Press Release
June 20, 2018

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar (Hearing on Boracay rehabilitation)

Q: On land reform in Boracay

Villar: .. Iyong forest land cannot be land reform unless there is an act of Congress so hindi magagawa iyon. Hihintayin nila ang act of Congress. Tapos doon sa natitirang 600 hectares, meron nang title ang mga may 300 hectares. Ibig sabihin, very limited na iyong areas na magagawa mo. Ibig sabihin,ibigay na lang doon sa mga entitled na mga may ari ng lupa na ngayon na I'm sure ay nagaapply na sa LRA. Iyon ang ibig sabihin na they have to bec areful kasi iba-ibang press release nila, merong 400, may 50, may 900. Ang 900 is the whole of Boracay. How can you land reform the whole of Boracay? Hindi pwede iyon kasi iyong 300 plus ay forest land. It can only be done by an act of Congress. The rest naman, kalahati ay natituluhan na sa mga private persons. So parang magugulo kaya liwanagin kung ano ang mala-land reform.

Q: On Boracay rehab

Villar: Ang nalalabuan ako iyong wastewater kasi 2 kumpanya ang gagawa noon, hindi pa nila nadedelineate kung ano ang assignment sa buong lugar. Mahirap iyon kasi syempre kung all of you all over the place, mahirap iyon. Dapat pag-usapan na kung alin ang sa Tubi Water at kung ano ang sa Boracay Water.

Q: Single body to manage Boracay

Villar: Yes, iyong bill filed by Sen. Drilon dadalhin na namin sa Technical Working Group. This is not a new concept like Subic Bay is managed by one body, Clark is managed by one body . there is something like that in Palawan, Batanes, in Intramuros, Rizal Park, so pwedeng gawin iyon. Kaya lang syempre, every situation is different from another we have to discuss and see to it what is the best way to do it.

Q. What do you think of the progress in the rehabilitation of Boracay?

Villar: Of course, two months pa lang tayo, we still have four months to go kaya nga gusto namin every month maghi-hearing kami to give us an update para may some sort of pressure sa kanila to be able to accomplish something every month.

Q: Iyong sa water concessionaires, iyon pa ang hindi nila naa-accomplish?

Villar: Malaki ang problema nila doon, 2 ang water concessionaires nila at hindi pa sila nag-uusap. Hindi pa kasi nila malaman kung sino ang authorized na makipag-usap sa water concessionaire to divide Boracay to 2 concessionaires. In the meantime, iyong mga water concessionaire gumagawa na rin sila ng sarili nilang paraan. At least lahat ng kliyente nila ay pinakakabit nila sa waste water treatment plant nila. iyong isa ang waste water treatment ay portable. Iyong isa ay centralized. Iba ang system nilang dalawa. But both of them are doingtheir best na mas maraming residents and commercial establishments in Boracay ang dumikit sa kanila.

Q: You said government should be more careful about makingstatements on land reform. Panawagan nyo rin ba ito kay President Duterte?

Vilar: Hindi naman. I think iyong statement ni President Duterte is ibigay ang lupa sa entitled sa lupa para pakinabangan nila ito kasi ang sabi nga inspite of the progress sa Boracay, marami pa ring mahihirap sa Boracay. Tingin niya, kung iyong mga inaaplayan nilang lupa maibigay na sa kanila, mapapakinabangan na nila at makakahango iyon sa kanilang kahirapan. Iyon ang meaning niya. Kaso siguro ang intindi ng DAR, ila-land reform ang Boracay, which is impossible kasi if you look at the report ng Boracay, 300 plus hectares are forest land na hindi magagalaw unless by an act of Congress and then the rest 600 hectraes, 300 plus na ang natituluhan sa private. Ang natitira na lang is less than 300. Iyon ang dapat i-determine ano ba ang magagawa doon, may nag-apply na ba doon, meron na bang nagke-claim na doon? Dapat iyon ang linisin nila para malaman kung ano ang maipamimigay na gusto nila.

Q: Confident ka ba sa September soft opening kasi may mga milestones na daw sila...

Villar: Parang sa report ng governor, mukhang naliliwanagan na siya. Tayo kasi wala tayo doon. Ako I am crossing my fingers na magsa-succeed sila.

Q: On same sex marriage

Villar: They want na kami ang magpa-pass ng legislation with regards to same sex marriage. Medyo hirap tayo sa Pilipinas diyan kasi we are a Catholic country at medyo conservative pa tayo sa mga bagay na iyan. I'm not confident that we can pass that legislation.

News Latest News Feed