Press Release
June 4, 2018

Sen. Leila M. de Lima's Message On "Confronting Tokhang", Women's Narrative of Survival
San Alberto Hurtado Hall, Social Development Complex
Ateneo de Manila University, Quezon City (4 June 2018)

Greetings from the Custodial Center, Camp Crame where I have been unjustly detained for the past 466 days as a prisoner of conscience of the Duterte regime.

Yesterday was one of the saddest days of my life in detention. You might have heard the news that I was not allowed by the court to attend my son's graduation, a special occasion that every mother wants to witness and be a part of.

I did not even ask for a day; just a few hours to be with my child on this special chapter in his life. But even this was denied of me.

Sa aking pag-iisa kahapon, hindi ko naiwasan ang pagdaloy ng mga luha at emosyon, kasabay ang pag-agos ng maraming reyalisasyon ko ukol sa aking sitwasyon.

Hindi na nga iginagalang ng rehimeng ito ang aking karapatan bilang babae sa lahat ng pambabastos, pagyurak sa aking dignidad, at pagsira sa aking pangalan. Hindi na nila nirespeto ang karapatan kong magampanan nang maayos at nararapat ang tungkulin ko bilang Senador. At ngayon naman, ipinagkait na rin sa akin ang karapatan ko bilang isang ina.

Gayunman, sa kabila ng aking pag-iisa at paminsan-minsang kalungkutan, may mga okasyong gaya naman nito na nagpapaalala sa akin na dapat akong magpakatatag at hindi tuluyang panghinaan ng loob.

Despite this sadness, I still feel elated somehow given this opportunity to be a part of this event today--though not physically--with my fellow women and mothers.

I am one with the thousands of mothers who have suffered injustice under the Duterte regime--those who have been widowed, and those who lost their sons and daughters - Kian, Carl, Kulot, Danica Mae and so many others-- in this despicable "War on Drugs."

Sa labinlimang buwan na ako ay bilanggo, nalimitahan ang mga araw na nakakasama ko ang aking mga anak at apo. At sa mahahalagang okasyon na hindi ko sila nakasama, nakaramdam ako ng matinding kalungkutan.

Paano pa kaya ang mga ina ng mga biktima ng Tokhang? Ang mga inang ni hindi kailan man inisip na sa pag-alis ng kanilang anak, ay hindi na pala sila makikitang buhay? Ang mga ina ng mga batang wala pang muwang, mga batang inosente, na nadamay lamang sa karahasan. Mga batang inalagaan sa kanilang sinapupunan, pinalaki, pero sa isang kalabit ng gatilyo ng mga walang konsensyang tao, ay habambuhay na nilang hindi makakasama. Mga bata silang hindi na nagawang makahingi ng tulong sa kanilang ina, at mga inang nangungulila at nagdurusa, na handang ipagpalit ang buhay sa namatay na anak. Na sa paulit-ulit na pagluha at pighati, paulit-ulit na pagtatanong kung bakit ito nangyari, ay hindi na mababago ang sinapit ng anak.

During these trying times, our strength and fortitude as women and mothers, are being tested. Do we succumb to sadness, or do we continue to fight for justice, and for our children?

Magpapalunod ba tayo sa lungkot at pananahimik, o ipaglalaban natin ang katarungan, at papanagutin ang may kasalanan?

Ang ituring tayong mahina at walang kakayahang harapin ang matitinding hamon o bumangon mula sa pagkakadapa ay isang malaking pagkakamali. Sinasabi lang ito ng mga taong walang pinagkatandaan, walang respeto, ginagawang katatawanan ang mga sensitibong isyu, at ang tingin sa babae ay kasangkapan lamang--walang pakiramdan, basta-basta lang kung halikan, hiyain, bastusin. Tatak ito ng isang taong duwag.

We have a President today who does things on a whim. Nagsasalita siya at kumikilos nang wala sa hulog. Nagdedesisyon nang wala sa huwisyo.

A case in point is his horrible "War on Drugs", which is actually a war against our people, especially the poor and the voiceless.

And we all know that President Duterte's Tokhang will only continue if we allow it. This impunity must stop. It should end now.

Our experiences as mothers and women have made us stronger. I know that we will triumph and survive despite an abusive and misogynist leader.

Alam kong sa bawat lungkot nating mga ina, nakakahugot tayo ng lakas at pag-asa sa ating pagmamahal sa ating mga anak. Na sa kabila ng pagdurusa, may pag-asa. Na kaya nating gawin ang lahat para sa kinabukasan, marangal na pamumuhay, at katarungan para sa buhay ng ating mga anak. Dahil sa huli, kaya nating tumindig, at ipagmalaki: Tayo ay babae. Ina. Pilipina.

Tayo ay mga anak ng Inang bayan na lumalaban para sa karapatan at kapakanan ng lahat.

Muli, maraming salamat po at isang mapagpalayang araw po sa inyong lahat.

News Latest News Feed