Press Release
March 6, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

ON MALACANANG'S STATEMENT RE FILING OF NEW CHARGES VS FORMER ADMIN OFFICIALS ON MRT MESS

Sen. Grace Poe: Matagal na nating sinasabi iyan na parang sirang plaka. Siyempre dapat talaga na gawing patas ang paglilitis dito pero ako'y nagpapasalamat na napansin na at malaking bagay na mismong ang Pangulo natin ang nagsabi dahil kahit siguro sa kanya naawa na rin siya sa mga kababayan natin at ang pwede nating gawin dito ay managot ang dapat managot at gawing halimbawa na kapag ikaw ay naging pabaya sa trabaho, o may ginawa kang kababalaghan ay ikaw ay paparusahan. Kaya sana ang hustisya dito ay hindi kasing bagal ng mga tren natin at hindi rin kasing sirain para matapos na agad at managot na sila.

Q: The mere act na Presidente na ang nagutos sa tingin niyo this time may mangyayari na?

Poe: Salamat din sa Presidente na nabanggit na rin niya at marami na ring mga kababayan natin ang hirap na hirap na, kaya importante talaga na nakakaramdam ka sa pinagdaraanan ng marami at dapat talaga magbayad. Di porke't may kaya o kaya may kapangyarihan ay wala na silang responsibilidad sa batas.

Q: Who will determine the case that will be filed

Poe: Ang magdedetermina niyan siyempre yung mga abogado at yung hustisya mismo pero para sa akin, malaki kasi ang nawala dahil do'n. Bilyun-bilyon na rin at nakita naman natin na ang mga nakinabang ay yung mga kaibigan niya so parang imposible na isipin na wala silang kinalaman. Unang una, uulitin ko, yung mga kaibigan na kinuha nila na nagmaintain ng train na iyan ay walang capability kaya ibig sabihin wala silang kakayanan kaya sira ng sira yung train kaya sana Mr. President, matuloy na yung mga kaso na iyan kasi malaking kasalanan sa bayan.

Q: How will this solve the transport crisis?

Poe: Unang una, at least ngayon dumating na yung mga parts ng train. Kahit papaano mas konti na ang nasisira kasi mas konti rin ang tumatakbo pero dapat naman siguro ay lahat ng mga ipinangako nila na tatapusin na nila yung pagtetest ng mga train na iyan, e di kung gumana, good 'di ba lahat tayo masaya kung madadagdagan ang mga train na iyan pero huwag ipipilit para lamang may magamit tayo kung hindi naman ligtas.

Q: With the filing of the case ma'am, how will this solve the problem?

Poe: Kapag nagfile ng case dito, anong direktang implikasyon niyan, siguro yung mga nagtatrabaho sa gobyerno iisipin nila, 'teka muna baka balikan tayo sa darating na panahon kung hindi natin ginawa ng maayos ang ating trabaho. So isang leksyon na dapat nating matutunan. Ngayon, direkta bang nakakatulong, e di siyempre nasa kamay ng DOTr iyan kung papaano nila gagawing mas mabilis ang pagreresolba ng desisyon tungkol sa mga train na inorder--kung ito ba ay isosoli o gagamitin, yung mga bagay na iyon. Yun yung pang-araw araw pero marami ngang hakbang na dapat gawin at salamat na dito pagdating sa pagfafile ng kaso siguro naman makikinig na ang iba diyan dahil mismo na ang Pangulo ang nagsabi.

Q: Ma'am sa findings ng inyong committee hanggang kanino yung kaso, kanino ang liability?

Poe: Sa amin yung sa kaso namin alam ko hanggang kay Sec. Abaya pero dahil nga sa marami pa tayong pagdinig na dinagdag mayroon pang mga ibang pangalan na idinagdag pero sa ngayon dun muna tayo, tingnan muna natin ang kaso ng gobyerno na kanilang ifa-follow up...

News Latest News Feed