Press Release
May 14, 2018

MESSAGE ON THE BARANGAY AND SK ELECTIONS

Today, we hope for a peaceful, honest, orderly and credible Barangay and SK Elections nationwide. May our countrymen participate and exercise their right to vote, and to choose worthy candidates who have genuine concern for the collective welfare of their communities.

As Chairperson of the Senate Committee on Electoral Reforms and People's Participation, I have pushed for legislative measures to strengthen the independence of the barangay and barangay officials from the highly partisan nature of politics.

Alam natin na mayroon pong mga pinuno ng barangay ang kinakasangkapan ng kanilang mga padrino para lamang manatili sa poder at kapangyarihan. May mga sangkot pa sa katiwalian at ilegal na transaksyon sa komunidad, habang ang iba naman ay kinukunsinti, kundi man nagbubulag-bulagan lang sa nangyayaring extrajudicial killings at mga krimen sa kanilang nasasakupan.

Ang hindi pakikilahok o pagbalewala lamang sa halalang ito ay katumbas na rin ng pagpayag na magpatuloy ang ganitong kalakaran sa mga barangay.

Hinihikayat ko po ang lahat ng botante, lalo na ang ating kabataan, na bukod sa responsableng pagpili ng mga kandidato ay maging mapagmatyag sa mga posibleng pag-abuso, pandaraya at karahasang may kinalaman sa halalan. Agad po itong ipagbigay alam sa kinauukulan upang agarang matugunan. Maaari ring gamitin ang social media para agarang mailantad ang masasaksihang paglabag hanggang sa makaabot ito sa mga awtoridad.

Muli, nasa kamay ng mamamayan ang pagkakataong ihalal ang mga pinunong tunay na maglilingkod sa barangay at mangangalaga sa kapakanan ng marami. Palakasin natin ang ating mga barangay. Simulan natin sa ating responsableng pagboto sa mga nararapat at tapat na lider.

Isang ligtas at mapayapang pagdaraos ng halalan sa ating lahat.

LEILA M. DE LIMA

Custodial Center, Camp Crame

14 May 2018

News Latest News Feed