Press Release
July 22, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DZBB hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: Ano po yung inaasahan sa SONA?

SFMD: Dalawang bagay po. Una, ibig naming marinig yung mga gagawin at panukalang batas para ma-address ang kahirapan, lalo na sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang inflation ay umaabot na sa 5.3% nitong Hunyo. Iyan po ay ibig nating marinig kung ano ang gagawin ng administrasyon.

Pangalawa, yung patuloy na breakdown ng law and order. Maraming officials ang target at patuloy rin ang extra-judicial killings. Mukhang may culture of impunity. Uulitin ko lang, yung mga measures na tutugon sa kahirapan at yung peace and order situation. Yung culture of impunity na parang tuluy-tuloy na lang at walang natatakot sa batas. I-address iyang dalawang bagay na iyan sa SONA.

Q: Ine-expect n'yo po ba na may policy statement tungkol sa TRAIN law?

SFMD: At the very least, taagin ang Kongreso para maupo at tingnan kung saan nagkamali para ma-address itong pagtaas ng pangunahing bilihin dahil sa tumaas ng inflation. I-convene ang Kongreso at komite para pag-aralan kung ano ang dapat gawin.

Q: Yung sa presyo ng bigas, factor in ito sa inflation?

SFMD: Tama po iyan. Iyan ay kapalpakan ng NFA. Alam nila na magkakaroon ng kakulanganan sa supply ng bigas - yung private sector and rice traders will take advantage. Kaya tingnan mo kung ano ang nangyari, the NFA could not influence the price of rice kasi walang bigas ang NFA kaya yung mga traders as scrupulous as they are took advantage because the NFA could not influence the prices of rice.

Q: Tapos nag-import na at kulang pa rin kaya they announced na mag-import ulit?

SFMD: Tama po iya. Sa kaka-announced nila in advance, tinataasan ng ibang bansa ang presyo ng bigas katulad ng Vietnam. Mali yung i-announced mo ahead of time. Hindi po rocket sicience iyan, alam nila na kukulangin. They should just import without making all these announcements. The NFA should make all the correct assessments. I believe that the competence of the NFA is in question.

Q: Sikreto po pala muna dapat hanggang sa mag-bidding na?

SFMD: Tama po iyan. Ginagawa naman iyan dati.

Q: Walang gumugulong na ulo sa NFA?

SFMD: Well, hindi ko alam kung sino ang mga tao ron. Ang sa akin lang, yung institution ng NFA.

Q: Yung sinabi po ninyo na culture of impunity yung hindi na natatakot?

SFMD: Tama po iyan. Dahilan sa walang napaparusahan. Alam mo, yung batas susundin iyan kapag may nakikita tayong napaparusahan sa ginagawa nila. Kung walang natatakot, gagawin nila yung ibig nilang gawin kasi hindi sila napaparusahan.

Q: Ang natatakot ngayong local government officials.

SFMD: Tama po iya. Iyan ay may basehan dahil ilang LGU officials ang nababaril. Uulitit ko, bakit ganoon kalakas ang loob ng bumabaril? Pari man, LGU official man, o drug suspect man. Bakit ganon walang takot at babanatan na lang kung sino ang papatayin.

Q: Tama po ba nag-expect tayo nang malaki sa President tungkol sa peace and order kasi iyan ang campaign promise niya?

SFMD: Yes, 16 million Filipinos ang bumoto dahil sa pangkao niya nasa loob ng anim na buwan pipigilin yung drugs at aayusin ang peace and order. Kaya sa kaniyang ikatlong SONA, ako, I would like to hear kung ano yung measures para maibalik yung law and order.

Q: Ine-expect n'yo po ba na dapat may policy statement sa West Philippine sea?

SFMD: Dapat at matagal na nating sinasabi. Sa akjn lang, sinabi ko walang epekto sa ekonomiya ang appeasement policy. Kung titingnan mo, ang karatig bansa natin particular nag Vietnam na harapang lumalaban pero yung direct foreign investment mula sa China papuntang Vietnam ganon na lang kalaki na aabot ng $2.17 billion (Chinese investment to Phl is only $31 million in 2017). Ang mga turista nila four times larger sa atin (Chinese tourist arrival in Phl is 968,447 in 2017 while Chinese tourist arrival in Vietnam is 4 million), At the end of the day, ang ibig sabihin, yung national interest ng China at kung ano man ang sitwasyon sa Vietnam in terms of their attraction as an investment destination, iyon po ang mangingbabaw. Ito ang katunayan na kahit nilalabanan nila ang China patuloy pa rin ang pagpunta doon ng mga Chinese tourist at investors. The policy of appeasement is not working. Kaya ibig nating marinig kung ano ang paraan para mabawi yung mga isla na ito na sinabi ng court ay atin iyan.

Sa akin lang, dapat kailangan gumawa ng paraan through peaceful means - diplomatic means - katulad yung pagpunta sa UN para maibalik yung sovereignty natin over these islands. We should be more assertive on our claims on these islands.

Q: Bilang partner sa policy-making ang Senado, may mga resolutions na kayo pero hanggang ngayong walang hearing?

SFMD: Sa akin po, ako'y nananawagan sa pamunuan ng senado kay Senate President Vicente Sotto at Chairman Loren Legarda para magkaroon ng hearings rito para marinig natin sa mga eksperto kung ano ang dapat gawin in terms of peaceful pursuits over West Philippine Sea.

Q: Re Cha-cha

SFMD: Iyan po ay input lamang (consultative committee's draft). Dahilan sa ginawa ng Kongreso sa Bangsamoro Basic Law, napatunayan po ang layunin ng Kongreso sa federalism ay na-achieve sa illalim ng Saligang Batas. May malawak na kapangyarihan tayong ibinigay sa Bangsamoro government. In terms of power and resources, pwede nating ibigay sa LGU nang hindi kailangan ang federal system. Ang BBL ay nagpapatunay na hindi ito (Cha-cha) kailangan.

SFMD: Sa tingin n'yo po ang Cha-cha ang pakay ay federalism?

SFMD: Ang pakay po, no-election at pagdating ng July 1, 2019, appointed na ang lahat ng elected officials.

News Latest News Feed