Press Release
June 18, 2018

Statement of Sen. Kiko Pangilinan on tambays

Para po sa mga tagapagpatupad ng batas, hindi na po krimen ang tumambay, o mag-loiter.

Republic Act 10158 has decriminalized vagrancy, amending Article 202 of the Revised Penal Code.

Doble na sweldo ng mga pulis, sundalo, at lahat ng uniformed personnel ng pamahalaan. Gampanan niyo naman ang inyong tungkulin sa taumbayang pinagmumulan ng inyong kabuhayan at kapangyarihan. Maglingkod nang maayos at nang ayon sa batas.

Kayo ang tagapagpatupad ng batas, alamin ito at ipatupad nang tama. Kayo ang dapat manguna sa pagsunod ng batas at hindi pasimuno sa paglabag dito. Sumunod sa batas at hindi sa utos na lumabag dito.

News Latest News Feed