Press Release
July 8, 2018

Sen. Bam on the killing of Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan

Taos-puso tayong nakikiramay sa mga mahal sa buhay ni Vice Mayor Alex at sa buong sambayanan ng Trece Martires na ninakawan ng isang mahusay at tapat na lider.

Sa tuwing may pinapatay, hindi lamang ng buhay ang ninanakaw, ninanakaw din ang kaluluwa ng ating bayan.

Para matigil na ang karahasan, dapat maunang iwaksi ng gobyerno ang dahas.

Kung patuloy na gagamitin ang karahasan bilang solusyon sa mga problema ng bayan, hindi magiging payapa at ligtas ang ating lipunan.

News Latest News Feed