Press Release
June 19, 2018

Statement of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, President of Partido Liberal on SC denying CJ Sereno's Motion for Reconsideration on Quo Warranto

Naghusga na ang Supreme Court. Sa walong nagparatang, anim ay kasama sa mayoryang naghusga.

The accuser cannot be judge. Ang nagpaparatang ay hindi maaaring maghusga.

This is the most basic of laws because it observes the most basic of principles: fairness. Kahit sa boksing, hindi pwedeng makipagbakbakan ang referee sa loob ng ring.

Kasi hindi patas yun. Hindi tama. Kaya lalung-lalo nang hindi pwede sa pagpapatakbo ng bayan.

Pero hindi pa tapos ang boksing, hindi na lang sa ring ang labanan, nasa ating mga tahanan, paaralan, simbahan, sakahan, opisina at factory, kailangan nating itanong sa ating mga sarili kung ano ang mga maari nating gawin bilang karaniwang mamamayan na hindi pumapayag sa pagyurak ng batayang prinsipyo ng katarungan.

News Latest News Feed