Press Release
March 22, 2018

DZMM TELERADYO INTERVIEW | KURYENTE, DIVORCE BILL & SERENO IMPEACHMENT | PHONE PATCH

WIN: Makikita natin mababawasan, actually mawawala yung universal charge and makakatipid tayo ng mga 35 centavos sa ating bill per kWh sa ating bill so kung ikaw ay average consumer of 200 kWh every month, almost 80 pesos per month ang matitipid mo. That is equivalent sa dalawang kilong bigas ang matitipd natin sa ating bill. Isa itong paraan para bumaba yung ating electricity bill.

Q: Sinusulong gamiting ang Malampaya fund para bayaran ang utang para di pumatak sa bill ng mga consumers?

WIN: Tama, kasi natuklasan namin na yung Malampaya fund na almost 204 billion ngayon ay hindi ginagalaw. Andun lang yun sa ating government account and sayang naman kasi naka tiwangwang lang yung pera at sa kabila nito china-charge tayo every month, almost 22 centavos sa ating electricity bill at pataas ng pataas yan dahil hindi po nababayaran yung utang.

Q: So yung 200 billion na Malamapaya fund gagamitin?

WIN: Hindi buo, natuklasan din naming na hindi naman lahat kailangan gamitin. Approximately mga 120 billion po yung gagamitin.

Q: Yung dagdag singil iba pa po yun?

WIN: Doon sa meeting na yun pinagusapan din naming ano ba ang forecasted ng pagtaas ng electricity bill and titignan naming yung indicators. For example, yung presyo ng coal sa world market ngayon mahigit 100 dollars per metric ton na. Makikita natin yung depreciation ng peso ay napaka laki ng pinababa from 50 pesos ngayon 52 pesos na at bumaba pa. So dahil po sa dalawang dahilan na ito ang forecasted po in the next few months ay tataas pa ang kuryente. Ini-estimate naming sa research namin na papatak yan between 20 centavos per kWh to about 40 centavos per kWh, mejo malaki rin. At you have to remember na papasok na rin ang summer season, so pag summer season mainit, so tumataas ng close to 10 to 15%. Ibig sabihin may epekto yan sa pagtaass ng presyo ng kuryente. Kaya ngayon, kami sa committee on Energy naghahanap kami ng paraan para pababain yung presyo ng kuryente dahil may mga bagay na hindi natin ma co-control tulad ng global prices, ng coal at yung depreciation ng peso. Ang maco-control naman natin yung pagbayad ng utang. Kaya pinagusapan namin kung pano pababain ho ng presyo ng kuryente.

Q: Kung ito ay baba natin sa pang masa ang sinasabi mo ay ihanda na ang bulsa dahil sa susunod na anim na buwan tataas ang singil sa kuryente?

WIN: Malaki po ang possibility na tataas ang kuryente in the next few months.

Q: Dahil sa pagmahal ng coal at paghina ng piso?

WIN: Tama.

Q: Wala tayong magawa doon dahil pag humina ang piso at tumaas ang coal, kasi 40% pa rin ang galing sa coal--

WIN: mahigit 50%, kaya nga naghahanap tayo ng paraan na gumamit na lang po ng renewable energy, mga likas na sa ating bansa tulad ng hydro tulad ng geothermal at solar para hindi na tayo umaasa sa coal at sa imported na pamamaraan dahil kung tayo po ay mag proproduce ng sarili nating kuryente, edi kahit ano pang pagtaas ng coal hindi tayo maapektado.

Q: Wala naman brownout?

WIN: Sa aming internal research basta walang malaking planta na masisira o mag mamaintenance, at wala po kaming nakikitang mag mamaientance in the next 4 months, wala tayong brownout na makikita or mararamdaman. Meron tayong enough supply, almost 3,000 megawatts na reserve at ito ay sapat na para tayo makaraos ng summer season.

Wag lang magsabay sabay yung mga planta. Makikita ko wala naman maintenance na mangyayari. Malamapaya ang isa sa mga pinaka malaki, it's about close to 40% of our Luzon grid at chineck ko hindi naman sila mag shu-shutdown during the summer so okay tayo in the next 4 months.

Q: Divorce bill?

WIN: Yesterday was the last day so wala na talaga time para pagusapan yan. We resume 2nd week of May so wala na talaga.

Para sakin, I'm against drive-thru divorce na mabilis magpakasal and mabilis din mag divorce. Mag file ka lang ng papel eh divorce ka na agad, hindi ako sangayon sa ganun. Pero ako ay sumasangayon na dapat mas madali at dapat maging abot kaya sa ating mga kababayan yung mag file ng annulment dahil ngayon umaabot ng three to five years para magpa annul at ang nangyayari pa, yung dalawang magasawa, napipilitang mag sinungaling at yung favourite nilang gamiting yung psychologically incapacitated. Dapat ayusin natin yung ganito dahil ayaw natin magsinungaling yung ating mga kababayan at wag naman silang pagastusin ng napaka laki para magpa annul. Ito ay procedural, pwede na ayusin yung procedural para mas madali at mas maayos mag pa annul.

Q: Papabor sa divorce bill ang karamihan sainyo sa Senado?

WIN: Walang nag file sa Senado so ibig sabihin walang Senador sa ngayon ay sumasangayon. Pero ito pong nasa lower house ay aakyat sa Senado so ito ay mapaguusapan. Pero ngayon napaka aga para sabihin dahil kaka-approve pa lang ng kongreso. Marami sa atin, including me, na hindi pa masyado nakikilatis itong proposal ng lower house.

Q: Walang Senador na nag sponsor?

WIN: Wala po. Kaya indicator rin kung sinasangayunan ng ating mga Senador.

Q: Maraming Pilipino na pabor sa divorce?

WIN: Actually that is a recent trend, mejo natatandaan ko prior to the elections in 2016, nag kampanya tayo, isa sa mga issues is divorce and same sex marriage. I remember clearly ang sumasangayon sa divorce. Siguro early part of 2016 ay less than 20% kasi ang word na divorce, pag sinabi mong divorce, sa taong bayan ito yung mabilis na pagkhihiwalay. Hindi naman alam ng ating mga kababyan yung technicality ng divorce o annulment of legal separation. Kaya yung mga ordinaryong kababyan natin hindi nila alam ang kaibihan ng annulment, kaibihan ng divorce, kaibihan ng legal separation and these are all legal jargons. Ang nasa isip ng tao pag divorce mabilisan na paghihiwalay tulad sa Amerika na pag ayaw ko na sayo hiwalay na tayo agad. Ayun naman ay hindi ako sumasangayon doon kung ganun kabilis ang paghihiwalay dahil mawawala na po yung sanctity of Marriage.

Q: Impeachment ni Sereno? Partido ninyo?

WIN: Ako pay NPC since day one, noong puamsok po ng serbisyo publiko since 2001 NPC na po ako. Si Tito Sotto and Sen Legarda, tatalo po kaming NPC dito sa Senado.

Q: Are you supportive of the impeachment of Chief Justice Sereno?

WIN: It's too early to say, dahil kakaboto lang po ng articles of impeachment at nakita ko na nabawasan yung charges from 27 to 23 charges. Marami pang na-modify so dapat pagaralan ng mabuti yung charges kay Chief justice. Ang mahalaga ho dito ay dalawang bagay; number one, dapat yung mga Senador kabisado ang rules of impeachment dahil ito po ay magkaiba sa aming procedure ngayon at ang pangawala, dapat pagaralan ng mabuti yung mga charges, yung mga accusations kay Chief Justice dahil marami ho to pero hindi ibig sabihin na marami ay ito po ay grounds for impeachment, kaya dapat po pag-aralan talaga ng mabuti kung alin ho talaga yung may ebidensya. Importante naman dito at the end of the day ay ang ebidensya. Talagang pwede ka mag accuse, pwede ka mag alleged but it will all boil down to the evidence.

News Latest News Feed