Press Release
January 6, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Franklin Drilon
DWIZ hosted by Cely Bueno

Q: May mga nagsabi po sa mga kaalyado ng pangulo na no election at posibleng term extension sa pangulo kapag nag-shift na tayo sa Federalismo. May basehan po ba ang mga pinalulutang na senaryo na it?

Drilon: Unang-una, sinabi ng pangulo na hindi siya interesado. Ganunpaman, yung sinabi nila na no election ito po ay labag sa ating batas Article 6, Sections 4 at 7 ng ating Saligang Batas, ang termino ng mga senador ay anim na taon at ang miyembro ng house of representatives ay 3 taon lamang. Kung walang halalan po ito po ay magigigng labag sa ating batas at ito ay kailangang baguhin dahil hindi mo lang basta sasabihin na no-el, that's one. Pangalawa, sa senado po meron na pong 5 senators na ineligible na dahil naka- 2 terms na sila - Senate President Pimentel, Senators Escudero, Honasan, Trillanes at Legarda. Ang eligible naman for second term ay sina Senators Angara, Ejercito, Villar, Binay, Aquino and Poe. Ako unang-una, ang no-el hindi pwedeng mangyari unless you amend the constitution, which must be ratified in a plebiscite, at dapat mangyari iyan bago po ang May 2019. Ako ay may tiwala sa mga kasama ko sa senado na hindi papasok sa ganitong may conflict dahil sila po ay magbe-benefit kung may no-el. Notwithstanding the end of the terms, kung boboto kang no-el ay medyo conflict of interest, that is why I am confident that may colleagues in the senate are decent enough not to agree to a no-el or term extension, which will benefit them. Tayo po ay may tiwala sa ating mga kasama sa senado that they have moral standing not to be tempted to vote for this amendment.

Q: Malabo po yung sinasabi ni Speaker Alvarez na baka kakayanin na sa Mayo ay magkaroon na ng plebisito?

Drilon: Hindi ko po nakikita na mangyayari iyan given the time frame. Una, nababasa ko sa pahayagan na sinasabi ng House committee on justice na sa Mayo ipadadala sa amin yung impeachment complaint. From my experience, the moment mag-impeachment court kami wala kaming ibang matatrabaho. For the rest of they year, the remaining six months of 2018, we cannot do anything so I cannot see kung paano namin aamyendahan ang saligang batas, which is controversial. I can't see kung paano isasabay sa halalan sa May 2019. Hindi ko nakikita. Hindi talaga magagawa. Pangalawa, hindi naman pwedeng haharap ka sa taumbayan sasabihin mo pumayag ako sa amendment kasi ma-extend ang term ko, sa palagay ko naman hindi iyan gagawin ng mga kasamahan ko sa senado.

Q: Ang sinasabi ni SP Pimentel, para sa kanya ang tamang panahon para gawin ang plebesito ay Mayo 2018.

Drilon: Pano nga, 2018 tayo ngayon. Kailangan mo ang ¾ votes ng senado. Kung ¾ votes, dito pa lang sa binibilang ko ay may 11 senador na ang alangan dahil may conflict of interest. They will benefit from the extension.

Q: Sa tingin n'yo po, itong tina-target na constitutional change ay malabong mangyari sa madaling panahon?

Drilon: Sa katunayan, hindi pinag-uusapan sa senado yan. Ako ang chairman ng constitutional amendments bago ako alisin at tinanggal kami ng mayorya, ang last na hearing doon the executive was supposed to submit kung ano ang proposal nila. The record will show, officially hiningi ko kung ano ang proposed amendments ang at ang sabi niya ay magtatayo sila ng study group composed of 24 members at ang last act nga ay isinumite yung executive order creating yung constitutional study group. Hanggang ngayon wala akong nababasa na na-appoint all those 24. As of now, walang official proposal sa senado on federal system, e masalimuot po itong proposal na ito. This is something very complicated. Hindi pwedeng basta-basta na lang na kapag isinubo ay kailangang aprubahan. I challenge Malakanyang, tell us if you have submitted officially anything to the senate. Walang official position from Malakanyang on federalism.

Q: Si SP Pimentel daw ay mag-pa-file ng resolution?

Drilon: Yung resolution ay resolution of both houses na ang ibig sabihin kami ay iko-convene as a constitutional assembly (con-ass) at doon pag-uusapan yung federalism at dun pag-uusapan namin ang unang hakbang ay to pass a resolution converting congress into con-ass at iyon ang magpo-propose ng amendment. Hindi pwedeng sa lunes mag-file ng resolution, saying tomorrow we will have a federal system.

Q: Si Speaker Alvarez ang sabi kailangan nang maipasa kaagad?

Drilon: Baka sa HoR, may sarili silang timetable but the speaker cannot speak for the senate. Habang nandiyan tayo sa topic na iyan, ako po ay nalulungkot na for the first time in my career as a senator - mahigit 20 taon na tayo diyan sa senado - ngayon lang po ako naka-experience na inaatake ng Speaker of the House ang senado. Dati po meron tayong inter-chamber courtesy, kung may reklamo sa kabilang kapulungan, pwedeng magtawagan, privately pag-uusapan. Hindi ko po naalala na may mga ganitong atake ang speaker sa seando. Sa akin, this demeans the senate as an institution of democracy. Ito po ay nakakatakot dahil ang check and balance ay bahagi ng demokrasya at ang check and balance within the house and the senate, iyan po ay isang bahagi ng ating demokrasya. Ngayon dahil sa atake sa senado you weakened the senate then you weakened the check and balance and when you weakened the check and balance, you weakened the institution of democracy which is the senate. Tingnan n'yo, inaatake ang senate, inaatake ang CHR, inaatake ang Ombudsman, ang SC thru the Chief Justice, ito po ay institutions of democracy and nakakatakot that when these institutions of democracy are weakened, e kawawa ang democracy. Kaya po I am calling on Senate President Pimentel to defend the senate as an institution of democracy. Regardless of one's political affiliation, the higher obligation of the Senate President is to defend the senate as an institution of democracy. Kahit po magkaalyado tayo ng pangulo, pagdating po sa labanan sa demokrasya, dapat po na ipagtanggol natin ang demokrasyon and when you weaken the senate, mawawala po ng check and balance.

Q: Iyan nga po ay dahil sa sinabi ni Speaker Alvarez na slow chamber ang senado at ang nagging tugon naman ni SP Pimentel ay quality over quantity ang batayan, sapat na po ba iyon na pagdedepensa?

Drilon: Sa akin po beyond that, dapat we should not forget na ang senado ay nandiyan on a check and balance system. Kung ang sistema ay masisira dahil hihina ang senado, masisira po ang ating demokrasya. The Senate President has the obligation to assert the independence of the senate dahil siya po ang aming pangulo ng senado. He has the obligation to defend the senate as an institution of democracy. He has the duty to preserve the independence of the senate. Ang senado ay independent institution, the senate is the one which would stand up to the president on many issues.

Q: Sa inyo pong palagay ay walang basehan ang sinabi ni Speaker na mahina ang senado sa pagpapasa ng batas?

Drilon: Walang basehan at ang debate ay hindi diyan, dahilan ang senado ay may sariling pananaw at ang sariling pananaw ay kailangang manatili dahil iyan po ang institution of the senate as an independent institution must be preserved, if we are to preserve our democracy.

Q: Balikan ko sa Cha-cha, ang chairman na ngayon ay si Sen. Kiko, ano ba ang dapat na maging unang hakbang?

Drilon: Una, sabihin na natin na aamyendahan natin ang Saligang Batas, siyempre there are two ways through con-ass ang kongreso ang mag-aamyenda o tatawag ng con-con 2/3 votes. Meron pang isa, ang People's Initiative pero huwag muna natin talakayin yan. Ang unang hakbang, ano ba ang mode na dapat nating gamitin, kongreso ba na mayroong ¾ votes ang kailangan o yung con-con na 2/3 vote. Kung kongreso ang magpo-prose ng amendment, kailangan yung resolution of both houses kailangan magkasundo ang dalawang kapulungan na gagampanan nila ung kanilang tungkulin para bumuo ng con-ass, or tatawag kami ng concon kung saan bawat distrito may kinatawan, iyan po ay kailangan ng 2/3 vote. So before we talk about amendment ano muna ang mode. Kapag sinabi mong kongreso, iyan pa lang sinasabi natin no-el o di ba may conflict of interest na diyan?

Q: Ano po sa tingin n'yo ang pinakamainam na paraan?

Drilon: May punto on both sides, kalahati sinasabi concon kalahati conass. Kung tatawag tayo ng concon walang pakialam ang kongreso.

Lilinawin ko lang, hindi po ako against sa amendment pero pag-usapan natin kung ano ang mode. Kung concon, wala pong pakialam diyan ang kongreso. Kung conass, ang kongreso ang magpo-propose ng amendment.

Q: Kung con-ass po, dapat pag-usapan kung voting jointly or separately?

Drilon: Dapat separately kaya meron tayong dalawang kapulungan sa kongreso at dapat ang desisyon ng bawat kapulungan ay kunin natin; nakita mo naman nung ML extension yung boto ng mga senador nabalewala na?.

Q: Marami po ang nagsasabi na maaring marami ang hindi sumuporta dito sa Chacha dahil baka raw may hidden agenda dahil sa simula pa lang may no-el na?

Drilon: Iyan po ang aking babala sa mga proponents ng federalism. Iyan po ay nakita natin ang tunay layunin, ang tunay na layunin ay walang halalan. Ang tunay na layunin ay i-extend ang term; ang konspeto ng federalism ay naging secondary agenda.

Q: Sa draft ng PDP 5 years ang term ng pangulo with re-election at walang limit sa lawmakers?

Drilon: In fairness sinabi ng pangulo di s'ya papayag sa term extension. Yung lifting of term limits for congress dapat ang tao ang magdedesisyon diyan thru a plebesito; sa tingin ko ayaw ng tao na alisin ang term limit at lalo na ayaw nila ng extension

Q: Makakatulong ba ang federalism sa ating bansa?

Drilon: Wala pa tayo sa puntong yan; sa senado nga walang official proposal ang Malakanyang; sa senado di namin pinag uusapan yan. Ang alam kong nagtutulak ng federalism ay si SP Pimentel na adbokasiya nilang mag-ama. Si Sen Pacquiao nagsusulong din, pero the rest of the 21 senators hindi pinag-uusapan yan dahil walang proposal mula sa malakanyang.

Q: Sinasabi kasi na kung federal daw ay dapat unicameral na; si Sen. Pimentel naman ang sabi niya ay gusto pa rin niya na bicameral

Drilon: I think it's too premature to talk about it.

Q: Dito po sa TRAIN, marami sa ating mga kababayan ang nagsasabi na kahit tataas ang take-home pay, marami na nag magpa-file na petition na magtaas ng pamasahe at may mga nagpaplano na para kwestyunin ito sa Korte Suprema?

Drilon: On record, lahat ay ating inilatag sa senado; sa records ng debate winarningan natin na ganito ang mangyayari; tataas ang presyo ng bilihin. Sa katunayan nung tumayo ako to push for the cosmetic tax, sinabi natin na bakit naman kalian na i-exempt ang pagpapaganda gayung sa kabilang dako ay tatamaan ang mahihirap sa pagtaas ng gasolina. Sa akin ay hindi po tama iyon. All of these are on record. This is a political exercise and ultimately, kung hindi uubra ito, kung mahihirapan ang taumbayan, they have to pay a political price. That's the essence of a democracy. At pwede rin dalhin sa Korte Suprema at kapag sinabi ng Korte na lumabag sa Saligang Batas, balewala rin. Iyan po ating sistema at iyan po ay kailangan natin for the stability of our country. Dapat yung mga may question ay dapat pakinggan.

Q: May mga legal remedy po pala

Drilon: Tama yan may legal and political remedies.

Q: Kay Faeldon po, binabanatan niya si Senator Gordon, Trillanes dahil nade-deprived daw siya at gustong makalabas pero dapat walang batan gn sergeant at arms?

Drilon: Liwanagin natin, kaya po na declared in contempt si Faeldon dahil ayaw niyang humarap sa senado at ayaw niyang sagutin ang anumang tanong, at sa sistema natin ang isang resource person ay pwedeng pilitin na sumagot sa mga tanong na hindi makakasama sa kanya. You can invoke your right against self incrimination, pwede kang hindi sumagot kung ang sagot mo ay makakapagpahamak sayo dahil sa, halimbawa, kasong criminal. Pero hindi pwedeng sabihin mo ayaw ko humarap kung nandiyan si Sen. Gordon, si Lacson si at Trillanes. Kasi kung papayagan natin yan hindi na kami makapagtrabaho at wala ng resource person na pwede namin tanungin at humignin ng tulong how we can draft the law. Iyan po ay decided sa SC na hindi pwedeng hindi harapin at hindi sagutin ang mga tanong ng senador kung iyon naman ay kailagan para makagawa ng mga bata. Kung ayaw mo ay may coercive authority ang senado to declare you in contempt and the SC said that you can detain until magsabi na siya,sige haharap na ako at sasagot so long as it will not incriminate me.

Q: Mabilis lang sana ang problema ni Faeldon kung hindi siya nagmamatigas?

Drilon: May kaniya-kaniya tayong paniniwala at may prinsipyo na sinusunod ang senado. May mga precedent na po yan e, alam na natin ang consequences.

Q: Yung appointment po niyan ay hindi pwedeng gamiting depensa?

Drilon: Hindi po pwedeng gamiting depensa, walang pakialam ang appointment niya sa contempt citation ng senado.

Q: Itong napabalitang draft compromise agreement with the Marcos family, pwede po ba yun basta-basta o kailangan may batas?

Drilon: Dapat may batas authorizing the compromise.

Q: Ang balita po naming may mga preparations na ang senate sakaling matuloy ang impeachment, nagpapasukat na ng toga?

Drilon: May pumunta na sa opisina siguro from the office of the Senate President, ang sabi ko meron akong dating toga at pumayat ako ng konti ngayon at pwede ko gamitin yun (laughs).

Q: Sa tingin ninyo darating sa punto na iyon na magsasagawa ng impeachment sa senado?

Drilon: Iyon po ang sinabi ni Cong. Umali na iaakyat sa Mayo at wala kaming choice, it is our constitutional duty to act as an impeachment court.

Q: Kapag nagkaroon ng impeachment trial ay maisasantabi na ang ibang mga batas?

Drilon: Tama po yan, iyan po ang aking experience, dalawang beses na akong naging juror sa impeachment court sa impeachment ni Pres. Estrada at CJ Corona kaya medyo malawak na ang ating experience. Yes, wala pong magagawa na trabaho as a legislative body, dahil ang trial everyday - lunes hanggang biyernes - kalian po kami mag-session? Sa umaga na lang? Kailangan kami maghi-hearing? Wala ng oras.

Q: Yung BBL daw kailanga maipasa ngayon taon?

Drilon: Sisikapin natin pero dapat ang Bangsamoro Basic Law ay naaayon sa batas. Kami sa LP susuportahan namin ang BBL that is consistent with our constitution.

Q: Mayroon daw pong decision na isa na lang ang magiging contractor sa pag-rehab sa Marawi, hindi ba ito prone sa corruption?

Drilon: Meron tayong procurement law na dapat sundin in the rehabilitation process; hindi pwedeng isantabi ang procurement law; kahit may martial law lahat ng batas natin ay patuloy na umiiral kasama ang procurement law; dahilan dito hindi naman pwede pipili ka ng contractor at kailangan ay daraan sa procurement act.

Q: Sa January 15 na po ang resume ng session, ano po ang tututukan ng minorya?

Drilon: Asahan ninyo na tututukan natin ang lahat ng mga batas na dapat lamang para sa kapakanan ng taumbayan ang ating aaprubahan sa senado.

News Latest News Feed