Press Release
March 14, 2018

STATEMENT OF SEN. LEILA M. DE LIMA ON HER MEDICAL RESULTS

I have received the results of my CT-Scan and am very grateful that the impression of a "liver mass" detected from my check-up last February 15 is not malignant. This means that there is no need for an operation.

I thank God for this blessing, and my family, friends and supporters for their prayers and concern. I thank Fr. Robert Reyes for joining us at the Philippine Heart Center. As I said, there is nothing to worry about.

Nananatili po akong nakatutok sa pagtupad ng aking tungkulin bilang Senador, habang hinaharap ang mga imbentong kaso laban sa akin ng mapaniil na rehimeng Duterte. Hinding-hindi po ako magpapanggap na may sakit para lang makalaya, at lalo na, para magpaawa. Huwag po kayong maawa sa akin. Maawa po kayo sa bayan.

Ngayon nga pong inabswelto ng DOJ sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang sangkot sa ilegal na droga, lalong napapagtibay ang aking pagiging inosente, at ang aking paniniwala sa simula't sapul na peke at palpak ang War on Drugs ni Duterte.

Tuloy-tuloy po ang aking paglaban, hindi lang sa aking paglaya, kundi sa paglaya ng bayan mula sa kasinungalingan, panlilinlang at pag-abuso sa kapangyarihan ng rehimeng ito. Mananatili po akong naninindigan para sa katotohanan, katarungan at kapakanan ng ating mga mamamayan.

LEILA M. DE LIMA

Custodial Center, Camp Crame
14 March 2018

News Latest News Feed