Press Release
June 18, 2018

AMBUSH INTERVIEW | IMPORTATION OF NATURAL GAS AND MALAMPAYA | FUEL VOUCHERS | 2ND SUSPENSION OF ERC COMMISSIONERS | DEPRECIATION OF PESO | 2ND FLOOR SENATE OF THE PHILIPPINES

[START RECORDING] Q: Why don't we just import natural gas considering yung sinasabi ng DOE?

SEN WIN: For now, based on the DOE's study, lumalabas na mas mura ang mag-import ng natural gas kaysa sa coal at ang natural gas kasi ay mas malinis. Almost 80% cleaner than coal so mura na, malinis pa so there is now an incentive na i-develop natin ang natural gas dito sa ating bansa. Sa ngayon, Malampaya pa lang ang ating source pero mauubos na ang Malampaya in 2024 so as early as now, pinag-uusapan na natin ngayon kung paano ma-develop ang importation dahil malaki ang matitipid nito para sa ating mga consumers.

Q: Sir, may isa pong supplier ang EWC, viable source po ba ito para sa inyo?

SEN WIN: Nakatayo na ang planta, almost 70% complete na at ang kagandahan dito sa statement niya, pwedeng mapababa ang presyo ng kuryente by 2.75 pesos. Ang coal ngayon is five pesos, so just imagine, half the price of coal. Ang magiging problema na lang ay ang connection sa grid, in-assure naman tayo ng NGCP na pwede na siyang mag-connect so malaking bagay ito sa pagbaba ng presyo ng kuryente.

Q: Pero Sir, mag-iimport at mag-iimport pa rin tayo?

SEN WIN: Yes, mag-iimport pa rin tayo. After 2024, mag-iimport tayo kaya as early as now ay pinag-uusapan na natin ito dahil magtatayo pa ng mga facilities para sa pag-import. Unless maka-discover tayo ng bagong Malampaya.

Q: Pero sabi po ng DOE, dapat 2021.

SEN WIN: Dapat 2021 dahil mag-eexpand ang requirement natin so tataas ang demand natin so kakailanganin pa natin ng mas maraming natural gas.

Q: Sir, ang Malampaya po hindi po ba siya pwedeng ma-replenish?

SEN WIN: Hindi pwede. The only way we can find new sources of natural gas is mag-explore tayo. Dito tayo nagkakaroon ng problema sa West Philippine Sea dahil ang Malampaya, kaunting hakbang lang ay West Philippine Sea na at hindi tayo maka-explore sa sarili nating exclusive economic zone.

Q: Pero possible ba na meron sa West Philippine Sea.

SEN WIN: Definitely. 100% merong natural gas sa West Philippine Sea dahil proven na yung reserve diyan eh. Hindi lang tayo makapag-explore right now dahil may conflict sa West Philippine Sea.

Q: But between now to 2021, if ma-explore ang West Philippine Sea, hindi na natin kailangang mag-import?

SEN WIN: For example, naka-discover tayo in West Philippine Sea this year, it will take an additional 5-7 years to produce pero ang kagandahan niyan ay sarili natin, hindi na tayo mag-iimport, hindi na tay bibili sa ibang bansa, sarili na natin yan.

Q: So parang matagal pa yan.

SEN WIN: Meron talagang gap na mag-iimport tayo. Dapat mag-import tayo dahil sa presyo ngayon ay mababa, mas mura ang lalabas na magiging presyo ng ating kuryente, mas mababa pa rin, lumalabas almost 4.30 pesos pag imported natural gas.

Q: Pang-ilang priority ang coal considering na merong environmental issues?

SEN WIN: Dito sa atin, walang pinipili kung ano ang technology, tawag nila dito ay technology neutral. Kung sino ang mas mura, yun ang ginagamit nating source so ngayong mas mura ang coal at Malampaya gas, yun ang ginagamit nating source. Dito sa hearing natin, kung mag-iimport tayo ng natural gas, mas mura siya kaysa sa coal kaya pinagpapatuloy natin itong development ng natural gas para mapababa natin ang presyo ng kuryente.

Q: Ano po ang masasabi niyo na mangangalahati na ang taon pero wala pang fuel vouchers doon sa mga driver na mandated by the telco?

SEN WIN: Actually, ang pinaka-nakakadismaya ay ang unconditional cash transfer dahil nag-allocate na tayo doon ng mahigit 20 billion pesos para mabigay yun at kalahating taon na, kalahati pa lang ang nabibigay out of 10 million families. ito ang naging usapan natin noong nagkaroon tayo ng pagdinig sa tax reform kaya naka-built in na ito, nasa batas at may budget. On top of that, kapag tumataas ang presyo ng langis, dapat magbigay rin ng pantawid-pasada, ginawa na ito in the past, kasi kapag nagbigay tayo nito, hindi automatically tumataas rin ang singil sa pamasahe sa consumers. So ngayon na tumataas ang presyo sa langis, dapat naghahanda tayo ng ganitong subsidiya para hindi naman ganoon kaagad pinapasa sa ating mag commuters.

Q: Pero kasama naman po yata ang subsidy sa pantawid-pasada, aside from the UCT?

SEN WIN: Correct, kasama sya doon sa TRAIN law at kasama itong UCT.

Q: Will the Senate urge the DOTr to release it?

SEN WIN: Unang-una, dapat mapag-aralan natin itong timing kung ngayon na ba ang tamang timing sa pag-implement ng pantawid-pasada dahil inilagay ito sa batas para hindi ipasa sa ating mga consumers, and I think it's about time for the DOE and the DOTr na gumawa na ng framework kasi ang nangyayari, kapag tumaas lang ang presyo, tsaka lang tayo gumagawa ng framework which is dapat as early as now ay nakahanda na tayo para pagtaas ng presyo, kaagad na ini-implement.

Q: Hindi po ba automatic yun na by the time na inimplement ang TRAIN, dapat ang UCT and vouchers ay na-implement na rin?

SEN WIN: Hindi, hindi siya automatic dahil may mga thresholds na tinitingnan doon dahil dapat $80 per barrel ang langis bago tayo magbigay ng subsidy or kung saan pwede natin isuspendi ang excise tax.

Q: Yung voucher? Pero ang UCT, automatic yun?

SEN WIN: Yes, ang UCT automatic yun, ang pantawid-pasada, hindi. Depende yun sa presyo ng langis.

Q: Sir, yung suspension ng ERC commissioners, inakyat na nila sa Court of Appeals, ano po ang magiging effect nun?

SEN WIN: Ikalawang suspension na ito ng ERC commissioners at nakita natin sa unang suspension, nagkaroon ng banta sa brown-out dahil ang nag-aaprove ng mga kontrata ay ERC so kung hindi naaaprubahan ang kontrata, walang suplay ng kuryente na pumapasok at magkakaroon tayo ulit ng banta sa ating kuryente. Hindi natin alam kung bakit na-sususpend ng madalas ang ating ERC commissioners, in fact, hindi sila pwedeng ma-suspend dahil nga nagkakaroon tayo ng problema sa suplay ng kuryente. Tinitignan natin kung paano ireporma ang ERC para hindi na paulit-ulit ito at nag-popropose rin tayo ngayon ng isang batas para tumibay at maging transparency at protektahan ang consumers dahil itong latest na suspension ay dahil hindi naprotektahan ang consumers. Yung deposit na ibinibigay natin ay nagamit din ng Meralco sa ibang bagay, dapat hinihiwalay ang deposit dahil sa consumers yan eh at at one point, babalik yang deposit sa consumers.

Q: Hindi pa po kayo ready na i-suggest sa Presidente na aralin o palitan ang ERC commissioners considering na ikalawang beses na ito?

SEN WIN: Correct, dalawa po ang ERC commissioners na mag-reretire, dapat palitan na sila at pag-aralang mabuti kung ang mga natitirang commissioners ay dapat na ring palitan ng mga taong mas alam ang kanilang ginagawa dahil kung pangalawang suspension na ito at sa dahilang hindi napoprotektahan ang mga consumers. Dapat ay seryosohin na natin to dahil at the end of the day, consumers ang magiging dehado rito.

Q: Sir, how about the depreciation of the peso, should the government be alarmed? Ano po ba ng prevention para rito?

SEN WIN: The market is very volatile now, tumataas ang presyo ng langis, bumababa ang peso natin, but ang depreciation ng peso is largely because magtataas ang interest rates sa America so this is actually beyond our control and at the same time, kapag makikita natin ang straight imbalance natin, we are an importing country, almost 99% ng langis, ang kuryente natin kalahati through coal so halos lahat ng bagay ay in-iimport natin pati bigas so naturally, ang peso ay mag-dedepreciate. Now there are external factors in the United States kaya bumilis ang pag-depreciate ng peso, if you notice our reserves are also going down, 80 million dollars to below 80.

Q: Wala po bang steps that can be taken by the BSP or any source of prevention?

SEN WIN: I think right now, pinoprotektahan nila ang value ng peso, gumagastos para hindi masyadong mabilis ang depreciation ng peso, pag masyadong mabilis kasi ay mas magiging mahal ang presyo ng bilihin especially ang mga pangunahing bilihin natin.

Q: Doon naman po sa barangay issue, ang planong pagpapadampot sa mga tambay, ano po ba ang take niyo doon?

SEN WIN: Para sa akin, isa sa mga reklamo ng ating mga kababayan ay ang napakadaming tambay especially after 12 midnight or 1:00 am, hangang madaling araw ay marami pang tambay. Ang hindi alam ng mga kababayan natin, ay kung sino-sino ang mga tumatambay, karamihan ay ang kabataan pa na dapat ay nag-aaral at natutulog na, I think it is high time na rin dahil gagawing elected ang ating mga barangay captains at pwede naman silang gumawa ng curfew ordinance. So it's really a high time for the national government to work with the barangay officials na magkaroon ng mga ordinansa on curfew or para ang mga bata ay hindi na sa lansangan especially after 12 midnight.

[END RECORDING]

News Latest News Feed