sa MRT, meron pa tayo sigurong mga impeachment, may budget, may TRAIN, may federalism, may ganyan. Siguro wala nang uwian yan. At kayo rin.

TABERNA: Nakakapagod yan. Anyway, sana po ay may matapos at saka kung ako, ang importante sa akin yung sinasabi ninyo na yung mga accountable na mga officials of government na lalo na yung araw-araw natin na nararamdaman yung sumasakay sa MRT yung aberya na yan, tapos ang ganda pa naman ng pangalan ng kumpanya, DALIAN tapos binagalan. Sana may makulong talaga diyan. Baka gumaang-gaang ang buhay at damdamin ng nahihirapan.

BAJA: At malaki ang papel ng Senado diyan malaki ang tulong ng Senado diyan para mapanagot ang mga accountable officials, senator?

POE: Alam mo sana kung, kilala nila yung mga sarili nila, kung sinuman ang mga nandiyan na nadadawit pa noon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nila kapag nagmamaneho sila diyan at nakikitang nakapila ang ganyan kadaming tao at araw-araw sinasabing dalawang beses pinapababa ang mga pasahero, siguro super manhid na talaga yun para hindi makonsensya hindi ba. Alam mo ba meron ngang nag-propose sa akin dahil sa sobrang unload nang unload ng mga estudyante, hindi kaya raw gawin na lang yung gilid, yung margin sa gilid ng MRT, hindi kaya pwedeng walkway na lang daw yun hindi ba para dire-diretso na may bubong.

TABERNA: Senator salamat po sa inyo. At gagamitin ko po yung sinabi niyo na super manhid.

News Latest News Feed