Press Release
February 22, 2018

Transcript of Sen. Nancy Binay's interview on DZRH

Question: Salamat at pinagbigyan mo kami although ikaw ay nasa session ngayon ng Senado. Ma'am Nancy, ano ho ang posibleng maging hakbang ng Senado at ng concerned government agencies para matigil na itong mga problema natin sa mga OFWs, lalo na yung biktima ng pagmamaltrato, pang-aabuso lalo na ho diyan sa Middle East?

Senator Nancy Binay: Lumabas sa hearing kanina ang trend ng naaabuso na mga kababayan natin, lalong-lalo na sa Middle East, ay pataas ng pataas. Dapat pag-aralan na ng DOLE, ng POEA kung dapat na bang magkaroon ng programa ang ating pamahalaan na kung saan unti-unti na nating ipi-phase out ang pagpapadala ng domestic helper sa ibang bansa. Kasi kadalasan doon tayo nagkakaproblema e. I think doon sa mga skilled at professionals, bihira yung kaso ng abuse, pero pagdating doon sa household helpers, doon tayo nagkakaproblema.

Question: Ang tawag po dito ay mga domestic household helpers. Pero Sen. Binay, ang sabi mo nga, sa ilang pang mga statement mo dyan kanina ng Committee on Labor ni Sen. Joel Villanueva, meron na naman tayong sapat na mga batas para maproteksyunan yung ating mga OFW lalo na yung mga domestic helper natin and yet parang kulang ang implementasyon ng ating mga batas. Merong binabanggit kanina si Sen. Franklin Drilon na yung Migrant Workers' Act, at kung anu-ano pa, kulang yung implementasyon ng ating gobyerno.

Binay: Yun nga yung nakakalungkot sa atin lately, yung mga napapasang batas nagiging suggestion lang. Kasi hindi nga siya, kumbaga, ini-implement fully. For example, itong nangyari sa Kuwait. Apparently wala tayong bilateral agreement, walang kahit anong agreement na mapoprotektahan yung ating mga domestic helpers e apparently doon sa Migrant Act nakasaad doon na may ganung kasunduan or else hindi tayo dapat nagpapadala ng ating mga kababayan sa mga bansang walang ganung kasunduan ang nakasaad doon sa Migrant Act. Pero nakikita naman natin doon sa Kuwait, to do away with that provision, ginawang partial compliance.

Question: Pero Sen. Binay, sabi ng ating mga senador kanina, kabilang ka na diyan, 2012 meron na tayong kasunduan sa pagitan ng ilang bansa sa Middle East partikular ang Saudi Arabia. Halimbawa, dapat magkaroon ng eight hours ng rest day, at day off per yung ating mga tinatawag na household service workers. Pero bakit hindi ito na-implement dyan sa Kuwait?

Binay: Natanong yan kay Sec. [Silvestre] Bello kanina, at nasabi niya na two years na silang nagnenegotiate sa Kuwait, at apparently ayaw nilang pirmahan yung ganung kasunduan kasi sabi ko kung nagawa nga natin sa Saudi na magkaroon ng kasunduan na $400 ang magiging sweldo, may day off, hindi na nila pwedeng kunin yung passport nung ating mga kababayan, bakit sa Kuwait parang may resistance? Kung talagang magha-hardline yung Kuwait, siguro it's high time na talagang huwag na nating pabyahihin ang ating mga kababayan as domestic helper.

Question: Sen. Binay, ang isa pang issue sa hearing diyan sa Senado ay yung usapin ng total deployment sa bansang Kuwait. Pero ang tanong nga ho natin, malinaw na ba sa pagdinig kanina ng Senado kung merong maibibigay na ayuda ang gobyerno, kasi itong mga manggagawang ito, sila yung mga kumikita sa kanilang mga pamilya at nagpapadala buwan-buwan para mabuhay yung kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.

Binay: Totoo yan. Yan nga yung panawagan ko kanina sa DOLE, sa POEA, sa OWWA. Kasi yung mga kababayan natin gumastos na yan para makabili ng ticket papuntang Kuwait. Yung susuwelduhin nila sa Kuwait e nakalaan na yan, siguro panghulog sa binili nilang bahay (unintelligible)

Question: ...sa ngayon ay pangako pa lamang ng gobyerno sa kanila?

Binay: Ang nabanggit ni Sec. Bello kanina mga 500 daw ata maaapektuhan ng deloyment ban pagdating sa skilled workers.

Question: Sa kaso po ni Joana Demafelis lumabas po ba sa imbestigasyon kanina ng Senado kung natukoy na kung papaano napunta sa kamay ng kanyang Lebanese employer si Demafelis matapos magsara yung Mt. Carmel employment agency?

Binay: Yun na nga parang may pagkukulang din. Apparently kapag nagsara na ang agency hindi na alam ng pamahalaan kung ano na ang katayuan ng mga empleyado na nirecruit ng agency na iyon at ito yung example yung nangyari kay Joanna nung na-ban ang agency nya parang ligaw na ngayon yung POEA kung ano na ang nangyari sa mga narecruit ng banned agency o nung mga pinasarang agency kaya nga maganda din ang suggestion I think ni Sen. Drilon o Sen. Villar na dapat iyan computerized. Sabi ko nga in this age of technology, baka dapat puwede na magkaroon ng geo-tagging for our OFWs worldwide.

Question: Para madali silang ma-trace kahit na nagsara na ang mga agency na napasukan nila dati?

Binay: Kasi di ba malaking tulong idn iyon sa atin kunwari nagkaroon ng calamity atleast tukoy na natin kung nasaan ang mga kababayan natin.

Question: Pero ok lang ito sa mga dumaan sa tamang proseso kasi yung iba kasi ilegal ang pagtratrabaho abroad.

Binay: Iyon nga yung nakakalungkot kasi apparently, dito sa Kuwait hindi ka makakapunta kung walang nagsponsor sa iyo na employer so technically lahat ito dumaan sa (unitelligible) yun din nga isipin mo ito na nga nasa tamang proseso nasa legal na proseso nagkakaproblema pa. Papaano pa kaya iyong mga kababayan natin na undocumented at illegal ang pagpasok.

Question: Di lang sa Kuwait pati na din sa ibang bansa sa Middle East. Senator Binay other developments din dahil ikaw ang chair ng Committee on Tourism ng Senado, mukhang may imbestigasyon jan sa Boracay?

Binay: Yes in fact nagfile ako ng resolution para nga imbestigahan itong nagiging problema natin ngayon sa Boracay. In fact nagschedule na si Senator Villar ng hearing. Kami po ay mago-ocular inspection para makita namin talaga kung ano yung sitwasyon ngayon sa Boracay kaya po sa March kami ay magkakaroon ng hearing mismo sa Boracay.

Question: Dahil mismong ang pangulong Duterte na ang mainit ang ulo. Wala daw pong pakundangan ang pagtapon ng basura maging ang sewage system kundi pa daw ito gagawan ng paraan, baka mawala na ang isa sa mga pinakasikat na beach resort sa buong mundo.

Binay: Isipin mo ilang beses nalalagay iyan sa mga travel magazine laging nasa top three yan ng best beaches in the world. Iyon ang nakakalungkot. I guess wakeup call na sa atin yan para matignan na rin pati iyong mga ibang islands na dinedevelop ngayon na hindi umabot sa nangyari sa Boracay.

Question: Sa Boracay bukod sa mga business establishments problema daw ngayon ang squatting...

Binay: I guess isa din iyon at wala daw sewerage system kaya pagpunta namin doon sa March 2 i-oocular inspection namin kung ano ang mga facilities na natayo jan sa Boracay.

News Latest News Feed