Press Release
February 25, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DZBB hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: Kayo po sa Senate, ano po ba ang takbo ng panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas? Kayo po bilang mambabatas, ano yung pananaw n'yo rito?

SFMD: Unang tinatalakay ng aming komite ang proposed amendments sa ating Saligang Batas. Sa katunayan sa sususnod na linggo ay may hearing sa Cagayan De Oro, sa ARMM, sa Cebu at sa Baguio yata. Io po ay dahilan sa kagustuhan ng isa sa mga proponent - ang ama ni Senate President Pimentel si Ka Nene Pimentel - na ang sabi niya dapat may out-of-town hearings. Ngunit ang nakakatakot dito ay may plano na i-railroad ang Cha-cha. Dahilan po ito ay connected sa plano nilang term extension para sa mga congressmen at ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagkansela sa May 2019 mid-term elections sa pamamagitan ng Cha-cha. Ang unang casualty sa balak na ito na magkaroon ng pederalismo ay ang demokrasya. Dahilan ang mga tao ay mawawalan ng kapangyarihan na pumili ng kanila mga pinuno. Alam mo may 80 third-term congressmen na magbebenepisyo kung kanselado ang halalan sa May 2019. Paano po ba gagawin ito dahilan ang Cha-cha, kung magkaroon ng term extension ay dapat ang Chacha should be ratified bago po ang May 2019. Hindi pwedeng walang halalan kung umiiral ang kasalukuyang Saligang Batas. The only way is to hold a plebiscite simultaneously with the barangay and SK elections. Ang kailangan nilang gawin, ang Cha-cha should be ratified before May 2019. Bakit po? Dahilan po kapag nagkaroon ng halalan sa May 2019 at walang Cha-cha, ang halalan ay under the 1987 Constitution kung saan hindi pwede ang pederalismo. The only way na mapapagpaliban ang May 2019 elections ay magkaroon ng plebesito sa bagong Saligang Batas simultaneously with the barangay and SK elections. Pero hindi pwedeng i-simultaneous mo with the barangay and SK elections sa May 2018 dahil wala ng panahon. It's not possible dahilan po hindi naman kayang tapusin ang Cha-cha before March when we go on break sa March 21.

Q: Balikan ko lang po, sa May gagawin yung barangay and SK elections. Ang binabanggit n'yo po ay ipo-postpone ulit ang elections tungong October kasi ang inteion ay para po maihabol yung pelebesito sa Cha-cha.

SFMD: Tama po iyan. Kasi hindi na kayang ihabol ang pag-amyenda kung Mayo 2018. Kaya kailangan i-postpone mo ang barangay at SK elections ng mga Otukbre o Nobyembre 2018 para may pagkakataon na maisabay yung plebesito.

Ang balita ko sa isa sa mga senior congressmen at na-confirmed din ng isang senador sa kanilang pakikipag-usap sa mga congressmen na ipo-postpone ang barangay and SK elections either to October or November, i-railroad ang Cha-cha at have it approved by Congress in time for the barangay and SK elections in October or November.

Q: Kung saka-sakali nga po na ma-railraod iyan, yung barangay at SK elections either October or November, doon na po magkakaroon ng tanong kung payag ka ba sa pagbabago ng Constitution?

SFMD: Tama po iyan. Para ma-postpone na po yung May 2019 mid-term elections. May term extension na. Kung maalaala, sinabi ng Pangulong Duterte na binibigyan niya ang study group headed by former CJ Puno hanggang July to submit to the President the proposed amendments by the Malacanang para pagdating sa SONA ay ma-announce ng President kung ano yung ibig nilang gawin sa Saligang Batas.

The supermajority will railroad within two months between August and October the Charter Change and submit it to the plebiscite together with the barangay and SK elections in October or November.

Q: Yung binabanggit po ninyo ay consistent doon sa sinasabi ni Cong. Erice…na sabi po niya nag-meeting daw po yung mga congressmen at dumating si Cong. Umali, ang sabi raw po niyan oh tayong mag congressman ay maghakot ng mga mayor para magpaingay na hinihingi ng mga mayor na ipagpaliban yung election

SFMD: Then that confirms it. Talagang ipo-postpone nila para maihabol yung Cha-cha before that. Ang isa sa mga problema nila ay walang budget ang Comelec para gawin ang pelebesito during the year. Maso-solve iyan kung pagsasabayin ang plebiscite sa barangay election.

Ngunit gahol sila sa panahon kaya kailangan i-postpone ang barangay elections para magkaroon ng Cha-cha bago mag-Oktubre, at ang May 2019 elections ay ipagpapaliban na. Ito po ay masama sa ating demokrasya. We deprived our people of the right to choose their leaders. Hindi po pwedeng madaliin, in twom month's time, itong Cha-cha.

Mayroon pang isang issue: iyan ba ay voting separately o jointly. Iyan po ay wala pang resolution. Kaya sa aking tingin itong pagpapaliban sa halalan ay hindi dahilan sa may merito, kung hindi para sa kapakanan ng mga kongresista lalo na yung mga kasalukuyang nakaupo. Ang pag-railroad ng Cha-cha ang tunay na layunin ang pagbabago para sa pederalismo.

Q: Sa house nandon yung supermajority. Sa senado po ba considering yung composition ngayon, tingin ninyo magkakaroon ng boto para sa pagpapaliban ng barangay elections at eventually sa pag-amyenda sa constitution?

SFMD: Ako po ay may tiwala sa aking mga kasamahan na kung ang maliwanag na ipinagpapalliban ang barangaya elections ay dahilan sa ibig manatili ng mga congressmen at may term extension, hindi papayag ang mga senador. Dalawang postponement na po itong sa barangay. Kapag madalas, masasanay ang taumbayan na wala ng halalan at iyan ay dangerous sa ating demokrasya.

Q: Kung ipagpapaliban, dapat magawa yung batas bago mag-adjourn sa March 23.

SFMD: Tama po iyan. Dapat maipasa na yung batas na maipagpaliban ang barangay elections. We only have 12 session days. Walang nagpa-file ng bill na i-postpone ang halalan. Sa palagay ko mahirap maipasa ang postponement in the next 12 session days.

Q: Tingin n'yo po ba may imprimatur ito o basbas ng Presidente?

SFMD: Hindi ko po alam. Hindi po ako kasama sa kaniang usapan. Ngunit maliwanag ang balita, na-confirm mo, ako dalawang sources ang nag-confirmed. Kayo po sinabi ni Cong Erice quoting Cong. Umali na gumawa ng ingay yung mga alkalde para ilabas na humihingi ng postponement. Iyan po ay talagang hindi tama at hindi papayag ang taumbayan na muli ay balewalain ang election. Kailangan humarap ang mga opisyales sa taumbayan. Iyan po ang essence ng demokrasya. Lalo na po kung ang dahilan ay para sa Cha-cha, hindi po tama iyan at kailangan tutulan ng taumbayan.

Q: Naniniwala po ba kayo na federalism ang talagang objective ng Cha-cha?

SFMD: Tama po iyan. Iyan po ang objective. In fairness iyon naman talaga ang itinutulak ng PDP Laban.

SFMD: Ang sabi mo nga 70% ay hindi alam ang Saligang Batas…

Q: Opo Sir.

SFMD: Lalo na po ang federalism. Kung hindi alam ng taumbayan ang Saligang Batas na may 30 taon nang umiiral, lalo na po ang pederalismo. Iyan po ay dapat pag-aralan nang husto. There's a chance that with federalism ay magkahiwa-walay tayo dahil sa federal state. Ang bagong Bangsamoro Basic Law, ito po ay para sa ating mga kapatid na Muslim sa South, ito po ay parang federal state... Ang sabi nga ni Sec. Sonny Dominguez, isa sa pinakamalapit na advisers ng Presidente noong hearing namin, ang sabi niya dapat tingnan muna natin kung how federalism will work in ARMM bago natin gawin nationwide. Kailangan tingnan natin kung ano ang kailangan, ano ang kulang bago natin gawing nationwide. Kaya dapat ingatan natin ang pagbabago ng ating Saligang Batas lalo na kung papalitan natin ang sistema ng ating pamahalaan.

Q: Doon sa plot na irapido ang pag-amyenda, ano po ang dapat dito na maging stand ng Senate leadership?

SFMD: The Senate President should reflect the sentiment of all the senators. Sa aking basa, ang gusto ng mga senador ay huwag madaliin at huwag i-railroad at pag-usapan. Hindi pwedeng i-railroad at madaliin. He should show his leadership in order that we should have a rational discussion of Charter Change. Ang dapat, he should lead the Senate to prevent a Charter change based on the ambitions of the House of Represenatives na i-extend ang kanilang termino dahilan sa masama iyan para sa ating sambayanan.

SFMD: Kung sinasabi nila na i-impeach nila si CJ Sereno. From all indications iyan po ay iaakyat nila sa Senado by March 21, pagbalik naming sa Mayo iyon po ay aming tatalakayin ayon sa Saligang Batas. Kailan po natin pag-uusapan itong Cha-cha na ito?

Talagang kung ibig nilang baguhin ang Saligang Batas by October, iyan po ay maliwanag na railroad. Hindi po tama. Lalo na kasama sa plano na ipagpaliban ang election at magkaroon ng term extension sa mga congressmen. Maliwanag ang self interest sa pagpapaliban ng elections sa May 2019.

Q: Kaya siguro minamadali, kasi kung magkakaroon ng election sa May 2019 mababago na ulit ang composition ng Congress at panibagong suyuan na naman.

SFMD: Tama po iyan. Imposibleng hindi magkaroon ng composition lalo na ang sabi ko nga, mahigit 80 congressmen ay third term.

Q: Sa Senate kalahati rin mapapalitan.

SFMD: Kalahati rin ang haharap sa halalan. Hindi mo malalaman ang anyo ng Kongreso sa July 2019.

Pahabol na tanong, may dapat po bang baguhin sa labor expert policy ng pamahalaan?

Alam mo, binasa ko yung Overseas Workers Act, talagang detalyado. Ang problema ay hindi ipinapatupad. Halimbawa, hindi binubuo yung information sharing kung saan, dito yung kaso ni Ms. Demafelis, halos isang taon na na nakalipas nang ni-report na nawawala pala, walang aksyon. May provision diyan na dapat may sharing of information. Pangalawa, ano ba ang effort ng pamahalaan para magkaroon ng labor agreement lalo na sa mga bansa na marami tayong ipinapadalang kababaihan bilang domestic workers. Ang problema rito, an gating mga domestic workers ang kanilang workplace ay nasa loob ng bahay kaya hindi mo pwedeng inpeksyunin hindi katulad noong mga nasa construction. Ang aking payo, kailangan gamitin natin ang pagkakataon ito na huwag tayong pumayag na hindi magkaroon ng labor agreement between Kuwait and the Philippines and the middle east countries. Importante po iyon dahilana sa mga batas nitong middle east countries yung ating mga workers ay hindi sakop, kadalasan, ng kanilang labor laws...

Q: Kailangan ang MOA para ma-extend ang protection para sa ating mga kababayan?

SFMD: Nasa batas na hindi lang po pala nasusunod.

Q: Dapat rebyuhin din kung meron tayo sa Saudi, Oman, Jordan dahil nandon po yung mga domestic workers.

SFMD: Tama po iyan. Ating hinihiling sa Pangulo ng Senado na manghigi ng complete report sa DFA, sa DOLE, dahil ito ay nasa Overseas Welfare Act na dapat magreport sila per hindi ko alam na mayroong report.

Q: Kailangan pa po ba ng remedial legislation para i-mandate yung blacklisting ng mga bansa na notorious sa failure to protect OFWs from abuses?

SFMD: Hindi kailangan ang batas dahil nasa batas iyan dahil yung POEA governing board ay may kapangyarihan na ipagbawal ang deployment ng ating mga manggagawa sa ibayong dagat. Nasa batas iyan pero hindi ko alam ung nag-meeting itong POEA governing board. Parang hindi.

Kung hindi naming binanggit ng hearing, baka hindi pa hinanap yung recruiter na iyon. Nang tinanong ko kung hinanap ba yung recruiter, hindi makasagot ang POE administrator pero ngayon nababalitaan ko ay pinapahanap na sa NBI. It's a question of enforcement of our existing laws.

Q: Ibig sabihin sapat naman pala ang batas natin?

SFMD: Sa aking tingin sapat ang ating batas.

News Latest News Feed