Press Release
May 11, 2018

Sen. Bam on CJ Sereno's removal

Talo na naman ang taumbayan.

Ano pa ang laban ng karaniwang Pilipino kung ang Chief Justice ay kayang tanggalin nang basta-basta at hindi batay sa tamang proseso?

Patuloy akong naninindigan na ang tamang proseso sa pagtanggal ng isang impeachable official ay sa pamamagitan ng impeachment court sa Senado.

Binalewala ang prosesong nakasaad sa Saligang Batas.

Natanggalan ang publiko ng karapatang malaman ang totoo at suriin ang kaso.

Tila ang may kapangyarihan na lang ang magdidikta ng hustisya. Talo na naman ang mga Pilipinong walang kalaban-laban.

News Latest News Feed