Press Release
January 23, 2018

Transcript of Ambush Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon

Drilon: Ang Kongreso, sang-ayon sa ating Saligang Batas, ay binubuo ng Senado at House of Representatives, kaya kapag sinabi ng ating Saligang Batas na Congress, iyan po ay kasama ang Senado, kaya hindi pwedeng House of Representatives lang. Kung ang pagpalit ng pangalan ng kalsada ay kailangan ang approval ng Senado, lalo siguro kung papalitan ang Constitution.

Q: Ang pag-transmit ng CHR 9 na hinihingi ang concurrence ng Senado, recognition ito na kailangan ng concurrence ng senado?

Drilon: Oo, pinadala nila rito, that's a recognition na kinikiala nila na kasama ang Senado sa pag-amyenda ng Constitution.

Q: Waste of time pa ba na ituloy nila ang pag-propose ng amendments?

Drilon: Oo, dahil wala ring mangyayari dahil hindi iyon pwedeng isumite sa taumbayan ng walang ratification dahil hindi naman dalawang kapulungan ang nag-akto dito. At sa ngayon, walang appropriation ang Comelec.

News Latest News Feed