Press Release
March 6, 2018

Transcript of Sen. Bam's interview on Nakaw Load

Q: ... Na, sa prepaid. Sa prepaid, mga cellphone. Senator, Magandang umaga po!

Sen. Bam: Good morning, mga Kabayan, sa mga nakikinig sa atin, magandang umaga po.

Q: Ano ba ang naaccomplish natin doon sa Committee niyo, Senator?

Sen. Bam: Actually, Kabayan, kahapon ang hearing natin, 10 AM. Unang una, may naitukoy na ang mga telcos na rason kung bakit nawawala itong load. Noong nakaraang hearing kasi, nung 2009, kay Sen. Enrile, ang naitukoy nilang rason ay dahil nageexpire ang load. And in fact, ngayon, by July of 2018, magiging one year na ang validity ng load natin, hindi na mageexpire agad-agad.

Pero ang nangyayari ngayon, 9 years later, mukhang ang rason talaga diyan yung Value-Added Service provider. Ito ang mga nagpopop-up bigla sa mga telephone natin, mga ine-ex natin araw-araw, sumama sa ganitong promo, sumama sa ganiyang raffle.

Ngayon, mukhang meron talagang mga Value-added Service provider na gumagawa ng unethical practice. Nabanggit ng Globe na meron na silang isususpend na mga Value-added Service provider, may mga tatanggalin. Kahit Smart, nagsasabi na mag-aaudit sila ng lahat ng Value-added Service providers nila.

Q: Yun bang mga provider na iyan, dumadaan sa kanila?

Sen. Bam: Dumadaan po yan sa kanila.

Q: Eh, yun pala eh.

Sen. Bam: Accredited na po iyan sa kanila, that's why magba- blacklist na sila. Ang nangyayari kasi, may mga unethical practice. Sometimes, may lumalabas na picture. Eh may x, siyempre i-eex mo kasi ayaw mong makita. Pero sabi nung isang nagtestigo kahapon, kapang in-ex mo daw iyon, nag opt in ka na agad. Mali, diba? Sabi ko, mapanlinlang na iyan. Nanloloko na sila niyan, diba?

In fact, ang DTI ang nagsabi na kakasuhan rin nila itong mga Value-added Service providers na ito, kasi hindi natin alam, nagki-click tayo diyan, hindi naman malinaw kung ano ang kiniclick natin. Parang ang labas nun, pumapayag tayo na kaltasan tayo ng 2.50 araw-araw. Sometimes, malaki pa, 15 pesos. So meron talagang nanloloko.

Ang unang unang hiling namin, kailangan mag-system audit sila. Dalawang daan lang iyang Value-Added Service providers na iyan. So kung merong mapanlinlang, tanggalin agad, i-blacklist ninyo, kasuhan ninyo.

Q: Senator. Ito bang mga Value-added Service provider na ito, nakikinabang po ang telcos?

Sen. Bam: Opo. Kasi kumikita rin sila diyan. Ang alam ko, may hatian sila diyan. So they're responsible, definitely, responsable din sila. Hindi naman nila sinasabing hindi sila responsable. Ang nasabi lang kahapon, mag-sisingle text sila. In fact, nabanggit ng isang telco, starting yesterday, dahil nga siguro sa hearing, hanggang sa Friday, they will do a system opt out. Kung baga, irereset nila lahat ng mga Value-Added Service providers ng lahat ng kanilang prepaid subscribers para zero na lahat ng VAS ng mga subscribers. Start from zero. So I think maganda iyan. Aside from the system audit, itong system-wide opt out para malinaw sa tao kung ano ang mga sinasalihan nilang mga Value-added Services.

Pero ang pangatlo, Kabayan, na palagay ko pinaka-simple lang talaga, dito binanggit ni Internet Society din. Sabi nila, ang pinakamadali talaga, bawat transaksyon ng ating mga subscriber, meron silang nakukuha na notification o text. Your balance is now ganito. Is now 300, is now 295, is now 290. Para meron tayong resibo. Eh, sabi ng iba, baka ma-pulis naman masyado yun. Isipin mo, kada-tawag, kada- text, may nakukuha ka. Pero sabi ko, mas maganda na iyan, na may nakukuha ka, para itago mo iyon. Kapag may lumabas doon na hindi mo naman sinang-ayunan, puwede kang tumawag kaagad at ipa-reverse. Sa online shopping kasi, meron kang parang grace period, na within 24 hours, kung talagang nagkamali ka lang ng pindot, puwede mong i-reverse iyon. At bawat subscriber, kitang kita talaga niya kung magkaano yung balanse niya, para meron tayong resibo, meron tayong tala, meron tayong listahan niyan.

Hindi na tayo maloloko kung kada-transaksyon, mayroon tayong nakukuhang libreng notification. Sabi ko nga sa mga telco, hindi naman mahal itong solusyon na ito. Pinakamaganda na ito kasi ang mga tao, klarong klaro kung magkano ang kanilang prepaid load. At kung mayroong binabawasan sa kanila, klaro rin kung magkano.

Kahapon, yung ibang nag-testigo doon na nanakawan ng load, nagbigay sila ng kanilang mga records. Sometimes, itong pagbawas ng load, ginagawa 2AM. Hindi mo talaga alam.

Q: So talagang sinadya ang panloloko?

Sen. Bam: Isipin mo, 2AM. Ano ba naman ang makukuha mo nang 2AM na Value-Added Service, diba? So ang hiling namin sa mga telco - and in fairness to them, nakikita nila na nakakasakit na rin ito sa subscribers nila - kailangan talaga ng mga reporma dito sa mga Value-Added Service providers.

Kailangan, unang una, malinaw sa mga tao kung sinalihan ba talaga nila iyan o hindi. Malinaw kung magkano ang nasa load wallet nila, at hindi yun bigla-bigla na lang, magugulat ka, mawawala.

Kahapon, yung isang nagsalita, OFW siya mula Taiwan. Sabi niya, kahit nung nasa Taiwan sila, wala silang magawa, nawawala-wala na rin angload. Dito sa Pilipinas, ganun din. Pero in fairness naman, naexplain na meron talagang mga ganitong gumagawa ng hindi magandang business practice, na kailangan talagang matanggal. Kung talagang ilegal ang ginagawa nila, i-penalize nila.

Q: Oo nga. Pero Senator, sila naman pala ang nakikinabang din. Bakit kailangan pang mag-hearing kayo para sila'y umaksyon? Yun ang tanong.

Sen. Bam: Kung hindi talaga puntirihin ng media, o ng politiko, minsan hindi talaga gumagalaw. Pero nakita namin na ito ang isang hearing natin na ang rami talagang nag-Facebook message, nag-Twitter, nag-text. Ang rami rin pong nag-text sa amin, mga kaibigan ko rin, nagsasabi, paki-tignan talaga ito kasi nangyayari talaga ito. At in fairness, hindi naman nila dinedeny.

Tinukoy naman nila kung sino ang may sala dito, at meron namang repormang pinangako. Ang gagawin namin, Kabayan, para hindi na umabot ng ilang taon na naman na baka walang mangyari, we will have a second hearing by the end of March. Kasi itong mga pangako nila, kaya itong ma-implement within the next few weeks. Gusto namin makitang may action.

Q: Baka sabihin ng tao, eh, pangako lang iyan, wala na naman iyan.

Sen. Bam: Opo. Kaya sa end of March, bago matapos yung session, itong break na ito, maybe end of March, pwede kami tumawag ulit diyan, magbigay kami ng update. Gusto namin makita kung ano ang magiging aksyon ng aming mga telcos at NTC ukol dito sa nakaw-load. Kasi pinaghihirapan po itong load na ito. Talagang pinaghihirapan ang perang ito, kung puwede nalang mawala iyan nang walang eksplanasyon.

Q: Okay. Eh kahapon daw sa pulso, after makausap po kayo, nag-Pulso ng Bayan kami. Alam niyo ba, Senator, 100% naniniwala na sila'y nananakawan, o naglalaho ang kanilang prepaid load.

Sen. Bam: Opo, kahit ako nawitness ko na rin iyan. Kasi doon sa aming opisina, may mga officemates kami, ganun din ang nangyayari. May nagpopop-up. Yun pala, kada pop-up na iyon, may bawas pa. Eh hindi naman siya nag opt in doon, wala naman siyang sinang-ayunan. Baka may napindot lang siya doon sa pagsusurf niya, pero hindi naman ibig sabihin nun sumasang-ayon ka na.

Q: Yung mga gift certificate na inalis na ninyo ang expiration, diba? Bakit may expiration pa itong prepaid?

Sen. Bam: Well, ito nabanggit ng NTC kahapon. Ang naging agreement, one year ang validity.

Q: Kahit magkano?

Sen. Bam: Well, starting July, kahit magkano. Ngayon, above 300 yung one year. Starting in July, lahat na ng load na binibili natin, one year na ang expiry, at kapag nag top-up ka magiging one year ulit. So kumbaga, hindi naman yung tipo na yung lumang load, nag-eexpire. Basta nagpa-load ka lang, magiging one year ulit ang luma niyong nabiling load, o ang nabili niyo noon.

So, ito nabanggit ng NTC, kasi nung panahon ni Senator Enrile, mukhang itong expiry naman ang rason kung bakit nawawala ang load. Yung mga tao, nagaalangan. Nageexpire na pala yung load nila. Eh, kaya naging aksyon iyan. Ngayon, magiging one year na. Ito naman ngayon, ito connected ito sa internet, ang Value-added Services naman ang rason kung bakit nawawala ang load. At sana nga, itong aksyon na ipinangako kahapon, mangyari na siya in the next few weeks.

Q: Bakit July pa po?

Sen. Bam: Ang NTC ang nagbanggit nito, na nagkaroon ng negotiation doon sa mga telco, at talagang in good faith, sabi ng NTC, July na lang ang implementation. Yun ang kanilang nabanggit. At yung isang consumer group, nagsabi, eh baka naman mag-TRO bigla ulit ang mga telco dito, nangako naman ang mga telco na hindi na sila magt-TRO. Definitely daw, one year na daw iyan starting ng July.

Q: Eh sa kaalam ko, Senator, nagagawa ng DICT at tsaka ng NTC yung trabaho nila.

Sen. Bam: Well, nagagawa naman. Pero, parang nabanggit ninyo, kailangan pa talaga ipagharap-harap sila para may makita tayong aksyon. And in fairness naman, yun naman talaga yung trabaho ng Senado. Yung trabaho natin, pagharap-harapin yung mga iba't ibang grupo para magkaroon ng malinaw na solusyon para sa tao.

Q: Sabi ng DTI, criminal pala itong ginagawa.

Sen. Bam: Opo. In fact, humihingi kami ng mungkahi mula kay Usec. Castelo ng DTI, at sabi niya, kung talagang panlilinlang na itong ginagawa, eh dapat tutukan talaga iyan.

Q: Ang makakasuhan po dito yung mga Value-added Service provider?

Sen. Bam: Opo. Lumalabas talaga, may mga pasaway. Kasi nakita naman natin iyon eh. Pag mag pop-up, wala ka namang opt in, pag clinick mo yung x, opt in na pala iyon, eh talagang mali naman iyan. Kung baga, parang naging intensyon talaga na lokohin yung mga tao.

Yung isang telco provider naman, nagsabi na meron silang sistema na two-step opt in process. Kumbaga, hindi na puwedeng one step lang, kailangan may confirmation pa. Maganda rin iyon. Palagay ko, dapat maging industry practice na rin iyon, na bago pa mag opt in, tatanungin ka pa ulit. Kung baga, merong 'Are you sure?'. Diba sa computer, Kabayan, may ganun diba. Baka ganun na rin dapat ngayon, kapag meron pong -

Q: Kapag kayo'y magdedelete, Senator, nakalagay, 'Are you sure?'

Sen. Bam: Opo. Palagay ko, kapag may kinalaman sa pagdagdag ng load wallet, baka dapat may 'Are you sure' din, para malinaw lang talaga na walang sisihan sa dulo. Ang mga practices na gusto nating i-implement, at hihilingin natin, maybe end of March yung next hearing natin, gusto natin ng accounting - ano ba talaga ang naging aksyon mula sa hearing natin. We're hoping na ang pinaka-simple na lang talaga, bawat transaksyon, meron tayong notification, libre naman iyon. So kumbaga, nakikita natin, magkano na ba itong load wallet natin, pag bumababa- o, ito, may bumaba nang ganito. Pag tumaas, tumaas ng ganito. Kada step. At least malinaw sa tao. At puwedeng itago yung resibong iyon. Kumbaga nakatago iyan sa phone natin, puwedeng ipakita agad, ebidensiya na iyan ang load wallet balance mo.

Q: Ang ginagawa natin, Senator, in aid of legislation. Nag-iisip na rin kung anong legislation ang magagawa natin para hindi na maulit.

Sen. Bam: Opo. Ang alam ko, may mga nag-file po kasi na kapwa-Senador natin ng Magna Carta for Prepaid Mobile Subscribers. Maganda iyan. Ang sabi ko nga sa kanila, alam niyo, ang batas, isang taon iyan bago mabuo. Siguro naman, unahan niyo na. Gawin niyo nang kusang loob itong mga pagbabagong ito para hindi na kinakailangan ng mahabang proseso. At least, kung ginagawa ang batas, habang ginagawa ang batas, magkaroon na rin ng solusyon ang ating mga kababayan.

News Latest News Feed