Press Release
January 18, 2018

AMBUSH INTERVIEW OIL PRICE INCREASE

SENATE OF THE PHILIPPINES

(start of recording)

Q: Ano po ang ginawa nilang tama?

SEN WIN: Nakita ko kasi ang pagtaas ng presyo, 30% ng mga oil retailers right now, hindi nila na-monitor at hindi nila na-validate kung bagong stocks to o lumang stock. Hindi naman pwedeng magtataas ang mga retailers kung lumang stocks kasi hindi sila nagbayad ng buwis doon.

So lumabas sa hearing na mabagal ang kanilang validation at January lang sila humingi ng information. Nakita ko rin ang efforts nila, as early as January 4, naglabas na sila ng requirements para sa mga oil companies at coal-fired power plants na magbigay ng inventory levels. Dapat lang bilisan ang validation kasi araw-araw nagbebenta ng petrolyo, araw-araw gumagamit ng coal so dapat mabilis ang proseso. Ang importante rito alam natin na ang gobyerno ay ginagawa ang kanilang trabaho para maprotektahan tayong mga consumers at hindi mang-aabuso ang mga negosyante.

Q: Ano po itong sinasabi na itong DOF medyo dismissive sila sa effect on inflation ng mga additional taxes.

SEN WIN: Ang inflation, para sa ordinaryong tao, abstract yan eh. Sa mga ordinaryong mamamayan, ang realidad ay gutom, hindi makabili ng gamot, hindi makapag-aral ang anak dahil sa taas ng presyo ng bilihin. Yun ang realidad. So kahit na 0.7 ang inflation but that is an abstract to a person who is hungry, a person who cannot buy basic necessities. Ang importante dito, we are protecting those consumers. Nakarinig kasi kami ng mga reports na as early as December ay nagtataas na ng mga presyo which is not correct, nakikita natin na talagang may mga umaabuso sa consumers natin.

Q: Are you confident with the present mechanism now... (inaudible)?

SEN WIN: I am not confident with that answer, in fact I don't agree with it because it is their job to monitor the inventory levels. In fact under the oil deregulation law dapat ang mga oil companies nagsa-submit ng inventory nila at yung naging konsumo nila so at any given time, at any given date, alam natin kung ilan ang oil o petrolyo sa kanilang inventory at ilan ang coal sa loob ng mga power plants. By that alone, made-determine natin kung magkano ang presyo na tsina-charge nila sa ating mga consumers.

Q: Anong legislation Sir ang nakikita nyo based on that?

SEN WIN: That's a good question. In fact, lumabas rin sa hearing na ito, I can foresee that we need to penalize oil companies kung hindi sila magsa-submit on time, kung hindi sila magsa-submit ng detailed information about their inventory levels and we also have to penalize DOE if they don't process the information because importante ang pagpo-process ng information dahil mabilis ang mga pangyayari.

Q: Pero ano yon Sir? Before ng price increase nila?

SEN WIN: Before, it should be on a regular basis. In fact, kahit walang excise tax, kahit wlang ganitong tax reform, dapat mino-monitor ang inventory levels. I'll give you a very specific example. Ang crude oil ngayon is 70 dollars per barrel na in the world market. Asahan natin na magtataas sila ng presyo pero alam ba natin na ang pagtaas ng presyo ay gamit ang bagong oil, ang bagong petrolyo o ang luma pa. Kasi sa pagtaas ng world market prices, may mang-aabuso na naman dyan.

Q: What about ang distribution utilities?

SEN WIN: Sa mga distribution utilities, dapat nilang bantayang mabuti dahil eventually this coal-fired power plants will charge and pass on the rates and lumabas din sa hearing na these distribution utilities, may power para bantayan kung tama ang pina-pass on sa ating consumer. At ito ang nakakalungkot, pagdating ng end of February, yung pagtaas ng coal excise tax, dire-diretso na yan sa electricity bills, hindi na babantayan ng ERC yan dahil diretso na sa electricity bill natin yan, post-audit na lang ang gagawin. So this is where the utilities will play a role in terms of scrutinizing the bill.

Q: Ano po ang penalties Sir?

SEN WIN: I think we can revoke the franchise because utilities come to the Congress and to the Senate for franchise. So pag hindi nila ginagawa ang trabaho nila, Congress can revoke their franchise - Meralco and all the utilities.

Q: Yong sinabi nyo po kanina na 200 or like 190 per kilowatt hour, yung 7 cents na yan, yan ba yong 6 cents na transmission charge and 1 centavo for the generation charge?

SEN WIN: Yes.

Q: So 13 pesos ba yan?

SEN WIN: Sa Meralco franchise, on the average consumption that's 190 per kilowatt hour. So sa bill nila, by any time of February, makikita nila 13 pesos. Outside of Meralco, it's about 12 pesos increase, more or less.

Q: In reliance of coal yan?

SEN WIN: Yes, in reliance to coal.

Q: How did you come up with 12 pesos?

SEN WIN: 0.06 plus 0.03. Yung 0.06 is transmission, yung 0.03 is the coal. Sa Meralco kasi, mas maliit ang coal eh.

Q: But all Meralco naman is 100% coal, di po ba?

SEN WIN: Hindi, 30% lang. Outside Meralco, iyon yung may mga 100%, karamihan dyan nasa probinsya.

Q: Tapos ano po ang binanggit kanina na 2018, 7? For the impact of coal ba ito? 7 centavos for 2018, 14 centavos by 2019, and 21 centavos by 2020?

SEN WIN: Iba yun ah.

Q: Yung sa coal, yung sinasabi ni Mr. Lacson na nagdodoble raw po every year.

SEN WIN: Well, for power plants, it's 3 centavos of course plus yung 7.

Q: Ano kaya yon? Coal ba yan?

SEN WIN: Hindi nya in-elaborate eh. Mas detailed yong sa GN power, 0.03 by 2018, 0.06 by 2019, 0.11 by 2021.

Q: Yan yong from the generation to the transmission?

SEN WIN: This is only generation.

Q: So yung transmission?

SEN WIN: Plus 0.07 so you add 0.07 to all of them.

Q: Anyway, yung sa average naman yun kanina Sir no? Average computation.

SEN WIN: Yes, this is actual from the power plant, yung GN Power.

Q: Magkano po ang actual na itataas sa oil price?

SEN WIN: Sa oil prices, iba-iba eh. Sa gasoline is 2.97, kerosene is 3.36, diesel is 2.80, and LPG is 1.12 ang itataas at mararamdaman natin ito end of January. May mga ibang nagtataas na January 15, but yung full ay mararamdaman natin end of January.

Q: Pero Sir in-explain ba nila na may mga nagtaas na po noong January 15, parang more or less 3-4 pesos.

SEN WIN: Yes, meron na. May mga nagtaas na ng konti so makikita natin form January 15-January 30, ay magtataas yan ng pakonti-konti pero ang full sa January 30.

Q: Sir, sa investigation nyo po kanina, may nakita ba kayong pang-aabuso?

SEN WIN: May mga unconfirmed reports kaya hindi ko rin binuksan kasi unconfirmed yan. May mga media reports and also social media postings. But then again whether may nang-abuso o wala, importante na ang gobyerno ay pro-active at iniiwasan ang mga ganitong pang-aabuso. Lumabas dyan sa hearing natin na kulang pa ang ginagawa ng gobyerno. Dapat ang gobyerno mabilis, dapat meron syang complete information at ready syang parusahan ang mga nang-aabuso.

Q: Particularly ano po yon Sir?

SEN WIN: DOE, this is all DOE responsibility. Dapat bantayan ng DOE ang presyo ng petrolyo at presyo ng kuryente.

Q: Monitoring sila kulang?

SEN WIN: Monitoring, supervising, penalizing. Importante ang pagparusa eh.

Q: Pero hindi mo po mapipigilan di ba kasi meron tayong deregulation?

SEN WIN: Yes, tama yung statement mo, pero dapat alam mo gaano ang itataas at kailan, predictable yan eh. Hindi mo talaga mapipigilan pero dapat alam mo kung kelan at magkano because predictable components yun ng petrolyo.

Q: Nakita ba kanina sa hearing ang pagpapabaya ng gobyerno? Meron bang dapat managot o wala pareho?

SEN WIN: Sa tingin ko hindi naman sila nagpabaya because based on the circulars na in-issue nila, ni-require nila ang mga oil companies na mag-submit ng mga documents. Pero importante ay pino-process mo itong mga dokumento na ito eh para maproteksyunan ang consumers at lumabas din sa hearing na talagang nagkulang sila pagdating sa bilis and that's what I told them - dapat bilisan talaga.

Q: Ano naman po ang pinangako nila Sir?

SEN WIN: They promised us that within the 12 days period, kasi ang hinahabol natin ay end of the month, ibibigay na sa amin ang processed information at malalaman natin kung tama ang pagtaas ng presyo at kung tama ang kung kailan nila itinaas ang presyo.

Q: Doon po sa presyo ng kuryente, magkano lang daw dapat ang minimum at kelan effective yun?

SEN WIN: Makikita natin sa ating electricity bill na tataas ng 0.06 per kilowatt hour pagdating sa transmission, VAT charges, at tataas ng 0.01 pagdating sa generation. Makikita natin yan sa ating electricity bill this coming February.

Q: So magkano yan Sir kunyare kumukonsumo ka ng 100 kilowatt hour, magkano ang magiging monthly billing mo?

SEN WIN: Seven pesos more or less.

Q: Malaki yun Sir?

SEN WIN: Sa mga mahihirap nating kababayan, na-compute namin, on the average electricity bill ng mga household, nasa around 16 pesos. So sa 16 pesos, kalahating kilo ng bigas na yan so malaki na yan sa mga ordinaryong pamilya kasi mababawasan sila ng kalahating kilo ng bigas every month.

Of course, kung mas mataas ang konsumo mo, mas mataas din ang babayaran mo but on the average, mga more or less 100-150 kilowatt hour, both Meralco franchise and outside.

Q: Sir, ito po ba yung sinasabi ninyong kinatatakutan niyo?

SEN WIN: Yes, yan yong kinatatakutan ko. Even before yan ang malaki nating kinakatakutan, dahil marami dyan pass on to our consumers especially coal. Makikita natin sa coal na hindi na kailangang dumaan pa sa ERC dahil diretso na yan sa bulsa ng ating consumers.

News Latest News Feed