Press Release
February 13, 2018

Win transcript of ambush interview on ERC Commissioners

Q: Pinabalik na po ang apat na sinuspend na ERC Commissioners so excited na rin silang i-resolve ang mga pending, so it's a good development.

SEN WIN: Yes, let's say good temporary development. TRO ito so they still have to resolve the main issue. Ang kagandahan dito, habang temporary ang solution, makakapagdesisyon na sila sa mga stranded contracts na nagkakahalaga ng 1.5 trillion pesos. Actually, ang aking agam-agam ay parating na ang summer months so may ibang mga lugar na mag-e-expire na ang kanilang mga kontrata, ang iba naman ay hindi na mag re-renew ang kontrata so meron talagang banta na mawalan ng kuryente.

Q: Dahil temporary lang na nabalik sila so you're calling them na i-resolve agad ang pending para maiwasan po ang pinangangambahang na shortage?

SEN WIN: Ang pinaka solusyon dito ay ma-resolve na ang case, ang isinampa sa kanilang case para malaman na natin kung karapat-dapat ba sila na ituloy ang kanilang trabaho because in the energy sector, dapat may certainty, hindi yung nagkakaroon ng problema na ganito dahil araw-araw ay may nag e-expire na kontrata, may mga nag-re-renew at ang problema, kung hindi maaprubahan, kung hindi maaksyunan, ay baka magkaroon ng brown-out.

Q: Ang set-up is temporary lang?

SEN WIN: Temporary lang because this is a TRO issue, it's 60 days, and within that 60 days, they have to resolve the main cases.

Q: Yong shortage na nakikita natin Sir, sa tingin niyo po with this development, kayang mapunan?

Yes, kaya within 60 days. In fact, the Chairman assured us na inuuna na nila ang mga critical na mga kontrata. So ako I'm very confident that in the next few weeks ay maaaprubahan na ang mga mag-e-expire na mga kontrata para sa summer natin ay hindi tayo magkakaproblema.

Q: So yung fear na baka magkabrown-out, ano po ang nakikita niyo ngayon?

SEN WIN: The Chairman, kahit noong nagkaroon tayo ng hearing, I think sinabi niya na kahit kulang sila, pino-process na nila ang mga kontrata, ready to decide, para pagkaupo ng commissioners ay mag-de-decide na lang sila. So I think right now, nasa punto na sila na mag-de-decide na lang sila kung ang mga kontrata ay aprubado o hindi.

In the next 60 days, assuming na maaprubahan itong mga kontrata, itong mga pending items, hindi ko nakikitang magkakaroon tayo ng brown-outs until summer months.

Q: Sir, yung contracts, ito ang mga new applications?

SEN WIN: New applications, renewals at iba pa, marami kasing iba-ibang kontrata but basically, it pertains to the supply of electricity.

Q: Yung isa sa mga nabalik, naka-schedule nang mag-retire di po ba?

SEN WIN: Yes, by June dalawa ang mag-re-retire but I think that is now well taken into account dahil matagal na din pumili ng mga commissioners, hindi rin simple dahil nga very technical itong position na ito.

Q: Wala pa po bang schedule ng hearing?

SEN WIN: Tomorrow, meron kaming hearing on this ERC. I hope humarap ang mga commissioners, it's another topic but we will talk about this issue about the assumption of the ERC board.

News Latest News Feed