Press Release
October 30, 2017

Sen. Leila M. de Lima's statement on the investigation of LP leaders' alleged drug links
Dispatch from Crame No. 189

10 / 30 / 17

Duterte is not interested in catching real drug lords. He is merely using his notorious drug war as a platform for vengeance against the political opposition, including LP stalwarts Sen. Frank Drilon and former SILG Mar Roxas, who has already stayed out of the public view since the 2016 Elections.

Mr. Duterte and his rabid attack dog SOJ Aguirre should stop going after their imagined and fictitious drug lords, whether Sen. Drilon, Sec. Roxas, Mayor Mabilog, or myself. He should go after the real drug lords. In order to do this, Mr. Duterte does not even have to go that far. Apparently, the drug smugglers are living right inside his own household.

Pangulong Duterte, bakit ka mag-aaksaya ng panahon sa pagimbestiga sa walang kwentang sabi-sabi ng isang walang kwentang saksi, kung ang mga tunay na salarin sa pag-smuggle ng limpak-limpak na shabu ay nasa ilalim mismo ng iyong ilong?

Bakit mo pa paiimbestiga si Drilon at si Roxas kay Aguirre kung ang sarili mong anak na si Paolo na nadawit na sa pag-smuggle ng tone-toneladang shabu, kasabwat ang iyong manugang, ay patuloy na namamayagpag sa kabila ng kawalan ng seryosong imbestigasyon sa kanilang pagkadawit? Habambuhay bang pagtatakpan ng iyong mga kaalyado at buong gobyerno ang iyong anak at manugang?

Bakit si Drilon at Roxas ang iyong pagbabalingan ng atensiyon habang ang pangunahing nagkokonekta kay Paolo Duterte at Mans Carpio sa "Davao Group", si Davao Councilor 'Small' Abellera, ay biglang nawala, at di man lang malaman kung siya ay dinampot o pinalutang na sa karagatan ng Samal? Nasan rin ba si 'Tita Nani'?

Bakit ka pa lalayo, kung may ebidensiya na hindi sa Iloilo, kung hindi sa sarili mong siyudad ng Davao namamayagpag ang mga pinakamalaking drug smuggler sa Pilipinas? Huwag ka nang maghanap ng shabu sa Iloilo. Baka sa Davao lang nakatambak ang tone-toneladang shabu na ipinasok sa bansa ng mga sarili mong kamag-anak.

Tigilan mo na ang napakalaking panloloko sa taumbayan. Ang hamon sa iyo ay ipaimbestiga mo kay Aguirre ang sarili mong anak at manugang.

Pangulong Duterte, huwag ka nang mandamay. Huwag ka nang mang-turo sa mga inosente na parang Makapili noong panahon ng Hapon para lang mailigtas ang sarili mong anak at manugang.

Tama na ang mga panlilinlang at panlilihis nyo sa mga tunay na isyu. Harapin mo ang katotohanan!

News Latest News Feed