Press Release
February 20, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Sen. Grace Poe: Well ganito yung nangyari dun sa DOTr, sinasabi nila sa atin na bagama't may mga dumating na parts e hindi pa rin nila magagarantiya talaga na mapapatakbo nila ng maayos sa lalong madaling panahon. Pero ito yung timetable, hopefully by the end of February dahil sa mga parts nila, mga sampu na ang pwede nilang patakbuhin na train. Kaya ko naman sinasabi ito para masingil natin sila kung hindi 'di ba? Kasi ngayon ang nakikita natin, tatlo na lang. So pagdating ng end ng February, sabi nila mga sampu. Pagkatapos ng Holy Week kung saan sila ay gagawa ng overhaul, sabi nila mga 15 trains. Ngayon, marahil ay nakita ninyo sa balita na tine-test na ang mga Dalian trains, sabi ko, 'Bakit ninyo tine-test kung umpisa pa lang ay overweight na yan?' Ang sabi nila yun ang kailangang gawin ng independent consultant na kinuha nila. So kung yung train na iyan ay papasa, aba 48 coaches iyan, maraming trains iyan. Pero sa ating mga kababayan, bagama't makakadagdag sila ng train, pakonti-konti dito. Aminin natin na malaki talaga ang problema dito kaya nga sabi ko nga hindi dahil sa paghihiganti, kundi dahil sa pag-ako ng responsibilidad. Binanggit din nila ang kaso na ibinigay nila sa Ombudsman kung sino ang dapat managot kaya nagkabuhol-buhol ang problema natin sa MRT. Siguro umaapela na rin sila sa Ombudsman na sana pagdesisyunan na ito at wag naman ibasura dahil alam naman natin na ang Ombudsman, may paggalang naman tayo sa kanila. Hindi dahil sa kung ano pa man, ang pinaka dapat responsibilidad natin ay ang ating mga kababayan.

Q: Who should be held liable for this mess?

Poe: Dun sa findings nitong DOTr ngayon, ay yung mga dating nagbigay ng mga kontrata na iyan na hindi naman naayos. Si Sec. Abaya, tapos yung mga ibang miyembro ng DOTC noon. Tapos yung mga nag-approve din nun...Basta may kaso sa siya Ombudsman na sinumite nung December.

Q: Ma'am, si Sec. Bong Go made a request during the hearing to conduct a hearing on fake news and he is willing to attend daw.

Poe: Whether or not he requested for the fake news hearing, alam naman ninyo na suspended lang yung huling hearing. Talagang magkakaroon tayo ng hearing bago mag-adjourn ang session natin. So sinabi ko dahil meron din siyang issue, may hugot din siya, maganda rin na pagkakataon sa kanya kung gusto niyang umattend. Inimbitahan naman natin, para wala siyang sabihin na may pinapanigan ang ating komite kung sino naman ang merong nais na talakayin dito sa pagdinig na ito, tayo naman ay bukas na pakinggan yun.

Q: On Rappler

Poe: Ang nais kong malaman, ano ba talaga ang naging desisyon kung bakit nangyari iyon. Alam natin na may prerogatiba din naman ang Malacanang Press Corps pero ang ginagawa nilang basehan yata ay yung naging desisyon ng SEC tungkol dito na kailangang iapela pa ng Rappler. Kasi yun nga, yung nakalagay sa ating Konstitusyon na dapat ang media companies ay Filipino-owned. Ngayon gagamitin ba nila ang teknikalidad na iyan e minsan nagiimbita naman tayo ng foreign press na mag-cover rin ng ating mga statements; so siguro dapat ay i-eksplika ng Malacanang yung timing rin ng paglalabas na iyon. Ngayon kung gagamitin nila yung desisyon na kasi SEC, hindi pa malinaw ang kaso, maaaring technically they can justify it but siyempre hindi mo maiaalis sa atin na isipin na meron pa bang ibang dahilan kung bakit nangyari iyon. Siguro pwede nilang i-eksplika yun, hindi naman ako ang nagdesisyon nun, sila.

Q: Clarification, kailangan magkaroon ng clearcut explanation bakit kailangan bawal

Poe: Ang media ay nariyan para protektahan ang demokrasya pero kinakailangan din na ang media ay responsable; so siyempre kapag nagkakaroon ng mga desisyon na ganyan, maaring ang iba ay maalarma na ito ba ay dahil binabawasan ang ating kalayaan na malaman ang katotohanan at maghayag? Kaya intayin natin kung ano ba talaga, kaya responsibilidad din siguro ng gobyerno na i-eksplika sa atin kung ano ba talaga ang dahilan. Kasi hindi rin ako pwedeng humusga hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang dahilan sa likod ng pagsuspinde sa kanila.

Q: Di ba Malacanang is not exactly a private place, hindi naman niya bahay yun, hindi niya pagaari yun, can a member of the media really be blocked from entering the place?

Poe: If there is a legal reason which I'd like to know--number one, is the SEC decision, if they've accredited themselves as a Filipino company could they use the technicality? But of course it sends a chilling effect. Yun naman ang sinasabi natin, it might send the wrong message to our countrymen that there are certain freedoms that might be compromised but I wouldn't speak that soon, we need to find out again the reason behind it and I think it is owed to us for them to explain the rationale behind that decision.

News Latest News Feed