Press Release
January 24, 2018

Sen. Bam on Charter change, Benham Rise and issue vs Sen. Drilon
(Transcript of media interview)

Q: Ano ang nakikita niyo sa plano ng House sa pagsusulong ng Cha-cha?

Sen. Bam: Naging malinaw sa usapan namin sa Senate, hindi kami magpapa-bully at hindi kami magpapa-pressure sa timetable ng Kongreso. Nag-agree kami dito na dadaan tayo sa tamang proseso. Sisiguruhin natin na ang taumbayan involved sa mga usapin sa anumang pagbabago sa Saligang Batas at sisiguruhin natin na para sa tao talaga ang pagbabagong pinag-uusapan. Kasi, right now iyong pinag-uusapan, puro no-election ba, term limits, paano i-extend ang time ng pulitiko, iyan ho hindi naman mahalaga sa taumbayan. Ang mahalaga sa tao, paano ako magkakaroon ng regular na trabaho, paano ko ma-afford ang presyo bilihin, paano magkakaroon ng edukasyon ang aking anak. Ito pong usapin ng pagbabago ng Saligang Batas, kailangang ilapit natin sa pangangailangan talaga ng tao.

I think the Senate has made a stand na dadaan kami sa tamang proseso at involved ang taumbayan. At ang laman dapat niyan, ay iyong mahalaga sa tao at hindi lang mahalaga sa pulitiko. Right now, ang ginagawa ng Kongreso na nagtutuluy-tuloy po sila, ang stand ng Senate, kung mayroon mang proseso ng pagbabago ng Konstitusyon na con-ass, kailangan nandiyan din po ang Senado. I think we've all made it very clear that when you look at the provision, Article 17 tungkol sa Kongreso, ang tinutukoy po niyan ay Article 6, na kung saan dalawa ang kapulungan ng Kongreso, ang Upper House at ang Lower House. Hindi ko nakikita ang isang pagbabago ng Konstitusyon na hindi kasama ang Senado, considering na isa kaming co-equal branch ng legislative branch ng ating gobyerno at ng ating Konstitusyon.

Q: Ano ang nakikita niyong solusyon kasi magkakontra ang stand niyo sa kanila...

Sen. Bam: Right now, ang ginagawa ng Senate, dadaan kami sa mga hearings and we've all agreed, we will give it the right time and the right process. Sa tamang panahon at sa tamang proseso. At the end of the hearings, magde-decide ang Senate kung ang tingin namin dapat bang ibukas o hindi ang proseso ng Saligang Batas. Pagkatapos noon, magde-decide pa kung anong proseso iyong dapat isusulong, kung con-con o con-ass.

Ako mismo, nag-file ng isang constitutional convention, resolution for a con-con dahil naniniwala po ako na magkakatiwala ang taumbayan sa proseso kung con-con members ang gumagawa ng pagbabago, at hindi lang po kaming mga pulitiko.

Nagsabi si Chief Justice Puno na posibleng magkaroon ng isang constitutional convention na mga miyembro ay hindi naging parte ng isang political party, may ban sa pagtakbo pagkatapos ng proseso ng pagbubuo ng Saligang Batas. Puwede rin pong lagyan ng anti-political dynasty clause. You can have a situation na mayroon pong con-con na ang mga miyembro po niyan, puwede pong ilayo ng konti sa pulitiko at pulitika.

At this point, kung ibubukas man natin ang proseso ng pagbabago ng Saligang Batas, baka mas may tiwala ang taumbayan sa con-con kaysa con-ass.

Q: Sa tingin niyo, hindi maiiwasan na umabot sa punto na maiiakyat sa Korte Suprema ito?

Sen. Bam: I think they will have to play a role at some point. Malinaw naman po sa ating Konstitusyon na walang puwedeng pagbabago ng Saligang Batas na hindi kasama ang Senado. There's no reading n gating Konstitusyon na hindi kasama ang Senado, considering that ang Kongreso na tinutukoy ng Konstitusyon ay ang House at ang Senate. Sabi nga ni Chief Justice Puno, kung hindi ako nagkakamali, kahit po law student, makikita na kailangang kasama ang Senado sa proseso ng pagbabago ng Saligang Batas.

Q: About Liberal Party.

Sen. Bam: Last week, nagkaroon ng anniversary event all over the Philippines.

Q: Napag-usapan ba ang official stand ng Liberal Party?

Sen. Bam: Ang pag-uusap, talagang more with the Senate. In fairness, iyong napag-usapan namin sa Senate, hindi lang mga LP kundi ang buong kapulungan noong nag-caucus kami last week. And we all agreed, cross party, all senators nagkaisa kami na hindi namin papayagang ma-railroad at maging mabilisan ng proseso. Dadaan po sa tamang oras at sa tamang panahon, kung mayroon mang pagbabago ang ating Saligang Batas.

Q: Ang dating administrasyon, pinaglaban ang Philippine territory. Ngayon, iyong current administration, pinayagan ang exploration sa Philippine Rise, ano ang masasabi niyo rito?

Sen. Bam: Ako ang stance ko dito, matagal na, 2016 pa, no secret deals. Wala dapat sikretong deal sa kahit anumang bansa, especially China, kung saan mayroon tayong competing claims sa ating teritoryo. Matagal na tayong naghain ng resolusyon kung saan hinihikayat ang Department of Foreign Affairs, pumunta dito at i-share sa Senado at sa taumbayan kung anuman ang dealing with other countries, especially China, lalo ngayong mainit na mainit ang balitang ito.

Kailangang malinaw sa taumbayan, ano ba ang hangganan ng ating pakikitungo sa kanila at masisigurado ba natin na pabor sa mga Pilipino ang mga deal na ito. We've called for transparency sa isyung ito. Sabi nga natin, walang secret deals, dapat alam iyan ng taumbayan at tanggap iyan ng taumbayan.

Q: Kailangan bang tumayo rito ang Kongreso o Senado?

Sen. Bam: We've filed this resolution many months already. We hope pakikinggan ito ng Committee on Foreign Affairs at hikayatin ang departamento para maging malinaw talaga, vis-à-vis our relationship with the US, with China. Alam ko po naging mainit recently yung pagdaan po ng mga US ships dito sa ating teritoryo. So kailangan maging malinaw tayo, ano yung pakikitungo natin sa mga bansang iyan.

Q: Sir, bakit malambot tayo sa China? Ano ba nasa likod nito?

Sen. Bam: Well, alam mo, I think it's been the policy shift ng administrasyon na mas kumiling sa China. I think naging malinaw naman iyon. But, even though that is a prerogative of the executive department, and ninanais lang natin, maging transparent at malinaw sa kahit anumang dealings ang meron tayo sa China.

Q: Sir, do you think tama yung statement ng Malacanang na wala tayong capability to explore Benham Rise, China lang daw talaga yung makakagawa nito?

Sen. Bam: That's not true, in fact, we've already been exploring the Benham Rise. May mga trips na rin tayong ginagawa diyan, may mga exploration na tayong ginagawa diyan, at kung hindi ako nagkakamali, ginagawa na iyan for the past so many years. So, palagay ko nagkagkamali lang sila doon sa salitang iyan, na sa China lang tayo puwedeng sumandal para sa issue na ito. I think what we need to do right now is just to be clear - ano ba talaga yung dealings natin with China regarding these territories? Yung Benham Rise, ano yan, klarong klarong sa Pilipinas iyan. Hindi iyan kasama sa mga competing claims natin. Kala kasi ng mga tao, kasama yung area na iyan doon sa competing claims, hindi. Ang Benham Rise, malinaw na malinaw sa Pilipinas iyan. In fact, Philippine Rise nga ang gustong itawag natin. So they have- we have had hearings about the Benham Rise here in the Senate, and maybe, as a continuation to those hearings, or bagong hearing ng Committee on Foreign Affairs, maging malinaw tayo kung ano ba talaga yung dealings natin with China regarding the Philippine Rise or the Benham Rise.

Q: Sir, you think - they've gotten the permits already for *inaudible*... other countries now, among the foundations given, cause there's a Filipino on board, scientist or somebody who could... You think more than that, dapat magpadala ng another kind of separate monitoring yung gobyerno just to watch over this exploration aside from the one that's already on board *inaudible* just to make a double watch over what's happening, what they're doing...

Sen. Bam: Well, you know, yung mga patakarang iyan, I think the DFA has actually handled that for the past years. Pero again, ang gusto nating makita, yung transparency dito sa dealings natin sa iba't ibang mga bansa. Na i-publish natin, we make it available to the public, alamin natin ano talaga yung hangganan niyan; is it really just for research, or exploration na ba iyan? Kung merong mahanap, anong mangyayari, siyempre, gusto natin kung mahanap sa teritoryo natin, pabor sa Pilipinas iyan. So we want to just make that clear.

Q: ... *inaudible* Dapat bang may ipadala yung government just to watch over yung..

Sen. Bam: Well, alam mo kasi Pau, noh, yung mga ganiyang patakaran, hindi naman bago iyan eh. There are internationally accepted norms pagdating sa exploration ng mga teritoryo. Tingin ko, kailangan, sumusunod tayo sa international norms, at talagang sigurado tayong pabor iyon sa ating bansa at hindi lang pabor sa ibang bansa. Siyempre, teritoryo natin iyan, gusto natin, kung may mahanap diyan, whether it's in terms of the ecology, or in terms of natural resources, dapat, pabor iyon sa atin. And I think we should be very clear with these dealings with other countries. Of course, tatanungin mo rin, baka kailangan ng mga treaty para sigurado talaga yung ating dealings with them pagdating sa mga larangang iyan. So, these are things that, hopefully, we can explore further, maging malinaw- at the minimum, maging malinaw sa taongbayan, ano ba itong mga dealings natin, dapat walang secret deals.

Q: Sir, iba naman. Ano lang po yung stand ng Liberal Party doon sa allegations against Senator Drilon?

Sen. Bam: Well, I think he's already given a statement on this, na fake news ito, and of course we'll allow you to speak to him directly about this issue, but para sa akin, kung mapapansin mo, laging kung may bagong imbestigasyon na gagawin dito, and if you look at the timing, pagkatapos ito hinain ng minorya yung investigation doon sa Navy Frigate issue natin, suddenly merong convict na magsasalita laban sa miyembro ng oposisyon. Nangyari na rin iyan kay Senator De Lima, nung panahon na ni-raise yung EJK issue, may mga convict na rin na nagsasabi na kasangkot siya sa drug trade. So, you know, on that particular issue, we'll let Senator Drilon answer it himself, he has said that it is fake news, but kung titignan ninyo, parang may timing ata dito. Kapag merong imbestigasyon na mainit, laging merong convict na magsasalita laban sa miyembro ng oposisyon.

Q: Diversionary tactic, sir?

Sen. Bam: All I can say is that there seems to be a pattern here. Mukhang may pattern diyan. And, of course, all of these allegations need to be addressed. Lahat naman kami, we're accountable to the people, pero kung titignan natin, wag natin papakawalan yung ibang mga mahalagang imbestigasyon at issue ng ating bayan.

Q: But knowing Senator Drilon, sa tingin niyo walang dealings... *inaudible*

Sen. Bam: He has already said it's fake news.

Q: Is there a supermajority consensus sa Senate that it will not be rushed to cha-cha?

Sen. Bam: Yes. Nagkakaisa po yung Senado dito, hindi kami magpapa-pressure, hindi kami magpapa-bully, masyadong mahalaga ang Saligang Batas para madaliin. And I think this is one of those rare times na nagsasama-sama lahat ng mga Senador. And, sa mga panahong iyan, we fulfill our role as being an independent institution dito sa ating kasaysayan. At palagay ko, sana yung taong bayan masuportahan yung Senado dito sa issue na ito, na wag madaliin, wag i-railroad, ang pagbabago sa ating Saligang Batas. Kailangan po, included yung taong bayan, kasama yung taong bayan sa diskusyunan, hindi puwedeng minamadali at binabasta-basta ito.

Q: You need to... consult the people in... hearings?

Sen. Bam: Opo. I think the hearings, of course, media, kayo po, you play a large role here; eventually kung pinaguusapan na po yung laman ng mga pagbabagong kinakailangan, kailangan yung taong bayan, kasama sa diskusyunan, kasi ang takot ko po diyan, lahat ng mga pinaguusapan, mga pabor lang sa politiko- term limits, bagong mga- gagawing regional instead of national yung Senado, lahat iyan, mga concern ng politiko. Pero yung concern ng tao, baka hindi pagusapan. So I think mahalaga na gampanan ng Senado yung kaniyang role na maging totoong representante ng taong bayan, i-raise yung mga issues na mahalaga talaga sa mga tao, hindi lang yung mga issue na mahalaga lang sa politiko.

Q: ... term extension?

Sen. Bam: Well, again, iyan ho, yung mga self-serving provisions iyan eh. At palagay ko -

Q: *inaudible*

Sen. Bam: Eh kung yun lang yung basehan ng pagbabago, para saan pa? Thanks guys, salamat.

News Latest News Feed