Press Release
July 19, 2018

Sen. Bam on the Bangsamoro Basic Law

Binabati at pinasasalamatan natin ang lahat ng nagtaguyod sa peace process, sa mga principal sponsors, co-sponsors at sa aking mga co-authors sa Kongreso, at lahat ng nagtrabaho para buuin ang Bangsamoro Organic Law.

Ang pagpasa ng BBL ay malaking hakbang tungong kapayapaan at pagpuksa sa tunay nating kalaban, ang kahirapan.

Ngayon, kailangan nating magkaisa upang siguraduhin na mapakikinabangan ng mga pamilya sa Bangsamoro region ang batas na ito.

Bantayan natin na maabot ng makasaysayang repormang ito ang mga matatayog na hangarin na kapayapaan at kaunlaran para sa mga kapatid nating Bangsamoro.

News Latest News Feed