Press Release
October 28, 2017

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW WITH SEN. JOEL VILLANUEVA
Event: Jesus Is Lord 39th anniversary
Date: October 27, 2017

ON JESUS IS LORD 39TH ANNIVERSARY

SEN. JOEL VILLANUEVA: Ito ay selebrasyon ng ika-tatlumputsiyam na anibersaryo ng JIL Church at nagagalak tayo na icelebrate ito dahil ang kontribusyon nito sa ating nation-building ay napakalaki hindi lamang sa pagpapanalangin sa ating mga leaders kundi yung kontribusyon ng mga miyembro na maging parte ng solusyon rather than to be part of the problem. Yung one way of giving all the glory to God for his faithfulness to the JIL Church and to the JIL people not only here in the country but all over the world.

ON REVELATIONS OF AEGIS JURIS MEMBER MARC VENTURA

SJV: Natutuwa tayo. It's a welcome development yung narinig natin na statements and affidavit ni Mr. Ventura at ito ay malaki ang magiging tulong upang lumabas yung katotohanan. At siguro masasabi lang natin na I'm sure si Mr. Ventura ay nirerejct ngayon, pinagkakaisahan ngayon ng mga brods niya pero gusto natin sabihin na siya yung nagstep up, siya yung may courage para malaman ang katotohanan, para lumabas ang katotohanan, para magkaroon ng hustisya, para matulungan din kami dito sa senado na mahulma natin ang isang batas na magwawakas sa ganitong uri ng culture of violence being promoted by some fraternities. Gusto ko din sabihin na panawagan na din sa mga kasama dito sa Aegis Juris na magstep up sila hindi lang kagaya ni Mr. Ventura kundi yung ibang kasamahan niya, magsalita na din po nang sa gayon ay tuluyan nang lumabas ang katotohanan at tayo, hindi dapat tayo matakot dun sa accountability natin. Kung sino man ang dapat managot, ay dapat managot. At nakikita natin sa flow ng hearing na mangyayari, sa November 6 na ipinatawag ni Senator Lacson sa Committee on Public Order, naniniwala tayo na mas magiging maganda ang usapan at nakita natin ngayon ang bigger picture at pati ang mga detalye kung paano nga ba talaga nangyari. At dito pa lamang sa manifestation na ito ay nirereject kaagad ang sinasabi ni Solano na ang ikinamatay ay cardiac arrest at kung ano mang heart ailment at sinasabi ni Hipe na hindi admissible ang nakita natin na chat messages dun sa chatroom nila, at hindi sila mababangga ng husto. Ang pinakamaganda rito ay we are closer to justice, we are closer to finding solutions dito sa problema na kinakaharap ng buong bayan.

Q: Senator, being a UST Alumni, how does this affect you personally?

SJV: Siguro it's not just me but the whole Thomasian community. We are all disgusted, we are all somehow embarrassed with what is happening and I feel na ang University of Santo Tomas naman will have the guts to be committed and yung maging accountable if merong tinatawag na lapses in the oversight and negligence in its duties. I think meron namang guts ang leadership ng UST na maging accountable dito and we should because this is what the Thomasian spirit is all about. And ako nga ho lagi kong sinasabi na I am not a Catholic but I embrace Thomasian values and I believe na marami pa tayong magagawa pa na magcocontribute sa nation building at itong mga bagay na nakita at naririnig natin ay ikinakahiya at nirereject natin dahil hindi yan ang Thomasian spirit at Thomasian values na matagal na nating inaalagaan.

Q: Mag-i-invenstigate po ba ulit ang senate?

SJV: We are set to have our committee hearing on public order on November 6. Again, we want to reiterate our call because welcome development ang ating narinig mula kay Mr. Ventura at I'm sure na Mr. Ventura ay ipinapako ngayon sa krus ng kanyang mga supposedly brods o fraternity brothers kaya ang call namin ngayon ay lumabas na din po ang iba at magsabi na din ng katotohanan sapagkat ang katotohanan lamang ang magpapalaya po sa inyo at talagang itong nangyari pong ito ay napakalaking revelation nito, magbibigay daan ito na makita natin talaga yung nangyari sa frat library, nangyari dun sa initiation rites, nangyari kay Atio at higit sa lahat, hindi lang yung justice na makukuha ni Atio at ng kanyang pamilya kundi matutulungan niya itong investigation in aid of legislation para tuluyan nang wakasan itong culture of violence dito sa ating bansa lalo na among fraternities not only in UST but also around the country.

Q: Are we going to hear from Mark Ventura this hearing on November 6?

SJV: Definitely, we'll use his affidavit and we'll call also yung mga kasamahan po niya na magsabi na ng katotohanan kasi we're very disappointed kay Solano na previous hearing he would tell all, he would give names and after niya makausap yung mga brods niya nagbacktrack na siya, bumaligtad na siya, we're so disappointed. Itong darating na hearing, mas magiging intense dahil hindi na nila basta basta magagamit ang invocation ng kanilang right against self-incrimination.

News Latest News Feed